"Anak ng! Bakit mo ko tinulak?!"
Nang makatayo na siya ng maayos lumapit siya kay Daphne at nakaambang susuntukin ata 'to kaya nanlaki ang mga mata ko pero mabilis si Daphne at piningot niya ang tenga ng boyfriend niya.
"Aray! Aray! Baby, nagbibiro lang ako! Hindi naman kita magagawang suntukin no! Love kaya kita! Oww, oww, yung tenga koooo!"
Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Mababaliw ako kapag pinanood ko 'tong magjowang 'to na magkulitan.
"Aakyat muna ako ha. Wag kayong magpatayan dito na magsyota. Lagot ka Kevin kay Hans kapag nabahiran ng dugo mo ang mga kagamitan dito papahabol ka non sa bulldog niya sige ka."
Umakyat na ko sa second floor at nakita ko si Earl na nakahiga sa may sofa. Inaantok pa siguro. Napuyat sa pagsama sa panonood ng horror kasama si Krexel.
Naupo ako sa may gilid at pinagmasdan ko siya. He looks so peaceful while sleeping. Alam ko kung gaano 'to kasipag mapa-dito man sa restaurant hanggang sa bahay namin. Sa bahay kasi siya din ang nagluluto at naghuhugas ng pinggan. Ayaw niya kong pag-urungin dahil papanget daw ang mga kamay ko lalo na ang maglaba, magiging famous painter pa daw ako kaya dapat alagaan ko ang mga kamay ko. Oh diba, ang supportive ng asawa ko.
"Wag mo ko titigan baka maubos kagwapuhan ko."
Napakurap ako at saka natawa ng malakas. Still the same Earl. Lakas pa rin ng hangin pag andyan siya.
"Oh, tama na kakatawa. Alam kong inlove na inlove ka sakin at worried kang baka may umagaw sakin na iba pero rest assured sayo lang ako sasama."
I giggled. He touches my face with his hands and he closes the gap of our faces magdidikit na sana ang mga labi namin nang biglang bumukas ang pintuan kaya napalayo kami sa isa't isa. Speaking of bwisit na istorbo.
"Ang tagal niyo naman--oh shit, sorry! Wala akong nakita!" Sabay sara ng pintuan ni Kevin.
ESTÁS LEYENDO
Pulling the Wrong Strings
Ficción GeneralYou thought you will never regret it but in the end...you did. Because.. Pulling the wrong strings will not make you truly happy.
Chapter 3
Comenzar desde el principio
