Chapter 2

26.8K 542 7
                                    

Dinagdagan pa ni Magda nang kaunti ang kanyang lipstick sa labi. Sa totoo lang ay hindi na dapat nya dinagdagan pa yon. Halos putok na putok na sa pagkapula ang labi nya. Pak na pak na. Pero may mantra sya na paulit-ulit nyang sinasabi sa sarili, 'I want more.' Inusli-usli pa nya ang nguso at umaktong humahalik sa hangin. Pasalamat na lamang sya at biniyayaan sya ng kissable lips, long lashes, thick eyebrows, cute dimples and... don lang sya bumagsak, sa kanyang not-so-pointed nose. Mabuti na lamang at hindi umabot sa puntong halos hindi na sya makahinga sa pagka-flat. Kumbaga eh cute little nose. Napapatangos nya na lang ito nang dahil sa contour. Salamat sa make-up.

Gamit ang mga daliri ay pinasadahan nya ng suklay ang kanyang unat na unat na buhok. Bagon rebond lang nya nong isang araw. Sirang sira na kasi ang kanyang buhok kagagamit ng curling iron. Kaakit-akit kasi para sa mga customer ang mga babaeng wavy o big curls ang ayos ng hair. At dahil doon ay bentang benta sya. Pero ngayon ay itatapon na nya ang pangkulot. Isa na yon sa mga gusto nyang kalimutan. Tinitigan nya nang matagal ang curling iron. Nagpalipat-lipat sya ng tingin sa pangkulot at sa basurahan. Ang ending ay ibinalik nya sa bag ang pangkulot at naisip na pwede nya naman itong ibenta. Datung din yon!

Sunod nyang ginawa ay ang paghatak-hatak sa napaka-ikli nyang shorts, as if naman na hahaba yon sa ginagawa nya. Dahil mag-isa lang naman sya sa banyo, isinuot nya sa laylayan ng short ang dalawang daliri at hinatak ang panty na sumuksik sa kanyang puwitan.

"Punyeta naman oh, kairita!" Isasama nya nga sa listahan ang mga panjama at pantalon. Goodbye na sa pekpek shorts, at skirt na ang drama nya ngayon. Sa totoo lang ay joke lang yong salitang "goodbye." Ano sya, tungak? Balak nya talagang ibenta iyon sa kanyang mga kasamahan, kasama ng mga koloreteng pangmukha.

Sinipat nya ang oras na kanyang telepono. Mag-aalasdos na pala ng madaling araw. Pahirapan na naman makahanap ng masasakyan. Bwiset na mag-asawa kasi yon eh. Nagpaalam na sya sa dalawa. Prinaktis nyang maiigi ang mga sasabihin, at nang nasa harap naman na sya ng dalawa ay nagkalabu-labo na ang kanyang mga litanyang pinaghirapan nyang isaulo. Lintik naman kasi, kada isang salita nya ay may kapalit na sumbat mula sa mag-asawang gahaman. Kada isang salita na lumalabas sa kanyang bibig ay masasakit na salita at mga mura naman ang kanyang nilulunok. Kesyo kung hindi raw dahil sa kanila ay malamang na patay na sya ngayon. Kung di raw dahil sa kanila ay baka loka-loka na sya ngayon. Ang ikinainis nya sa lahat ay ang sinabi ni Ninong na kung di raw dahil sa kanila ay malamang daw sa malamang na ubod sya nang pangit ngayon. 'Huwaw, coming from you pa talaga ha, Dugong!' parang gusto nyang ihiyaw. Bigla naman syang nahiya sa nagmamantikang ilong ni Ninong at halos sinlaki na ng manhole na pores nito sa pisngi. OA, I know!

Wala na syang nagawa kundi tanggapin at lunukin na lamang ang mga idinudurang salita ng dalawa. May parte kasi sa kanya na nagpapasalamat din naman sa dalawa kahit papaano, pero mas malaki ang parte na sana nga ay namatay na lamang sya o nabaliw o pumangit, kaysa naman sa nakaranas nga sya na makahawak ng malaking halaga ngunit ang kapalit naman ay ang maagang pagkawala ng kanyang pagkadalaga. Desinuwebe o beinte anyos, hindi na nya tanda kung kailan sya naging parausan ng mga lalaking tila ipinaglihi sa mga kuneho kung umarya. At ngayong beinte-nuwebe na sya at may sapat na ang ipon nya, kailangan na nya ng pagbabago.

Lumabas na sya ng club nang di alintana ang mga pasimple pang humahaplos sa kanyang hita at tumatapik sa kanyang puwit. Kinginang mga lalaki 'to! Malamang nagkakandahaba na ang leeg ng mga asawa ng mga hayup kakatanaw sa bintana at pinto sa labis na pag-aalala kung bakit wala pa ang mga asawa nila, baka nga ang iba ay nagnobena pa sa rosaryo. Bahala sila sa mga buhay nila, mga martir!

