"Alam mo may alam akong paraan para makaalala ang isang taong nakalimot" narinig kong sabi ni Juanito, naistatwa pa rin ako ng parang tuod sa dulo ng balkonahe. "Ganito lang iyan" dagdag niya pa sabay tinaas niya yung hintuturo niya at tinusok yun sa noo ko.

Napatingin naman ako sa daliri niya na nakatusok sa noo ko, halos maduling na nga ako. "Sa bilang ko ng tatlo makakaalala ka... isa... dalawa... tatlo..." sabi pa niya sabay tawa.

Napakunot naman ang noo ko. Adik ba talaga siya?

"Biro lang!" bawi niya pagkatapos niya humalakhak ng todo. Tapos napa-ehem siya nung mapansin niya na hindi naman ako natatawa. Ang laki siguro ng saltik ng lalaking to?

"Ayos lang naman Binibini kung hindi mo maalala... mas mabuti na siguro iyon dahil baka hindi ka na sa'kin makatingin ng diretso sa oras na maalala mo na" sabi pa niya sabay ngiti yung parang nakakaasar na ngiti. "May nakapagsabi nga sa akin na... sa oras ng kahihiyan mas mabuti nang magpanggap na parang walang nangyari" dagdag pa niya.

Teka! Parang ako nagsabi nun sa kaniya ah!

Omg! So sinasabi niya na nagmamaang-maangan ako? Huwaaat?

Magrereact sana ako kaso nagulat ako nung bigla niyang kunin sa kamay ko yung kuwintas na regalo niya. "Halika... isusuot ko sayo" sabi niya tapos hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at hinarap niya ako patalikod sa kaniya.

Aangal sana ako kaso naramdaman ko na lang na nailagay niya na yung kuwintas sa leeg ko. parang nakuryente naman yung buong katawan ko lalo na yung leeg ko nung naramdaman ko yung kamay niya sa leeg ko My Gosh!

"Tunay na nakakapagpaganda ang mga mamahaling alahas na ginto at pilak ngunit alam kong mas gusto mo ang mga bagay na pinaghihirapan kung kaya't ito ang naisip kong regalo para sa iyo" sabi pa niya, napalunok naman ako dahil sa kaba buti na lang nasa likod ko siya ngayon, namumula ata ako? Waaahh!

Hindi ko akalaing paghihirapan niya ang ireregalo niya sa'kin. hindi ko naman namalayan na nakangiti na pala ako. Stoppit Carmela!

"Oo nga pala, Ito ang una kong gawang kuwintas para sayo" sabi niya tapos may inilabas siya sa bulsa, isang kuwintas na katulad din ng nasa leeg ko ngayon, pero ang pagkakaiba lang ay 'Carmelita' ang nakaukit na pangalan doon.

"Ibibigay ko sana ito sa iyo sa daungan bago ako umalis... kaya lang hindi ka naman sumipot" malungkot niyang sabi. Shocks! Hindi pa pala ako nakakapag-explain sa kaniya Waaahh!.

"Uh--- pasensya na ah, hindi kasi ako nagising ng maaga nung araw na iyon kaya hindi na ko umabot sa pag-alis ng barko" palusot ko na lang, tsk. Kung alam lang niya kung gaano ko talaga pinaghandaan ang araw na yun kaya lang naunahan ako ni Helena...

Teka! Speaking of Helena ang sabi niya sa'kin nung umagang yun ay sasagutin na niya si Juanito ah.

"Maaga akong dumating doon, hinintay kita pero hindi ka naman dumating" dagdag pa niya, Gosh! Bakit ba niya ako kinokonsyensya?

"Oo nga pala, kamusta na kayo ni Helena?" pagsesegway ko at pinilit kong ngumiti. Pero hindi naman ngumiti si Juanito.

"Nakasakay na ako sa barko nang dumating si Helena... akala ko ikaw ang dumating... naghintay lang ako sa wala, maging ang mga liham na ipinadala ko sayo hindi mo rin sinagot" sabi pa niya. so hindi nasabi ni Helena na sasagutin na niya si Juanito... ang sama ko ba kung ngingiti ako sa nalaman ko? Char.

Pero teka! Bakit nagdadrama siya ngayon? Haaays.

"Ah--- yun ba? Ano kase... lagi kaming umaalis nila ina at Maria kaya nakakalimutan kong magsulat sayo pabalik" palusot ko naman. Shocks! Ano ba namang klaseng excuse yan Carmela! Goooosh!

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Where stories live. Discover now