CHAPTER 34: Return of a friend

Start from the beginning
                                    

"Salamat pare. Importante siya sa akin. Please take care of her," seryoso si Shane. Whatever they are dealing now mukhang hindi ito basta basta.

Umalis si Shane, ngunit bago siya makaalis...

"Shane!" Tinawag ko siya at lumingon siya sa akin.

"Huwag ka mag-alala.. Importante rin siya sa'kin!"

Muli niyang sinuot ang shades at cap niya at nagmadaling umalis. Naiwan kami ni Valerie sa rooftop.

"Kier we have to go."

"Sige. I just need to grab my stuff at my office. My house is the safest place that I can think of," sagot ko.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa office at nag bilin kay Alleiea na i-cancel muna ang mga appointment ko. She was puzzled about it but I promised that I'll explain everything.

Sumakay kami ni Valerie sa kotse ko at habang bumabyahe naisip ko'ng kausapin na siya. Alam ko'ng hindi naging maganda ang huli naming pagkikita noon, at nahihiya pa rin ako sa kanya.

I pushed her away but she's still here as my friend. Nakakahiya talaga sa kanya. Kaya bago ang issue nila ni Shane, ito na ang pagkakataon ko para mag-sorry sa kanya.

I cleared my throat and ask her, "Uhm... Valeng... Ah... Kamusta ka na nga pala? Sikat ka na a."

"Seryoso ka?! 'Yan ang una mong gustong sabihin pagkatapos ng dalawang taon?" Tinaasan niya ko ng kilay.

Mali! I should have apologize right away. Pero teka! Siya kaya itong bigla na lang sumulpot. Kasama pa 'yong si mestiso!

"Teka! Ikaw kaya 'yong bigla na lang sumulpot. I was planning to take a leave off from work para bisitahin ka."

"Bisitahin?! So ngayon mo lang pala ako bibisitahin?! Ang tagal ah!" Ang sungit niya. Kaasar.

She's acting like a kid again. She's pouting and she looks like someone who wants a candy or a chocolate.

Kainis! Bakit parang ang cute na yata ng dragon na ito ngayon?

"E sorry na... Naging busy lang," paliwanag ko na may pagsusuyong tono.

"Ookaayy..." sagot niya na parang nangaasar or naiinis. Ewan!

"Valeng..." Sakto stop light, I can talk to her while we're waiting. "Sorry nga pala sa mga nasabi ko noon. Sana maintindihan mo. Hindi ko sinasadya and I didn't mean what I said. Ang totoo niyan..."

She looked at me like she's waiting for what I'm about to say. I looked at her and smile.

"Masaya ako na nakita kita ulit."

Ngumiti siya at pabiro niya akong sinuntok sa braso ng limang beses.

"Ayan! Ayan! Ayan! Yah! Para 'yan sa pagpapaiyak mo sa akin!"

"Teka lang! Teka lang! Sorry na talaga," sambit ko at mas lalong lumaki ang ngiti ko.

Nakangiti pa rin siya at parang namumula ang mukha niya, "Okay na 'yon. Tapos na 'yon. May kasalanan din naman ako e."

Naging seryoso bigla ang mukha niya at inalis niya ang tingin niya sa akin. Yumuko siya at sinabing, "hindi dapat kita hinalikan noon. Sorry talaga, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon."

Hindi ako nakasagot at maging siya rin ay nanahimik. Ano ba'ng isasagot ko do'n? Ito naman kasi si Valerie dire-diretso.

Ilang saglit pa...

"Ang awkward na," sambit ko at natawa ako.

"Kainis naman 'to eh!" Sagot niya at pabiro niya akong pinalo sa braso.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now