Chapter 8

17.9K 393 2
                                    

Nagdaan ang minuto, oras, araw at buwan. Pilitin man ni Magda na pigilan ang damdamin ay di nya magawa. Tinitoo ni Evan ang sinabi nito sa kanya na liligawan sya. Nagpursige ito at buong atensyon ang ibinigay sa kanya. Iwinaksi nya ang kanyang agam-agam at buong puso na ibinigay sa binata ang kanyang matamis na oo. Laking tuwa naman nito at pasasalamat sa kanya. Paulit-ulit din nitong bukambibig kung gaano sya nito kamahal. Mahirap ipaliwanag na sa maikling panahon ay ganoon na rin ang nararamdaman nya para sa binata.

Hindi na rin naman tumutol pa sina Macky at Steve sa relasyon nila. Wala na rin namang nagawa ang mga ito nang kunin na sya ni Evan at doon sa mismong condo nito tumira. Unti-unti na rin namang humina ang usapan tungkol sa kanila ni Macky. Ang iba ay nakaunawa. May mga nag-taas ng kilay, at ang iba naman ay nanghusga. Kesyo tinuhog nya raw ang magkapatid. Pero ang totoo ay isa lamang naman ang nakatuhog sa kanya.

Naging masaya naman ang limang buwan na pagsasama nila ni Evan. Wala syang maipipintas sa lalaki. Masipag ito at maasikaso. Alam nya rin na huminto na ito sa mga babae at itinigil ang palagiang nightlife. Alam na alam nya iyon sapagkat parati itong umuuwi nang maaga, at kung may lakad man ay parating sya ang kasama. Walang araw at gabi na sumagi sa isip ni Magda na sabihin na sa nobyo kung ano sya noon, ngunit natatakot sya sa posebilidad na maging resulta ng kanyang pagtatapat, lalo na at nagpahayag na ang binata na gusto sya nitong pakasalan. Parati nyang titinitigan ang sigsing sa kanyang daliri at sinasabi sa sarili kung kailan nya kaya maarin sasabihin sa nobyo ang lahat. Ngayon na ba o pagkatapos na lang ng kasal? Besides, kung talagang mahal sya nito ay matatanggap at matatanggap sya nito.

Hindi rin sya pinayagan pa ni Evan na magtrabaho, na matindi naman nyang tinutulan, ngunit sa huli ay ang nauna rin ang nasunod. Nahihiya man sya ay wala syang nagawa nang ipagbukas sya nito ng sariling bank account. Iba pa roon ang mga credit cards na ipinapagamit sa kanya. Hindi rin naman nya ginagalaw ang pera kung hindi rin naman importante ang kanyang binibili. Madalas ay napapagastos lang sya tuwing may okasyon at naglalambing ang lalaki ng masarap na putahe. Tulad na lamang ngayon, kasalukuyan syang nasa mall upang bumili ng dress na isusuot mamaya sa event na pupuntahan nila ni Evan.

Pinili nya ang damit na hindi masyadong nagpapakita ng balat ngunit maganda ang tabas kaya humuhulma pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Lihim syang napangiti sa sarili habang nasa fitting room at pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Pumasok sa isip nya si Evan. Masyadong pilyo ang nobyo nyang iyon na kahit sa fitting room ay muntikan na nilang magawa "iyon."

Naalala pa nya na ipinakita lang naman nya dito ang suot nyang damit kung bagay sa kanya, aba'y di na ito lumabas ng fitting room at doon na naglikot ang mga kamay at labi. Kung hindi pa kumatok ang saleslady ay baka doon pa sila inabutan. Linggo pa naman iyon at mahaba ang pila sa mga fitting room. Sa naisip ay tila may gumuhit sa kanyang puson, dahilan upang mapagkiskis nya ang kanyang mga hita. Agad na syang nagpalit, nagbayad sa cashier at dali-daling umuwi.

Nasa pagpapahahid na sya ng lipistick nang pumasok si Evan sa kwarto. Naiinip na siguro sa paghihintay sa kanya. Hindi sya masyadong nagmamadali at mahaba pa naman ang oras. Pumwesto si Evan sa kanyang likuran at yumakap sa kanyang bewang, humalik sa kanyang pisngi at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.

"Huwag na kaya tayong tumuloy..." bulong nito.

"Baliw ka? Halos kulang-kulang isang oras na kong nag-ayos. Ano ka ba?!" Napapitlag si Magda nang saluhin ng dalawang kamay nito ang kanyang dibdib. Ramdam nya sa kanyang balakang ang pagkalalaki nito na unti-unting nabubuhay. Dali-dali syang humiwalay at nauna na sa pinto. Dinig naman nya ang pag-ungol at paghihimutok nito dahil hindi nasunod ang hiling. Gusto nyang matawa sa binata.