Malayu-layo na sya sa club nang may humintong motorsiklo sa kanyang harapan at inagaw ang bitbit nyang shoulder bag.

"Tang ina nyo ah! Riding in tandem ba kayo huh o nakikisunod lang sa uso?!"

Kumaripas na ng paandar ng motorsiklo ang sakay na dalawang may kapayatan na mga lalaki. Pero dahil digital na ang karma sa bilis, umaandar ang dalawang tanga na sa kanya nakalingon habang pina-pakyu sya at sumisigaw ng mga bastos na salita na di naman nya magets dahil nakahelmet ang dalawang gunggong, di tuloy napansin ng dalawang mokong ang posteng mababangga nila. Sumambulat ang dalawang gago. Tatawanan na sana nya nang magulat sya sa mga sumunod na eksena. Muling umangkas ang dalawa sa motor at pumihit sa kanyang direksyon.

"Shit! Ako pa ata ang pagbabalingan ng dalawang gungong na 'to sa pagkapahiya nila ah."

Pumihit sya at tumakbo nang ubod nang bilis sa abot ng kanyang makakaya. Lugi sya, nakomotor ang dalawa. Teka, bakit sya ang hinahabol? Di ba sya dapat ang manghabol? Narito sa dalawang ito ang kanyang bag na naglalaman ng mga bagay na balak nyang ibenta. Mabuti na lamang at ang pera ay nasa kanyang bra. Alam nya kasing darating at darating ang panahon at hindi malabong mahold-up sya dahil na rin sa oras ng kanyang uwi.

Naabutan sya ng dalawa at hinablot ang kanyang buhok, dahilan upang sya ay tumaob. Napamura sya sa sakit na natamo ng kanyang siko at balakang. Ramdam nya ang hapdi ng gasgas sa kanyang balat.

"Pare, dahan-dahan. Wag mo masyadong gasgasan. Ang kinis pa naman oh."

"Oo nga! Sakto, madilim sa parteng 'to. Pagsawaan muna natin yang puta na yan!"

Nakuha pang mag-usap ng dalawang ninja turtles. Mga mukha kasing pagong nang tanggalin ng mga ungas ang helmet. Nanginginig man sa takot ay sinubukan pa rin nyang umatras. Ang dalawa naman ay umaakto na at nagtatanggal na ng sinturon.

"Hanggang dyan lang kayo! May mga CCTV dito! Yari kayo kay Tatay Digong kapag nahuli kayo!" Naiiyak sya pero walang luhang lumalabas mula sa kanyang mga mata.

"Digong! Digong! Di kami mahuhuli non! At ikaw, wag ka nang mag-inarte. Pokpok ka naman eh! Pa-virgin ka pa! Lugi na nga kami sayo eh!"

Tangnang mga 'to! Sila pa lugi? Bumwelo sya nang maliksi sa pagtayo at ibunuhos ang lahat ng kanyang lakas upang makatakbo ulit. Tanga lang ng dalawa dahil hinubo na ng mga ito ang kanya-kanyang pantalon hanggang kalahati ng hita, hindi tuloy makahabol ang mga bobo. Laking pasalamat nya nang matanaw ang highway. 

Lumingon sya sa likod at patuloy pa rin ang paghabol ng dalawa sa kanya. Hindi na sya nagdalawang isip at tinawid nya ang highway. Hindi nya napansin na may paparating palang isang rumaragasang kotse. Humambalos ang katawan nya sa sasakyan at doon na sya nawalan ng ulirat. 

Ngunit bago panawan ng paningin ay nasilayan nya muna ang isang imahe ng lalaki. Imposibleng yong dalawang ugok yon. Matikas ang lalaki. Malaking tao ito. At nang makalapit nang husto ay nasilayan nya ang pinakagwapong mukha ng isang nilalang sa balat ng baku-bakong kalsada ng highway. Tuluyan nang dumilim ang kanyang paligid, ngunit ramdam nya ang unti-unting pag-angat nya mula sa baku-bakong kalsada. Ang lalaking iyon, iyon siguro ang taga-sundo.

'Nay, Tay...magkikita na po tayo...wala nga lang po akong pasalubong, pero okay lang yon, at least magkikita na po tayo.'

"Hey! Lovely, wake up! Fuck!"

'Ah ginoong anghel, hindi Lovely ang pangalan ko. Tsaka bakit ka nagi-Ingles? Nasa pilipinas tayo. Nagmumura ka pa, sugo ka pa naman ng langit.'

Isang sulyap pa sa gwapong mukha ng taga-sundo at tinakasan na sya ng ulirat.

<<<<<>>>>>

Liked the story?  Don't forget to Follow Me, Comment and Vote :)

Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE)Where stories live. Discover now