Myka's POV
"Uy bessy, ano na? Akala ko ba pupunta ka?"
"I'm on my way na bessy! Sandali lang! Si hubby kasi nagmamaktol wala tuloy nag-aasikaso sa kambal. My ghad, parang tatlo ang anak ko tuloy! Huhu!"
Natatawa naman ako dahil parang aligaga nga si Shai. Rinig ko yung iyak nung kambal tapos may mga nababasag pa at nalalaglag na kung ano.
"Sige na. Amuhin mo muna si Layner. Antayin na lang kita dito."
Binaba ko na yung phone ko at nagready na ko dito sa may restaurant. Hindi pa naman opening hours kaya hindi pa masyadong busy. Maaga lang talaga kami nagpupunta ni Earl dito.
Napasilip ako from the kitchen sa tunog ng bumukas na pinto. Sila Daphne at Kevin pala may mga dalang groceries.
"Good morning, Myka!" Daphne went to my direction at nagbeso kaming dalawa. "We bought some goods. Nandyan na ba si Earl?"
"Yup, nandito na siya. Nasa taas lang. Bakit?"
Binaba naman ni Kevin yung mga dala-dala niya.
"Nagrereklamo na kasi 'tong baby ko. Ayaw na daw niya ng mga luto ko. Kaya ayan nag-aya dito. Baka naman pwedeng magluto si Earl ngayon? Aawayin na naman ako nito pag di nakuha gusto eh. Huhu. Maawa ka sakin, Myka! Bugbog sarado na ko palagi!"
"Anong sinabi mo? Kailan kita inaway ha?"
Napakurap ako nang biglang sumulpot si Daphne at tinulak si Kevin. Muntik na siyang masubsob mabuti na lang at nakahawak siya sa may upuan malapit sa kinatatayuan niya. Magsisimula na naman ba sila?
YOU ARE READING
Pulling the Wrong Strings
General FictionYou thought you will never regret it but in the end...you did. Because.. Pulling the wrong strings will not make you truly happy.
