Oeuvre 54

3.1K 164 13
                                    

Oeuvre 54

Blair's POV:

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang madugong ulo ni Medusa. Napapaisip ako sa sinabi ng babaeng pumatay sa aking pusa. Kilala niya si ginoong Div Umbra at halos magkapareho sila ng aura. Seryoso siya at mukhang hindi marunong magbiro.

Pero bakit walang sinasabing kahit na ano sa akin si Eros? Ang sinabi lang niya sa akin ay mag-iingat kay ginoong Div Umbra.

Hindi dapat muna ako maniwala sa babaeng kaharap ko. Ni hindi ko nga alam ang kanyang pangalan, eh. Itanong ko muna kaya?

"A-Ano pong pangalan ninyo?"

"Penumbra," tipid niyang sagot.

Ang galing. Related ang pangalan nila sa isa't isa! Ako kaya... bakit Blair ang ipinangalan sa akin ni Ama? Alam ko ang ibig sabihin ng pangalan ko. Pero ang iniisip ni Ama nu'ng binigyan niya ako ng pangalan?

Lumapit sa akin si binibining Penumbra at hinawakan niya ako sa aking braso. "Sumama ka na sa akin. Kailangan na nating makagawa ng paraan para makabalik sa Asilo Escuro sa lalong madaling panahon. Gusto ka nang makita ng iyong tunay na ama."

Sininghot ko ang uhog ko. Gaano ba katotoo ang sinasabi niya?

Kahit itinakwil ako ni Ama, mahal ko pa rin siya bilang Ama ko. Hindi ganoon kadaling itapon ang sampung taon na ginugol niya para alagaan ako. Kahit masama ang loob ko, hindi dapat ako maghangad ng kapalit niya.

Ngayon na lang ulit ako nakapag-isip nang maayos. Tama si Eros. Kailangan kong mabuhay. Hindi ako dapat mawala nang hindi ako napapatawad ni Ama! Tama!

"Sakaling gusto ko nang makabalik sa Asilo Escuro, hindi pa rin ako sasama sa iyo."

Kitang-kita ko na kaagad siyang nagkunot-noo. Mas humigpit rin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "At bakit?"

"Mayroon pa po akong existing na kasunduan sa isang Duke. Kailangan ko munang gawin ang parte ko bago ako makabalik."

"Ano'ng klaseng kasunduan? Huwag mo na iyong gawin," giit ni binibining Penumbra.

Umiling ako. "Hindi ko iyon puwedeng sabihin sa iba... pero kapalit nu'n, tuturuan ako ng mahal na Duke kung paano makakabalik sa Asilo Escuro. Kaya hindi mo na ako kailangang sunduin. Makakabalik din ako."

"Ano ang pangalan ng Duke?" Tanong ni Penumbra.

"Reign Rembradt."

Bigla na lang niya akong tinalikuran at umalis na. Ilang minuto akong nanatili sa kinatatayuan ko hanggang sa makumbinsi ako na hindi na siya babalik.

Kinuha ko ang walang buhay na katawan ni Medusa sa putikan. Naghukay ako sa may gilid ng aking dampa at binilisan ko bago pa may makakita sa napakahaba kong mga kuko.

Hindi ko pa napapatawad si Penumbra sa ginawa niya. Bakit pa ako nagtimpi kanina? Bakit ko pa siya kinausap?

Gusto ko siyang parusahan ng kapareho ng ginawa niya kay Medusa at kada sandaling lumilipas, tumitindi ang kagustuhan ko na gawin iyon.

'Pag alam kong wala na siya, bubuti na itong pakiramdam ko. Hindi na ako manginginig nang ganito. Kakalma na ang puso ko.

Dahan-dahan akong tumayo pagkatapos kong ilibing si Medusa. Lumingon ako sa bubong ng dampa na katapat ng sa akin. Susundan ko siya. Ako na mismo ang nagsabi kung kanino siya papunta, kay Lord Reign.

Balak ko sanang magteleport pero may mangilang mga kabataan na napadaan at tumambay sa tapat ng isa sa mga dampa at kitang kita nila ako.

Wala akong magagawa kundi ang maglakad palabas ng sitio.

The Forlorn Madness of Blair BlackWhere stories live. Discover now