Chapter 8.2

707 63 21
                                    

Kisses' POV:

Ngiting ngiti akong lumabas sa room namin ni Edward papuntang pool area ng resort, bukas na raw kami mag swimming sa beach kasi delikado raw at tatanga tanga pa naman daw ako, kaya sa pool raw muna kami.

Iniwan ako ni Edward sa kwarto at nauna siya sa pool, habang papalapit ako ay may mga nakikita akong mga babaeng nagbibikini, ang gaganda at ang gwa-gwapo, pero bat ganyan suot nila?
Habang papalapit ako ay mas pinagtitinginan nila ako,
May mali ba sa suot ko?

"Edward!"
Tuwang tuwa kong tawag sa kanya ng makita ko na siya na kausap si Joao at MayMay,

Lumingon silang tatlo sakin, at napanganga, bakit ba?

Pero teka ah, ang hot pala ni Edward pag naka topless lang 😍
Lalo na si Joao, ay tangi!

Napa iling iling ako, ano bang pinag iisip ko._. Umayos ka Kisses!

Lumapit ako sa kanila,

"Swimming na tayooooo"
Excited kong sabi,

"Wearing that?"

Sabay napaturo sa suot ko si ate may, napatingin ako sa suot niya at sa suot ko, naka shorts si ate may at sleeveless, ang haba ng legs!

"Are you going to sleep or to swim?"

Tanong ni edward at tumawa ng malakas si Joao. Napatingin ako ng masama kay Joao kaya napatigil siya sa pagtawa.

"Sorry pfft.."

Naka T-shirt ako at pajama, eto lang damit meron ako._.

"Ganitong mga damit lang meron ako"

Sabi ko sa kanila, napa hilot sa sentido niya si Edward,si Joao naman ay pinipigilan yung tawa niya, hinampas ko nga ang braso! Sama eh

Huminga ng malalim si ate may at tumayo sa pagkakaupo niya,

"Lika nga"

Bigla nya kong hinila paalis doon sa pool area, at ewan ko kung saan niya ako dadalhin

"I don't want to say this pero wala ka talagang ka taste taste sa fashion, I saw you last time in my welcome party, mukha ka namang tao pero bat wala kang ka fashion fashion! Di pa ko nakakita ng maliligo sa pool na naka pajama"

Sabi niya habang hinihila ako, bat palagi nalang akong hinihila?

"Eto nga lang kasi meron akong damit"

Sagot ko sa kanya, di siya sumagot at hinila lang ako ng hinila hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto

"This is my room, hindi kami same ng room ni Joao, kasi na vacant yung isang room, kaya doon na lang siya."

Tumango ako, pag pasok namin ay sinara niya yung pinto.
Pina upo niya ako doon sa kama niya at dumeretso siya sa closet niya at may hinahanap

"I don't know if magkakasya sayo since mas malaki ka sakin, as you can see payat ako."

Di ko maintindihan pinagsasabi niya kaya di nalang ako sumagot,
Maya maya lang ay humarap siya sa akin,

"Hindi ako nagdala ng maraming damit since 2 days and 1 night lang tayo, ..."

May binigay siyang damit sakin,

"Here... mas mabuti nayan kesa sa pajama mo!"

Tinignan ko yung damit na binigay niya, at yung maikling shorts.

"Aanhin ko?"

Tanong ko,

"For goodness gracious, change your outfit, ok? Balik na ako doon, come out when you're done"

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon