Chapter 10

24.1K 582 24
                                    

Mahigit isang buwan nang pinapatay ni Evan ang sarili sa alak. Alak lang at wala nang babae. Hindi na nya kailangan pa ng babaeng gagamitin dahil wala na rin naman ang taong gusto niyang pasakitan, si Magda, ang babaeng totoo nyang minahal pero sinaktan nya rin nang todo. Hinayaan nya itong lumayo dahil kahit sya sa sarili nya ay hindi nya alam kung kaya nya pa bang tumanggap ng isang tulad nito. Dahil katulad ni Magda ang sumira sa pamilya nila.

Hindi nya matanggap na masaya ang kanyang ama ngayon, samantalang ang kanyang ina ay namatay nang may sama ng loob rito, dahil nga ipinagpalit sila sa isang bayarang babae, si Rosita.

Naaalala pa ni Evan na sa tuwing maanyayahan sya sa bahay ng kanyang ama, na bagama't ayaw sana nya , pero mapilit talaga ang kapatid na si Macky, kaya wala naman na syang nagagawa kundi ang sumama. Doon nya nakikita ang pagiging maasikaso si Rosita sa lahat, lalo na sa kanyang ama. Di man maamin ni Evan sa sarili, malayo ang hitsura nito sa isang GRO. Tuwing maliligaw sya sa bahay ng ama ay parati itong nakangiti, walang bahid ng kolorete ang mukha, at parating mahaba ang suot. Matanda lamang si Rosita ng limang taon kay Macky, at nabiyayan ng dalawang anak sa kanyang ama.

Naalala nya si Magda. Hindi rin ito naglalagay ng kolorete sa mukha, maliban na lamang kung may okasyon. At palaging naka-T shirt at panjama lamang ito kapag nasa bahay noong sila ay nagsasama pa. Marahil gusto na rin nitong talikuran ang dating naging buhay, ang dating maruming buhay. Pero heto sya, isang tanga at humusga nang todo sa pagkatao ng babaeng mahal nya. Ni hindi man lang nya inalam kung ano bang mga paghihirap ang sinapit nito upang humantong sa ganoong trabaho. At dahil galit sya sa mga GRO ay nasama sa galit nya si Magda.

Ipinikit nya ang mga mata at huminga nang malalim. Sapat na siguro ang isang buwan. Panahon na upang patunayan nya kay Magda na mahal nya ito at hindi nya kayang mabuhay nang wala ito sa tabi nya.

<<<<<>>>>>

Gabi na at nasa tapat siya ng isang convenience store. Nagdadalawang isip sya kung bibili pa ba sya ng alak o hindi na. Medyo may tama na rin sya at hirap na magmaneho. Bumaling sya sa gilid at ipinitik ang sigarilyong hawak nang mapukaw ng kanyang atensyon ng babaeng tumatawid sa pedestrian lane. Sumikip ang kanyang dibdib nang mamukhaan ito. Lasing sya, oo, pero hindi sya maaring magkamali. Si Magda ang babaeng iyon. Bagama't maiksi na ang buhok nito na umabot na lamang ng hanggang balikat, naka-jacket na itim at pantalon na asul. Maraming bitbit ang babae na garbage bag. Nilingon nya ang pinagmulan nito. Isang bar! Oh NO! Hindi kaya bumalik ang babae sa dati nitong trabaho? Pero sa bar? At bakit ganoon ang suot, balot na balot? Kita nya rin na tila nabawasan ng timbang ang dalaga.

Agad syang bumaba ng sasakyan at mabilis na tinungo ang babaeng nakita. Binilisan nya ang takbo sa abot ng kanyang makakaya. Di naman sya pansin nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Agad nyang hinablot ang braso ni Magda. Napaharap ito sa kanya at nabitawan ang mga hawak na basura. Sinapo nya ang pisngi ng dalaga. Nang makumpirmang si Magda nga iyon ay niyakap nya ito nang mahigpit. Matindi ang pagkasabik na naramdaman nya para rito, na halos mapiga na ito sa higpit ng kanyang yakap.

"HOY! Ano ba? Papatayin mo ba ko huh?" nagpumiglas ito. Ngunit bahagya nya lamang niluwagan ang pagkakayakap rito.

"Mahal kita! Mahal na mahal kita!" usal ni Evan kasabay ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Bumalik ka na, dahil mamatay na ko kapag hindi ka pa umuwi."

"Ba-bakit, may taning na ba ang buhay mo?" gumagaralgal na ang boses nito. Nakita nya ang gulat sa mukha nito.

Natawa sya at gigil na pinaulanan ng maliliit na halik ang buong mukha ni Magda. Hinatak nya ito. Naguguluhan man ang hitsura ay sumabay pa rin ang babae sa kanyang mga hakbang. Tinumbok nya ang kanyang sasakyan at may pagmamadali na isinakay roon ang dalaga.

Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE)Where stories live. Discover now