Chapter 3

108 4 0
                                    


The Mean Experts

All rights reserved.

-----------------



CHAPTER 3


      NAPATINGIN sa malaking orasan na nakasabit sa dingding ng kanilang opisina si Ina. 

Mag-aalas-diez na nang gabi. Mukhang hindi niya namalayan ang takbo ng oras dahil subsob siya sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin ng council para sa darating na contest bago matapos ang semester. Napainat siya at hinilot ang nangalay na leeg dahil sa ilang oras na pagkakayuko.

"Hala! Masyado nang malalim ang gabi. Lagot ako nito kila Mama!" Napatayo ang katabi niyang student council.

Dalawa na lang kasi silang naiwan sa opisina. Kanina pa nagsiuwian ang kanilang mga kasamahan. Napilitan lamang silang magpaiwan dahil sila ang punong-mamamahala sa gaganaping event ng kanilang kolehiyo.

Matapos hilutin ang nangalay na leeg ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

"Ins, favor please?"

"Hmm?" Patuloy lang sa pag-o-organize ng mga papel si Ina. Ni hindi niya nagawang tingnan ang kasama.

"Pwede bang mauna na ako? Masyado na kasing gabi. Baka mapagalitan na naman ako nito."

"H-ha? Iiwan mo ako ditong mag-isa?" Doon na napaangat ang kanyang tingin sa kausap.

"E, hindi ka naman nag-iisa. Nandyan lang kaya sina Junjun at Jennifer sa girl's CR." At napangisi pa ang kasama. Batid kasi nitong matatakutin siya.

"Uy! Walang ganyanan. Natatakot na ako."

Iniligpit na ni Ina ang kanyang ginagawa. "Hintayin mo na lang ako. Sabay na tayong umuwi. Sa boarding house ko na lang ito tatapusin."

"Ang sabihin mo natatakot ka lang!"

Napatingin ng matalim si Ina sa kasama. Natawa na lamang ang huli.

"Oo na. Sige na. Sabay na tayong umuwi. Hintayin na lamang kita sa baba. Magsi-CR muna ako. Sayonara!"

"Sige, bibilisan ko na lang ang pagliligpit dito."

"Sure thing!"

Ipapasok na sana niya ang kanyang laptop sa bag ng may kumatok sa pinto. Inilapag niya ang hawak na laptop sa mesa at nagtungo sa pinto upang pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok.

"Oh, ikaw pala Manong."

"Ah, Ms. Ina. Malapit na ho ba kayong matapos sa ginagawa niyo? Masyado na ho kasing gabi." Tanong sa kanya ng gwardiya ng kanilang kolehiyo. Gabi-gabi ay umiikot ito sa buong kolehiyo para magbantay.

"Tapos na ho Manong. Nililigpit ko na lamang ang mga gamit ko."

Bumalik siya sa mesa at ipinasok ang kanyang laptop sa bag. Isinukbit ito at lumabas na ng kanilang opisina.

"Ako na ho ang magsasara ng opisina ninyo Ms. Ina. Mag-ingat po kayo sa pag-uwi."

"Salamat po. Sige po mauuna na ho ako."

The Mean ExpertsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon