"Opo. If I know, gusto mo lang magpa-impress sa akin."

"Ewan ko sa'yo Idan!"

"Joke lang. Sige na, dito lang ako sa isang gilid. Galingan mo ah."

----

JOHN LLOYD'S POV

Since day one that I've heard her sing, I instantly became her fan.

Iba. Iba siya. Iba talaga siya.

Hindi siya katulad ng ibang singers na dinadaan sa matataas na nota, kakaibang boses o kahit anong gimik para lang pumatok sa mga tao. Si Sarah kasi yung tipo ng performer na inilalagay at ibinubuhos ang puso sa bawat pagkanta at pagperform. Lahat ng performance niya ay galing sa puso. Hindi niya na kailangan lagyan pa ng kung anong arte yung boses niya, kasi mararamdaman mo agad yung emosyon niya kapag narinig mo na siya kumanta.

Siya rin kasi yung taong marunong makinig at willing matuto mula sa iba. Hindi rin niya inilalagay sa ulo niya na sikat na siya, na siya ang SARAH GERONIMO na iniidolo ng marami. Para sa kanya, isa lang siyang ordinaryong tao na nabigyan ng pambihirang pagkakataon para ibahagi ang kanyang talento.

Hindi ko maiisa-isa kung ano ba talaga ang meron siya. Basta ang alam ko, espesyal siya sa akin at sana ganun din ako sa kanya.

Basta iba siya. Iba siya. Iba talaga siya.

----

Nagbreak ng saglit mula sa rehearsals sina Sarah. Lalabas muna sana ng studio ang dalaga nang harangin siya ni John Lloyd.

"Oh, saan ang punta mo?"

"Uhmmm, lalabas?"

"Samahan na kita." Pagprisenta ni John Lloyd

"Huh? Dyan lang naman ako sa may labas. Masyado kasing malamig dito sa loob."

Tumango ang binata, "Kaya nga, sasamahan kita sa may labas."

Napangiti na lang si Sarah, "Ok, mapilit ka eh."

Paglabas nila ng studio ay umupo sila sa may bench na malapit. Hindi pa man sila nakakatagal sa pag-upo ay may ilang mga bata na lumapit sa kanila. Tila nagtutulakan pa sila kung sino ang unang babati kay Sarah dahil sa sobrang hiya.

"Hello po Ms. Sarah." Nahihiyang bati ng isa

"Hello baby girl. Hello mga bata." Bati naman ni Sarah

"Ms. Sarah..."

"Ate Sarah na lang baby girl."

"Uhmmm, ate Sarah pwede po ba kaming magpapicture sa iyo?" Nahihiyang tanong nito

Ngumiti si Sarah sabay tango, "Yeah sure. Halika kayo."

Kinuha niya ang camera ng bata at inabot kay John Lloyd, "Idan, ok lang?"

Ngumiti ang binata at pinagbigyan ang hiling ng mga bata. Pagkatapos magpapicture ay nagpa-autograph pa ang bawat isa.

"What's your name baby girl? Saka ano nga pala ginagawa niyo dito?" Tanong ni Sarah sa kanila habang pumipirma

"Ashley po. May band practice po kasi yung mga parents namin para sa isang church activity. Eh medyo nabobore na po kami sa loob." Sagot nito

"Saka narinig din po namin na nandito daw po kayo kaya lumabas kami para po makita kayo. Idol po kasi namin kayo." Dagdag ng isa

"Awww. Salamat ah." Nakangiting sabi ni Sarah

"Ate Sarah, manonood po kami ng family ko ng concert niyo." Singit ng isa

Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon