Chapter 3

20.6K 489 4
                                    

Ang bango. Ang lamig. Nasaan ba sya? May mga nagbubulungan pa, bulungan na nauwi sa unti-unting papalakas na boses. Iminulat nya ang kanyang mga mata. Maliwanag ang paligid. Maganda ang kwarto, mabango. At base sa kanyang pandama ay mahuhulaan nyang fully air conditioned ang buong kwarto. Unti-uniti ring napukaw ang kanyang atensyon ng papalakas nang papalaks na usapan ng mga lalaki. Lalaki? Malalalim na boses. Di kaya nakuha sya nong dalawang ugok na riding in tandem? Imposible. May kaya ang mga gunggong na yon? Aha! Malamang sa boss nila 'tong bahay na 'to!

"Bakit kasi dito mo dinala yan?! Bakit hindi sa ospital?! Eh kung baliw pala yan? Baka isa-isa tayong patayin nyan dito eh!"

"Kuya, relax. Kapag sa ospital ko dinala yan, mapapagastos pa ko. Eh doktor ka naman, kaya dito ko na lang dinala."

"Eh paano pala kung malala lagay nyan? Wala akong gamit pang-opera dito!"

"Loves, tama ang kapatid mo. Relax. Na-examine na naman natin sya. Wala namang malala maliban na lang sa mga gasgas nya."

Loves? Sino kayang tinawag na "Loves," eh parang wala naman syang naririnig na boses ng babae ah. Doon na sya nagpasyang bumangon at maupo. Napanganga sya, as in nganga na labas pati bagang, nang makita ang tatlong lalaki na magkakasinglaki ng katawan at taas. Ang isa ay may salamin sa mata, malinis ang gupit, naka T-shirt at naka-panjama. Nakaakbay sa kanya ang isang lalaki na gwapo rin ngunit may kahabaan ang buhok at nakapuyod sa likod. Nakasando lamang ito at boxer short. Ang isa naman na nasa bandang bintana at nakahalukipkip ay naka T-shirt na napapatungan ng itim na leather jacket at nakapantalon na hapit. Parang pamilyar ito sa kanya. Aha! So hindi pala anghel yong nakita nya kanina. Totoong tao pala iyon, at ang gwafu. Kinilig naman sya nang todo mula ulo hanggang gulugod nang titigan sya nang matimtiman ng tatlo.

Nganga, literal na nakanganga sya sa tatlong lalaki na kasalo nya sa hapag. Naloka sya nang bongang-bongga sa kaalamang magnobyo pala ang dalawang gwapong ito sa kanyang harapan. Ang lalaking naka-eyeglass ay isa palang doktor. Ang pangalan nito ay Macky. Nobyo nito ang lalaking may kahabaan ang buhok at nakapuyod sa likod, at iyon naman ay si Steve. Ang gwa-gwapo ng mga tinamaan ng lintik. Kahit sino ay di makakahula na taglay pala ng mga ito ang dugong berde, maliban na lamang kapag nakasama na dahil maya't maya naghahawakan ng kamay at nagi-smack pa. 'Ako na lang...ako na lang please.'

Samantala, si Evan, ang kapatid ng doktor na si Macky, ang lalaking nakabangga sa kanya. Sanay na syang makasalamuha ng gwapo base na rin sa kanyang naging trabaho, pero iba ang dating at karisma ni Evan. Ito ang tipo ng lalaking titig palang ay maaabot mo na ang sukdulan. Char! Napangisi sya nang maisip na malamang berde rin ang dugo nito. Hindi malabong mangyari yon. Sayang ang lahi.

"Anong nakakatawa? Di na kami magtataka kung isa-isa kaming matunaw dito sa kinauupuan namin," ngiting-ngiting sabi ni Steve. Ang gwapo ni Steve. Mukha itong friendly at mabait. Kabaligtaran ni Macky. Mukha itong palaging seryoso sa buhay at tila ba kaymahal ng mga ngiti.

"Wala naman. Naisip ko lang sayang naman ang lahi nyo. Hehe." Ginamit nya ang pinaka-charming nyang smile at sinamahan pa nya ng peace sign.

"Yan pa talaga ang naisip mo ha. Anong pangalan mo at bakit nasa labas ka pa ng bahay nang dis-oras ng gabi?" si Macky iyon.

"Loves, wag mo naman syang takutin. Ang cute pa naman nya," si Steve iyon, na may kasamang himas sa braso ng kapareha. "Ang lalim ng dimples mo, very cute," baling naman nito sa kanya. Sinimplehan naman ng siko ni Macky si Steve. Nagselos pa ata ang bakla.

