Chapter 1: War Zone

4.6K 120 10
                                    

Third Person's POV

"Ano?! Mangba-bastos pa ba kayo ng mga babae, ha?!" Sigaw ni Ayla sa tatlong lalaking sinubukan siyang bastusin.

Hawak-hawak ng mga pulis na rumesponde 'yong tatlong lalaki. Naka-posas na ang mga kamay ng mga ito. Bugbog sarado na rin sila kung titignan palang ang mga mukha nila.

"H-HINDI NA PO!" Sabay-sabay na tugon ng mga ito sa kaniya. "S-SORRY PO!"

"You should be! Ang lalakas ng loob niyong mang-bastos ng mga babae. Mga manyakis! Wala naman kayong naitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas!" Pinuyod niyang muli ang buhok niya na inilugay niya kanina nang makipagbugbugan siya sa mga manyakis na 'yon. "Mali kayo ng binastos na babae. Kapag inulit niyo pa 'yon, hindi lang 'yan ang aabutin niyo sa 'kin, maliwanag?!" Banta niya sa mga ito.

"O-OPO!"

"Good!" Tumingin si Ayla ro'n sa tatlong pulis. "Sige na ho, mga manong pulis, dalhin niyo na ho 'yang mga manyakis na 'yan."

"Salamat, hija! Tagal na naming hinahanap 'tong mga 'to. Marami na kasing nabiktima 'tong mga ugok na 'to e." Sabi no'ng isang pulis.

"Wala ho 'yon." Tugon naman ni Ayla.

Sumaludo sa kaniya 'yong pulis na nagsalita. Sumaludo rin siya rito at saka dinala na ng mga ito sa loob ng kotse 'yong tatlong lalaki.

Nang makaalis ang mga ito ay saka niya naman pinulot ang bag niya na nakalapag sa kalsada. Nagsimula na ulit siyang maglakad papuntang school.

Sa Star University.

First year college na siya ngayon. HRM ang kinuha niyang kurso dahil hilig niyang mag-bake.

Walking distance lang naman ito mula sa bahay nila kaya nagpapasya siyang maglakad na lang kaysa mamasahe pa o magpahatid pa sa Papa niya sa tuwing papasok siya.

Isa pa, mas na-e-enjoy ni Ayla na maglakad kaysa ang sumakay. Mas na-r-relax kasi siya kapag naglalakad siyang mag-isa. Hindi niya lang inaasahan na may mga makakasalubong siyang mga manyakis sa daan. Araw-araw na kasi niyang ginagawa ang paglalakad papasok ng school kaya panatag na siya. Hindi niya lang inaasahan 'yong kanina.

Pasalamat na rin siya dahil naturuan siya ng Papa niya ng self-defense. Dati kasi itong gangster kaya hindi na siya nagtataka na marunong itong makipaglaban. Nagbago ito simula nang makilala ng Papa niya ang kaniyang Mama.

Gayon pa man, kahit na isa siyang anak ng dating gangster, ayaw na ayaw niya sa mga ito. Ayaw niya sa mga basagulero. Para sa kaniya ay puro kayabangan lang ang pagiging gangster. Puro basag-ulo ang alam. Puro papogi.

Mabilis lang din siyang nakarating ng school. Madami na ring estudyante ang nandoon kahit maaga pa.

Isang normal na umaga.

Naglalakad na siya sa hallway nang makarinig siya ng isang malakas na sigaw.

"WAAAA! NANDIYAN NA ANG VIPERS!"

Hay! Ito na naman tayo. Bulong niya sa kaniyang sarili.

Parang naging signal 'yon para mag-silabasan ang mga estudyante at pumunta sa hallway kung saan siya ngayon naglalakad.

Nakahawi ang mga ito na parang nagbibigay ng daan sa pitong parating.

Ang....Vipers.

Psh! Feeling artista 'tong pitong itlog na 'to.

Araw-araw ganito ang eksena sa SU. Sa tuwing papasok ang Vipers, hindi mawawala ang mga tilian ng mga babae.

"Hey! Get out of our way!" Utos ni Zach kay Ayla.

She's Mine (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now