Oeuvre 62

3.2K 149 23
                                    

Oeuvre 62

Blair's POV:

"Ako na ang bahala sa iyo, simula ngayon," sabi sa akin ni Reign pagkabukas niya ng pinto ng kanyang mansyon. "In fact balak ko naman iyon the soonest. Hindi ko lang maasikaso dahil busy ako at ang mga navigator ko."

Tumango ako.

"Siya nga pala, noble ka ba?"

Hindi ko alam ang isasagot ko pero dahil wala na rin lang ako sa sitio, maiging magsabi na ako ng totoo sa kanya. "Ang totoong pangalan ko ay Blair Black. Isa akong duke."

Tumango-tango siya, napapaisip. "Blair Black... iyong anak ni Lord Redder Black? Pero sa pagkakatanda ko ay bata pa iyon at namatay na—"

"Nagkaroon ako ng aksidente sa age potion." Nagsabi nga ako ng totoo, heto't kailangan ko na namang magsinungaling. Wala na akong lakas para magpaliwanag tungkol sa nangyari sa akin.

Nanghihina ako. Parang pinakawalan ko sa sitio ang lahat ng lakas ko.

Hinagod ni Reign ang aking buhok, na hindi ko inaasahan. "At napadpad ka rito nang hindi sinasadya. Batang-bata ka pa at ganito na ang dinanas mo."

Hinawi ko ang kamay niya. "Malaki na ako. Mag-iisip ako at kikilos nang naaayon sa aking pisikalidad."

"Ayon sa nabalitaan ko, kabilang na sa blacklist ng mga prinsipe at prinsesa ang iyong ama. Iyon ba nag dahilan kung bakit gusto mong makabalik?"

Tumango ako.

"Baka pag-initan ka ng mga ministro sa pagbabalik mo."

"Tutulungan mo ba ako'ng makabalik o hindi?" Seryoso at diretsahan kong tanong sa kanya.

"Tutulungan kitang makabalik... regardless sa kung ano ang mangyari sa iyo sa pagbalik mo ng Asilo Escuro. You have my word as the gatekeeper. Pero mas maganda kung i-e-extend mo ang contract mo sa akin. Puwede ka namang magpabalik-balik dito at sa Asilo Escuro, eh."

"Salamat. Pag-iisipan ko."

Tipid na ngumiti si Reign. "Sumunod ka sa akin."

Sinundan ko siya nang umakyat siya ng hagdan. Nagpunta kami sa ikatlong palapag. Itinuro niya ang madaraanan naming pinto.

"Doon ang kuwarto mo."

Itinuro pa niya ang kasunod na pinto. "Hindi ako ang first owner ng bahay na ito kaya pagtyagaan mo na ang architecture. Nasa tabi ang banyo. Kahati ang kasunod na kuwarto."

Eksaktong pagkasabi niya nu'n, bumukas ang tinutukoy niyang kuwarto. Lumabas mula doon si Maddox. Nakatalukbong iyon ng malaking tuwalya at pumasok sa itinuro ni Reign na banyo.

"As you see, matagal na sa custody ko si Maddox. Iba kasi ang sitwasyon niya kumpara sa inyo kaya sabihin na natin na kino-confine ko siya."

"Okay..." Sagot ko dahil wala naman akong pakialam. Aalis ako ng bahay na ito at ng banda sa lalong madaling panahon. Sinabi naman niya na in one or two months ay makakapagbukas na siya ng portal.

"Balak kong gawing quarters ng ForMad itong third floor. Malapit na ring mag-move in si Juan. Baka next month."

Si Reign ang nagbukas sa akin ng kuwarto ko. Malaki ang kuwarto at maayos. Sa dresser nakapatong ang isang cell phone.

"Marunong kang gumamit nu'n?" Tanong sa akin ni Reign nang mapansing nakatingin ako sa dresser.

"Oo. Kahit pinalaki akong old-fashioned, nakarating ako sa maraming syudad sa Asilo Escuro. May mga nakilala ako na nagturo sa akin ng mga bagay-bagay."

The Forlorn Madness of Blair BlackWo Geschichten leben. Entdecke jetzt