"Ako si Magda. Pauwi na ko galing trabaho nang ma-spotan ako ng riding in tandem. Mas pinili kong tawirin ang highway kesa naman magahasa ng dalawang mukhang pagong na yon."

"Anong trabaho mo at bakit ganyan kaigsi iyang suot mo?" Sa wakas ay nagsalita si Evan. Ang lalim ng boses nito...kaya lang beki.

"Ah...ano...kwan...call center agent." Jusme! Bahala na si Batman. Sana lang ay paniwalaan sya ng mga ito. Sinulyapan nya si Evan. Titig na titig sa kanya ang lalaki. 'Di kaya dahil sakin, maisip nyang mas bet nya maging boy? Ahahay! Assuming! Kung makatitig naman kasi itong si Evan, tila nakikita ang na a kaloob-looban ko.' Di maiwasang magkaroon ng reaksyon ng kanyang katawan. Ramdam nya ang pamimintog ng kanyang mga utong. Epekto ni kuya! Ibang level!

"Ihahatid na kita sa inyo."

'Puta kaya pala titig na titig, gusto na pala kong pauwiin.' Gusto nya namang maglaho na lamang sa kanyang pwesto nang mapansin nya na halos sya lang pala ang nakaubos ng pagkain. Bago umalis ay inabot sa kanya ni Macky ang calling card nito. In case raw na may maramdaman syang kakaiba sa katawan ay agad na pumunta sa pag-aari nitong ospital. Sosyal! Mayaman! 'Paano ba yan, dok, kanina pa ko may kakaibang nararamdaman dahil titig ng kapatid mo.' Lihim naman syang kinilig nang ipinagbukas pa sya ni Evan ng sasakyan. Langhap na langhap nya tuloy ang panlalaking bango nito.

Hindi pa roon natapos ang pagpapahirap sa kanya ng beki. Pigil nya ang paghinga nang ito mismo ang magsuot ng seatbelt sa kanya. Sa gulat nya ay hindi agad ito lumayo sa kanya at tinitigan sya nang matagal sa mukha. Halos wala na sa isang dangkal ang layo ng mukha nito sa mukha nya, tila ba kinakabisa ang bawat parte ng kanyang mukha. Mula kilay, mata, labi, at bigla itong ngumiti nang tumitig sa kanyang ilong. Nyemas, ngiti palang nagreregudon na ang kanyang balun-balunan. Napapikit sya nang pitikin nito ang kanyang...munting ilong!

"Aray!" hinaplos-haplos nya ang kanyang namulang ilong. 'Buset na bakla 'to, maliit na nga, tila balak pang pipiin! Palibhasa binayayaan sya ng perpektong ilong.' Napatingin sya sa ilong ng lalaki. Parang sya naman ang may gustong gawin sa ilong nito, ngunit hindi ang pitikin, kundi pisilin. Hmm, kagigil ang katangusan eh!

"Alam ko ang nasa isip mo. Hindi ako bakla. Si Kuya Macky lang ang bakla. Step brother ko sya, kaya sure ako na hindi ako bakla." Nakangiti pa rin ito at nag-umpisa nang imaniobra ang sasakyan.

"Weh! Di nga?" sagot nyang may halong pang-aasar. Lumingon ito sa kanya nang may ngiti pa rin sa mga labi. Gusto na nyang kutusan ang sarili nang muntik na syang mamilipit sa kilig nang kindatan sya ng "lalaki."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, pero handa kong patunayan yon sa iyo."

Napakislot sya nang hawakan sya nito sa hita at pisilin. Dapat ay sanay na sya, ngunit kakaiba ang naging dulot sa kanya ng simpleng ginagawa ni Evan. Napatingin syang bigla sa lalaki at ramdam nya ang panlalaki ng kanyang mga mata. Tinapik nya ang kamay nitong tila wala na itong balak alisin. Napuno nang halakhak ng lalaki ang loob ng sasakyan nito.

<<<<<>>>>>

"Hokage ka rin eh noh?!"

Nasa tapat na sya ng kanyang apartment. Nalito naman sya dahil bumaba rin ng sasakyan si Evan. Tinitigan na naman sya nito, pero nag-level up na dahil tila inaalisan sya nito ng saplot base sa pagtingin nito sa kanya mula paa hanggang ulo. Nagsimula sa kanyang paa, tumuloy sa kanyang magandang korteng binti, nagtagal sa flawless nyang hita, sa nagmumura nyang dibdib, at sa wakas ay sa maamo nyang mukha.

"Ihope to see you again, Magda." Bago pa sya maka-react ay lumapat na ang mgalabi ng lalaki sa kanyang...pisngi. Nahiya pa ang hudas!

<<<<<>>>>>

Liked the story?  Please don't forget to Follow Me, Comment and Vote :)   

Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE)Where stories live. Discover now