“Ma, bakit niyo ako iniwan? Nagsimba na kayo?” tanong niya.

“We tried to wake you up pero ang himbing ng tulog mo. Mason said ginisin ka niya nang madaling araw kaya hinayaan ka na namin,” sabi ni Mama niya.

“Mamaya ka na lang mag-simba, Ara,” sabi ng kaniyang Lola Soledad.

“Opo,” she answered.

“At isama mo nga si Jecca sa simbahan, anak. Para bang bilang lang sa daliri niya ang pagsimba niya, ah,” sabi pa ng Mama niya kaya natawa siya.

“I’ll try to go with her,” sabi niya. Malabong sumama iyon sa kaniya dahil mas preferred nitong magsimba kasama ang boyfriend o kung sino mang prospect nito.

Sabay-sabay silang kumain ng tanghalian. Tinulungan din ni Ara ang kaniyang Lola na magtupi ng mga damit na bagong laba. Linggo kaya kumpleto silang pamilya. Ang Tita Belen niya at ang kaniyang Mama ay nakikipaglaro kay Euki. Ang kaniyang Papa, kahit nasa bahay ay trabaho pa rin ang inaatupag. Kung hindi telepono ang hawak, ay nagbabasa ito ng reports. While her brother is just texting.

“Ikaw ba, Ara, kailan ka magkakaroon ng boyfriend? Nasa tamang edad ka na para sa ganiyang bagay,” biglang sabi ng Lola niya at hindi niya mapigilang hindi pamulahan.

“S-si Lola talaga…” she scowled.

“Wala nga 'yang manliligaw, La, eh. Boyfriend pa kaya,” pang-aasar ng kapatid niyang si Mason habang nakatingin sa cellphone.

“Bulag ba ang mga tao sa opisina niyo? Hindi ba nila makita kung gaano kaganda ang apo ko?” sabi pa ni Lola Soledad.

“Puro kami babae sa office, Lola. May lalaki rin pero may asawa na iyon,” she said.

“Eh, sa ibang opisina?” tanong pa ng Lola niya kaya napanguso lamang siya.

“Wala nga po, Lola,”

“Aba, eh—“

“It’s good that way. Ayaw kong magkaroon ka ng manliligaw na galing sa pinagta-trabauhan mo, Ara.” Biglang sabi ng Papa niya kaya natigilan sila ng kaniyang Lola.

“Sis, mukhang hindi ka na talaga magkakaroon ng manliligaw,” bulong sa kaniya ni Mason kaya sinimangutan niya ito.

“How about Clay? Hindi ba matagal na siyang gustong manligaw sa'yo?” tanong ng Papa niya at bigla namang napalingon ang Mama niya.

“I’ve always liked that boy,” her mother said and her Tita Belen agreed.

“Kaibigan ko lang po si Clay, Papa,” sabi niya at 'kita niya ang pagkadismaya nito.

“Kaibigan ko rin ang Papa mo noon, Ara. So don’t close your doors for him, okay?” her mother said and all she could do was nod.

Alas tres pa lang ay naghahanda na si Ara para sa pagsimba niya. She took a quick bath at nagpalit ng desenteng damit. She let her natural wavy hair cascade over her shoulders as she brushed her bangs.

Kinuha niya lang ang handbag niya bago lumabas ng silid. Hindi na siya nag-abalang mag-paalam dahil alam naman ng mga 'to na pupunta siya sa simbahan.

***

It was six PM when the mass has ended. She took the diversion road dahil less ang traffic kahit nga medyo long cut ang daan.

Karamihan kasi sa dumadaan sa diversion road ay mga bus papuntang Manila. She was being over-take by buses pero hinahayaan niya lamang ito.

Her radio was playing a country song when the static has slowly become unstable. Nawalan ng signal, she thought.

Rain started to pour pero hindi naman malakas. Binawasan niya rin ang speed ng pag-drive niya para iwas disgrasya.

INCUBUSWhere stories live. Discover now