Tumayo na si Alyssa at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Mika kasi kung magtatagal pa siya doon, hindi niya alam kung matatapos sila agad. Pumunta na agad siya sa kusina at narinig niyang gumalaw na rin si Mika. Umakyat na ito at siguradong nag-ayos na.

Nagsalang muna siya ng sinaing at nilabas ang lulutuin sa umaga. Hindi niya alam kung ano ang always kinakain ni Mika. Pero, dahil may training ito, naiisip niyang kailangan nito ng heavy meal sa umaga.

Pagkatapos sa kusina ay nagligpit muna siya sa sala at inayos ang sofa bago umakyat sa taas.

Hindi pa tapos si Mika at palagay niya matagal pa ito doon kaya naman kumuha na siya ng pamalit ni Mika na damit na hindi niya pa nagagamit.

Kumuha na rin siya ng damit para pamalit kasi maliligo na rin siya pero sa babang banyo na. Kompleto na rin naman ang mga gamit doon na binili lang nila kahapon.

Hindi pa luto ang kanin niya pagbaba. Kaya nag madali na rin siyang naligo.

Mabilis na rin siyang natapos at alam niyang ganun din si Mika pero hindi pa ito bumababa. Kaya, hinayaan niya na lang at nagpasyang magluto ng tosilog.

Mabilis naman yun para sa kanya kasi sanay siya sa mga ganitong bagay. Kasama kasi sa training nila ang pagluto kasi kung saan ka minsan dadalhin ng mission mo at mas mabuting alam mo magluto.

Nilapag niya na lahat sa lamesa pagkatapos niya. Nakatempla na rin siya ng kape ng bumaba si Mika.

Napalaki ang mata niya kasi iba ang suot nito. Hindi ang binigay niyang damit kundi ang old jersey niya na nag bagay talaga dito.

"Sorry kung nangialam na ako sa mga gamit mo. Ayaw ko na ring dumaan pa sa bahay, mas malelate ako. Okey lang ba?" Nahihiyang sabi ni Mika.

Napangiti na lang si Alyssa pagkatapos mabigla sa suot ni Mika. Lalo na't ang laki ng pangalan niya sa likod non. It's like she have the right to Mika.

"Okey lang. Kain na tayo para mahatid na rin kita." At doon lang napansin ni Mika na nakapag-ayos na rin pala si Alyssa.

Nag-umpisa na rin silang kumain pero si Alyssa ay hindi mapakali sa kinauupuan. Hindi alam ni Mika pero parang may sasabihin ito.

"May problema ba?" Tanong ni Mika na kumakain pa rin habang si Alyssa ay tapos na.

"Wa-wala naman. Bilisan mo na lang. Malelate ka na talaga." At tumayo ito at nagligpit ng kinainan.

Napamura naman ng mahina si Mika kasi mahuhuli na nga siya. Ang sarap kasi ng kain niya kahit simple lang ang luto ni Alyssa. Hindi niya alam, basta halos dinaig niya pa ang hindi kumain ng ilang araw sa kinain niya ngayon.

Nagmadali na rin siyang nag-ayos ng pinagkainan at sarili kasi parang ang bagal niya kaysa kay Alyssa na nakapag-ayos na agad ng hindi niya napapansin.

Nauna pa itong lumabad ng bahay kaya naman siya pa ang naglock ng bahay nito. Patakbo siyang lumapit kay Alyssa na ngayon ay hawak ang pintuan ng kotse. Pumasok naman siya agad doon at walang sino man ang nagsalita. Late na talaga siya.

Bumyahe na agad sila pagkapasok ni Alyssa sa kotse. At doon niya lang napansin ang suot nitong napakapormal ng dating.

"Wala kang practice?" Nagtataka niyang tanong at sumagot naman itong nakatingin sa kalsada.

"Hindi ako sumasali." Maikli nitong sagot.

"Pero may pasok ka?"

"Meron pero mamaya pa. Kung nagtataka ka kung bakit ito suot ko." At tumingin kay Mika na namumula kasi nahulaan ni Alyssa ang gusto niya talagang itanong at lalo na iba ang pumapasok sa isip niya. "May meeting ako ngayon tapos tuloy na ako sa klase ko. Isa na lang naman yun." Sabi nito at ngumiti.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Место, где живут истории. Откройте их для себя