Oeuvre 110

2.7K 124 6
                                    

Oeuvre 110

Blair's POV:

"Uhh... mawalang-galang na po sa inyo pero—sino po kayo? Uhm... magsitayo muna kaya kayong lahat?"

Kaagad nila akong sinunod. Nagsitayo nga silang lahat. Ang galing, ah?

"Lumuhod nga po ulit kayo?" Tingnan ko nga kung gagawin din nila?

Nanalaki ang mga mata ko dahil lahat sila ay parang luluhod nga ulit! "—Ayyy! Joke lang po 'yun! I-Iyong tanong ko po, sana pakisagot..."

"Kami po ang angkan ng Mercer, kamahalan." Pakilala ng ginoo na siyang naghatid sa akin dito at sa tingin ko ay siya ang pinaka-leader nila.

"O—kay..." sabi ko. Hindi ba niya babanggitin ang kanyang pangalan?

"Ang amin pong mga ninuno ay purong Pohiline na lumikas ng Praragas matagal na panahon na ang nakakalipas. Wala na pong pureblood sa amin ngayon ngunit lahat kaming nasa inyong harapan ay pawang may mga porsyento ng pagiging diablo."

Half-breed sila! Ang galing! At ang aura nila ay gaya lang sa mga ordinaryong tao! Kahit si Tamara ay hindi nalaman ang pagkakaiba!

"Eh... paano niyo nalaman ang panga—"

"Iniisip mo dapat ang itatanong mo, Blair! Lalo na sa mga nilalang na ngayon mo pa lang naengkuwentro!"

Isang boses ang nag-drift sa utak ko. Alam na alam ko na kaagad na iyon si Snow. Nag-concentrate akong maigi para makausap ko siya.

"Kasi nga! Tinawag nila akong Lord Belial! Hindi ba dapat ko itanong sa kanila kung paano nila nalaman ang ikalawa kong pangalan?" Pangangatwiran ko kay Snow. "Wala naman sa hitsura ni Tatay na ipagkalat ang tungkol doon, 'di ba?"

"Nakikilala mo ba nang husto ang diablo na tinatawag mong 'Tatay'?"

"Oo! Alam ko ang pangalan niya! Siya si Div Umbra Claymore!" Proud kong sagot.

"Si Div Umbra Claymore ay itinuturing na isang maalamat na Panginoon ng mga diablo, base sa nalaman ko," ani Snow.

"WOW! ASTIG NU'N, AH?!" Bigla kong bulalas. Napatakip ako ng aking bibig dahil nagulat ang mga kaharap ko.

"Kamahalan, ano po ang problema?" Tanong sa akin ng Ginoo.

Iwinagayway ko ang mga kamay ko. "W-Wala! Wala! Saglit lang... gusto ko munang makapag-isip!"

"Kuwentuhan mo pa ang tungkol kay Tatay!" Sabi ko kay Snow sa isip ko.

"Dati siyang bampira na mayroong kontrata sa tagapagbantay ng isang tarangkahan ng Praragas na si Nyx... Napabalitang nakipagkontrata pa siya sa isa pang tagapagbantay kaya siya ay nagkaroon ng sumpa. Naging isa na rin siyang Diablo kalaunan... Nagkaroon ng mga pagbabago sa loob ng Praragas nang manatili siya roon."

"Pagbabagong gaya ng?"

"Wala nang diablo na nasa loob ng Praragas ang nakakalabas sa mga tarangkahan nito. Kung mayroon man, sila ay mga Pohiline na lang na may kakayahang gumawa ng portal palabas pati na ang mga isina-summon ng mga tao o bampira. Pero walang direktang makakapagsabi na siya ang may pakana nu'n dahil ang mga diablong nag-aabang sa tarangkahan ay pinapaslang. Isang araw bigla na lang din kumalat na si Div Umbra Claymore ang kumuha sa kapangyarihan ng hari ng Praragas. Marami ang naniniwalang hindi iyon totoo. Ngunit habang tumatagal ay marami na ang nababahala dahil wala nang nauupo sa burol ng Hari. Magkaganunman, wala na halos nangangahas na lumabas ng Praragas sa takot na baka ang bagong kamahalan ay katabi lang pala nila o kasabay nila sa paglalakad. Ganoong takot ang ibinigay niya sa buong Praragas."

The Forlorn Madness of Blair BlackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