Four

764 21 7
                                    

I don't know what to feel. It's been a week nung magmeet kami ni Matty. And wala, ewan ko ba bakit ako naattached hindi naman ako stapler hindi ba? Okay you wanna guise know the reason why bakit umagang umaga nag-iinarte ako? Hello! Nag-usap kami ni Matty ng onr week and then nagdecude kami magkita tapos nagkita kami after nun hindi nako kinausap. Hindi ko alam bakit may mga taong ganun bigla ka nalang hindi kakausapin. Pwede namang sabihin 'sorry ayaw na kita makausap'

pero siyempre, joke kang. oo aaminin ko na! kahit ako hindi ko gagawin 'yun. oo na ang galing galing ko makapag-sabi pero pag ako rin naman hindi korin naman nasasabi na ayoko na silang kausapin. bigla ko nalang hindi rereplyan. pero siyempre ha, lesson learned na oo na oo na! karma ba to? grabe ha. kaya ayoko naattached kasi halos mabaliw ako kakaisip kung bakit, so okay alam ko na ganito pala feeling pag naghoghost? jourdane! alam mo na? wag ka na mag dating app idelete mo na. agad kong dinelete 'yung account ko sa tinder and hindi ko rin alam kung anong drama ko sa buhay bakit ko dineactivate 'yung social media accounts ko. hindi ko rin minsan maintindihan sarili ko. pero yes, i must admit it. nararamdaman ko na gusto ko ng attention. SOMETIMES! kagaya ngayon nagpapansin kay matty kaya nagdeativate. char! pero hindi naman dapat ganun di ba? siguro okay narin na ghinost niya ako. kasi baka pag narealized ko na ayoko pala. makasakit pa ko.

nakahiga lang ako sa kama ko. Tuesday ngayon buti nalang pag tuesday kasi 3pm pa klase ko. minsan, ang hirap hirap libangin ng sarili sa bahay. magsosocial media ka pero wala naman laman 'yung messenger mo or messages mo. puro lang scroll down, scroll up. retweet. like. heart. nakakaumay! pero addictive 'yung tipong wala ka na ngang ginagawa paulit ulit nalang hindi ka parin nagsasawa. habang nakatanga ako sa kama. habang nagsscroll down and up ako dito. biglang nagmessage sila Jilian. Oo nga pala. Magkikita kita kami before pumasok. sabay sabay daw kami maglunch. ugh tinatamad ako pero sige nanga.

Bumyahe nako papunta sa University. Sa may labas ng campus 'yung kainan kasi mas mura and mas marap unlike sa canteen ng school. Ang mahal na nga tapos ewan kayo nalang pumunta kain kayo. Tapos kayo na humusga. Habang naglalakad ako biglang may kumalabit sa likod ko. At napatigin naman ako kaso paglingon ko sa likod wala namang tao kaya humarap naman ako. "Bulaga!" Gulat niya sakin.

Halos matumba ako, alam niyo 'yung nasa mga kdrama na slow motion na mahuhulog 'yung bidang babae tapos sasaluhin siya nung lalaki? ganon. ganon ang eksena, inabot sakin ni Dalcom 'yung kamay niya pero ang ending. Napaupo ako sa sahig.

"Aray! Shet!" Sabi ko. Ang sakit talaga kaya napatigin samin 'yung mga taong dumadaan samy terminal.

"Hala! Sorry." Sabi niya at agad agad naman niya akong tinulungan. Tinabig ko naman 'yung kamay niya. "Hindi! Wag na." Inis kong sabi at tumayo ako mag-isa. Pinagpag ko 'yung uniform ko.

"Hay nako Dalcom! Tangkad tangkad mo pero 'yung bias ng braso mo ang iksi-iksi. Ano kaya yun! Or baka sinadya mo talaga" Sabi ko.

"Hala siya. Aga aga ang sungit bakit ko naman sasadyain 'yun" Sabi niya sakin. Teka bat parang ang awkward ng conversation namin. Eh pano hindi naman kami close. Ewan ko ba dito bat nag bulaga eh ang taray taray naman niya pag nasa classroom.

"Close ba tayo" Sabi ko at sabay irap sakaniya. Siyempre pakipot lang tayo kay crUsh. Hindi ko naman super crush si Dalcom. Cute lang ganon. Talino kasi, ang tangkad. Tapos kasali pa siya sa banda. Guitarist siya. Alam mo 'yung humble lang siya sa gilid habang nag gigitara? At first, hindi naman talaga siya napansin ko nung first year college kami.

Ang una kong napansin sa banda nila is 'yung vocalist nila kasi sis! Grabe sino bang hindi maiinlove sa maganda ang boses di vak? Kaso nasobrahan si Vocalist. Napaka OA na kumanta porket tinitilian ng girls. Ang sakit sa mata panuorin. Hanggang sa lumihis ang maganda kong mata kay Dalcom. Hindi ko pa sila kablockmate nun dahil late ako nakapag-enroll. Ang gwapo sis! Grabe hindi ko maresist ang kagwapuhan. Tapos sobrang alam mo 'yun? Chill lang. And humble, hindi niya alam na sobrang attractive niya. Ang tingin niya sa sarili niya pangit nakakaloka. Oppa Dalcom kung pangit ka ano pa ex ko?

Reasons Why ( u don't have a boyfriend)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें