Chapter 2.1

1.5K 69 11
                                    

Edward's POV:

"Hey, where do you live? San ka nakatira?"

Nakaupo siya sa harap ko, may damit na siya ngayon. Di ako nagdamit sa kanya kundi yung tagalinis na once a week na pumupunta dito sa bahay ko.

"Bingi ba to? Pipi? Nagsalita naman to kanina"

Tinignan ko siya , di siya nakatingin sakin. Palipat lipat kasi siya ng tingin sa paligid.

Ngayon lang ba to nakakita ng bahay?

Hinawakan ko ang balikat nya

"He----"

I was cut off nang tumingin sya sakin. Ng masama.

"Chill"
Sabay bitaw ko sa balikat niya, this girl is really creepy -_-

"San ka nakatira?"

Tanong ko ulit,

"Hindi ko alam"

Nagulat na naman ako ng magsalita siya, sino bang hindi? Eh parang pipi to eh, minsan lang magsalita.

"What the hell are you saying that you don't know?"

Nag shrug lang siya at nilibot ulit ang tingin sa bahay ko.

Buti naman nakakaintindi pala to.

Tumayo siya bigla at naglakad kung saan saan, tumayo na lang rin ako at sinundan siya.

"Hey, wag kang malikot baka may mabasag ka!"

Hinawakan ko braso niya para pigilan siya pero sinamaan na naman ako ng tingin kaya bintawan ko ulit. Problema ba nito?

Lumapit siya sa salamin, at para bang tuwang tuwa siya ng makita sarili niya.

"Ako..haha"

Rinig kong sabi niya, luh? Baliw ata talaga to.

Niyakap niya bigla ang salamin ko,

"Ho-hoy, ginagawa mo? Bitaw!"

Hinigit ko siya, bahala na kung ang sama ng tingin niya, kailangan nyang lumabas sa pamamahay ko.

Hinigit ko siya palabas hanggang sa gate, tinulak ko siya ng mahina palabas.

"Miss, you should go back home, ok? And also, wag kang pumapasok ng bahay nang hindi sayo, pasalamat ka at hindi kita nireport sa pulis, kasi mabait ako. Ok? Uwi na"

Sabi ko sabay sinarhan ang gate pero di siya umaalis, nakatayo lang siya doon at tinitignan ako.

"You know what? You're scary, go home bago magbago isip ko at ereport ka"

Di parin siya umaalis at tinignan lang talaga ako, this is the first time namaka encounter ako ng ganito katigas na ulo.

Binuksan ko yung gate at nilapitan siya.

"Doon ka sa ibang bahay tumayo, kilala mo ba ko? Syempre oo, artista ako miss. Baka ano isipin ng mga tao. Kaya umalis ka na!"

Tinignan ko siya, napahinga ako ng malalim, bat ba ko nag sasayang ng oras sa babaeng to?

Tinignan ko ang paligid, baka may paparazzi na naman. I took my wallet at kumuha ng pera at inilagay sa kamay nung babae.

"Di ka umaalis kasi wala kang pamasahe! Tama, tama ako diba? Oh eto, may pamasahe ka na. Go home now,"

At pumasok na ulit ako, isinarado ko yung gate, pero di pa rin siya umaalis doon. Kaya pumasok nalang ako sa bahay.

" i need to call my guards, baka makapasok na naman yun"

Beautiful Stranger (SEASON 1)Where stories live. Discover now