<<<<<>>>>>

Nasa bulwagan na sila ng pinuntahang event nang may mamataan syang isang pamilyar na bulto. Agad nanlamig ang kanyang buong katawan nang mapagsino ang matandang iyon. Si Tanda iyon, hindi sya maaring magkamali. Paanong hindi nya naisip na posibleng magtagpo ang landas nila nito gayong ubod nang yaman ni Tanda. Nagningning ang mga mata ng Intsik nang masipatan sya. Agad nanlambot ang kanyang mga tuhod. Gusto nyang lumayo at umalis sa kanyang kinatatayuan. Sa huling sandali ay hinanap ng kanyang mga mata si Evan na nagpaalam lamang na magsi-CR at ngayon ay papalapit na sa kanya. Huli na upang tumalikod sya dahil nahagip na ni Tanda ang kanyang kaliwang braso.

"Magda! Ikaw akin mi-miss. Saan ikaw punta? Ikaw pa naman akin paborito." Ngiting-ngiting sabi nito na sa dibdib nya nakatutok ang mga singkit na mata. Ngali-ngali nyang pinamukalan ang bibig nito ng sushi na dala ng dumaan na waiter.

"Hi! Good evening, Mr.Dy!" bati ni Evan mula sa kanyang likod. Nakipagkamay pa ang nobyo sa matanda. Tila biglang nagdilim ang paligid ni Magda, at ramdam nya ang pagtakas ng dugo mula sa kanyang mukha. "Magkakilala kayo?" dagdag pa ni Evan.

Dalangin nya na itanggi sya ni Tanda, o kaya ay mabulunan sa isinalaksak nyang sushi sa bunganga nito. Ngunit hindi yata pumanig sa kanya ang swerte, at nagugunita na nya ang kanyang katapusan. Nag-slow motion bigla ang pagsasalita ni Tanda. Tila sya napipi at tumigas ang mga panga, dahilan upang hindi nya maibuka ang bibig at hindi makapag-protesta. Ramdam nya rin ang biglang paghigpit ng kamay ni Evan sa kanyang balikat.

"Oo, iyan akin kakilala. She is my favorite GRO. Iyang batang yan, galing --" hindi na natapos ni Mr. Dy ang sasabihin dahil humandusay na ito sa lupa. Naitakip nya ang kamay sa kanyang bibig nang makitang duguan ang ilong ng matanda. Taas-baba naman ang balikat at dibdib ng nobyo. Diretsong lumabas si Evan ng bulwagan at nabangga pa sya nito sa balikat.

Sinundan nya ang fiancé. Malabo na ang kanyang paningin dahil sa mga luha nyang patuloy sa pag-agos. Naabutan nya si Evan na pasakay na ng sasakyan. Tinawag nya ito ngunit isang matalim na titig lamang ang ibinalik nito sa kanya. Pinaharurot na nito ang sasakyan at iniwan siyang mag-isa. Dali-dali syang pumara ng taxi.

<<<<<>>>>>

Pagpasok ng pinto ay sumalubong sa kanya ang mga basag na kagamitan. Halos patingkayad nyang tinawid ang daan patungo sa kwarto dahil sa mga basag na bote, pinggan at baso. Nakita nya si Evan na nakatayo sa tapat ng bintana at umiinom ng alak.

"Hindi naman totoo yung sinasabi ni Mr. Dy di ba? Ninong ko ang matandang yon. Nag-uulyanin na siguro. Sabihin mo, Magda, na gumagawa lamang ng kwento si Mr. Dy," saad nito sa nanginginig na boses.

"Sasabihin ko naman sayo, Evan, eh. Hindi ko lang alam kung papaano magsisimula," malakas lamang sa bulong na sinabi nya sa gitna ng mga hikbi. Kitang-kita ni Magda kung paano nagtagis ang bagang ni Evan. Hindi rin nakatakas sa kanya ang kumawalang luha nito.

"Evan, pag-usapan naman natin 'to oh. Please. Magalit ka sakin, sigawan mo ko, murahin mo ko, tatanggapin ko lahat. Maha --" tila nanigas na parang yelo ang kanyang dila dahil sa napakalamig na tingin na ipinukol sa kanya ng nobyo. Dinampot nito ang susi ng kotse, tinungo ang pinto, lumabas at pabalibag na isinara iyon.

Naiwan na namang nag-iisa si Magda. Ang pakiramdam nya ngayon ay gaya ng naramdaman nya nang malaman nya ang sinapit ng kanyang mga magulang. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha habang tagusan ang tingin sa pintong nilabasan ni Evan. Ano ba nagawa nyang kasalanan para danasin nya ang ganito kalungkot na buhay, para paulit-ulit syang iwanan?

Biglang naisip nya, wala na ang kanyang mga magulang at kailanman, anuman ang kanyang gawin, ay hindi na maaaring bumalik. Pero si Evan, nandyan pa, humihinga, may chance pa na bumalik sa kanya. Ang dapat lang nyang gawin ay ipaglaban ang nararamdaman para rito.

Pinahid nya ang kanyang luha. Nabuo na ang kanyang pasya. Hinding-hindi sya aalis sa tabi ni Evan, kahit anong pagtataboy pa ang gawin nito sa kanya.

<<<<<>>>>>

Please don't forget to Follow Me, Comment and VOTE :)

Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE)Where stories live. Discover now