Hay naku, heto na nga ba ang sinasabi ko. 'Di na bale, kasama ko naman si Ate Arianne at Ate Ginny. Tiyak kong malaki ang maitutulong nila.


Mayamaya pa, biglang lumipat sa sumunod na pahina 'yung notebook.


Napangiwi akong bigla dahil wala namang nakasulat doon. Isinara ko na lang ito kaagad sabay salaksak sa loob ng aking bag.


Lumabas na ako ng aking silid at saka tumungo kina Ate Ginny. Pagbukas ko sa pinto ng kanilang silid, wala si. Bagkus, si Eder ang nadatnan ko na inaayos ang higaan.


Hindi ko inakala na nakikita ko siya roon kaya napatulala na naman ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya natuod akong bigla rito sa kinatatayuan ko.


"May kailangan ka?" bungad niya habang inaayos ang kutson ng kama.


Nakaramdam ako ng hiya at nangangatal ang aking labi kaya hindi ako makatugon.


Bwisit talaga ang lalaking 'to! Hindi naman ako magkakaganito kung hindi siya magsasando nang hapit sa kaniyang katawan. Biceps pa lang, ang sarap ng kagat-kagatin. Nakakainis!


"Morixette?" aniya habang nakakunot ang noo.


"A-- e-- sorry. Hinahanap ko kasi sina Ate Ginny," tugon ko nang mahimasmasan.


Itinigil niya muna ang kaniyang ginagawa at lumapit sa akin.


"Lumabas na sila, e. May dalang mga gamit. Saan ba kayo pupunta?" tanong niya habang papalapit nang papalapit sa akin.


Nakatayo paa rin ako dito sa may pintuan. "Hep, hanggang diyan ka lang!" pagpigil ko sabay taas ng aking kanang kamay paramapigilan siya.


OMG! Nahawakan ko ang matigas niyang dibdib! Gosh, natutukso akong hagurin iyon.


Kaagad ko namang binawi ang aking kamay para makaiwas sa tukso.


"A, wala. Sige, mauuna na ko," turan ko. Hindi ko na tiningnan kung ano ang naging reaksiyon niya sa nagawa ko. Nakakahiya talaga kaya tumalikod kaagad ako.


Akmang isasara ko na ang pinto nang bigla niya iyong kabigin.


"Sandali," aniya habang nakahawak sa pinto.


"Bakit?" in denial kong tanong.


"Mag-ingat kayo," aniya sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.


Gusto kong magpapadyak sa sahig dahil nagpi-feeling akong concern siya sa akin kahit hindi pa kami gaanong nagkakausap. Ang hirap talaga ng ganito sitwasyon lalo na't mula pa kay kras.


Hindi na ako tumugon sa kaniya at isinara ko na kaagad ang pinto. Dahan-dahan kong binagtas ang daan pababa nang may ngiti sa aking mga labi.


"O, bakit ang saya-saya mo yata?" bungad ni Ate Arianne nang makarating ako sa kinaroronan nila.


"Ayiee, sino na naman iyan?" segunda ni Ate Ginny.


Nakayuko ako at kunong nahihiya sa kanila habang inaayos ang aking bangs.


"Don't tell me na si ano iyan, a," dugtong pa niya.


"Hala, si Ate Ginny, issue," tugon ko.


"Talaga nga naman kapag tinamaan ka ng lintik," giit naman ni Ate Arianne habang nangingiti-ngiti.


Naglakad na kami palabas ng bahay. At dahil wala kaming masakyan, kailanagn naming mamasahe.


"Akala n'yo naman diyan," bulong ko.


Nagtawanan na lang kaming tatlo dahil sa katakaang iyon.


Sumakay kami ng tricycle patungo sa terminal ng bus. Malayo-layong biyahe ang aking susuungin kaya hindi dapat mag-aksaya ng lakas.


Sana, maayos at ligtas kaming makarating sa aming patutunguhan.


Sa susunod talaga, magmamaskara na ko. Nakakahiya ang mga pinaggagagawa ko.


Grace's POV


Nagulat ako at hindi ko inaasahang kakalingain kami ni Ginny. Lalo na ang perang ibinigay niya para sa amin ni Hannah.


Kaagad ko namang ipinaalam kay Hannah ang kabaitang ipinamalas ni Ginny.


"Hannah, may good news ako sa iyo," bungad ko nang madatnan ko siyang nakahiga sa aming silid.


Nakatayo ako sa may pintuan sabay pakita sa kaniya ng perang hawak ko.


Napabalikwas kaagad ng bangon ang gaga. Nagkukumahog siyang lumapit sa akin.


"Himala, a. Naalala niya pa tayo," saad niya.


Simula noong naging magkaklase kami, hindi naman namin siya naging ka-close. Ewan ko ba pero hindi lang siguro namin dama ang presensiya ng bawat isa.


"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" segunda ni Hannah. Hinila niya ako papasok sa loob at naupo kami sa ibabaw ng kama.


"Oo naman," tugon ko. Nagkatitigan kaming dalawa at napangiti nang wala sa oras.


"Shopping!" sabay naming sabi na parang kantatara na tumatalon sa ibabaw ng kama.


Nakaka-miss ding mag-relax at mag-unwind. Simula nang mabuhay kami ulit, naging sunud-sunuran lang kami sa kanilang sinasabi.


Ngayon, maaari na naming gawin kung ano man ang aming gustuhin. Saka safe naman ng pumunta sa mall dahil walang makakakilala sa amin.


Nang makaalis na sina Ginny, nag-ayos na rin kami ni Hannah.


Oras na para kami naman ang magsaya.

Might of Alibata (Published)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें