Chapter 4

269 4 6
                                    

*Hello readers! Merry Christmas and Happy New Year! Sorry pooooo... kung natagalan ako sa pag-update. Nagkaroon kasi ako ng revision sa story. Supposedly nasa Chapter 7 na yung nagagawa ko, kaso naisip ko na mas magiging exciting yung kwento kung magkakaroon ng konting twist sa lovelife nila. So sana ma-enjoy niyo yung naisip kong bagong takbo ng story. Enjoy reading guys! Salamat din po sa support niyo sa fan fic na to. :) *

CHAPTER 4

"Sorry ate kung biglaan, kanina lang din ako sinabihan ni Boss Vic. Pasensya na ate kung muntik ko nang masira yung bonding mo kasama pamilya mo." Nahihiyang sabi ni Sarah

Inakbayan siya ni Juday, "Ano ka ba Sars? Ok lang yun, saka mukhang mas nag-eenjoy nga ang mga bata ngayon eh. Bakit ba kasi ngayon lang natin naisip na isama sila dito sa studio? Oh tingnan mo ang prinsesa ko..." Sabay turo kay Yohan, "Tuwang tuwa oh. Mamaya sa bahay magtatalon yan sa tuwa at kilig kasi nakita niya na sa personal yung mga crush niyang artista."

"Buti nga na-eenjoy niya. Pero sorry talaga ate kung hindi natuloy yung balak niyong mini out-of-town ni kuya Ry." Pagpapaumanhin ulit ni Sarah

Binatukan ni Juday si Sarah, "Ang kulit mo din eh! Ok nga lang Sars, may next time pa naman eh."

"Aray ah!" Reaksiyon ni Sarah sa ginawa ni Juday

"Ang kulit mo kasi eh!" Sabay tawanan ang magkapatid

----

"Good job Sars! Ang bilis mo talaga makakuha ng steps."

Napayuko naman sa hiya si Sarah sabay ngiti, "Salamat po sa complement Teacher Georcelle."

"A bit more practice so as to improve your rhythm and moves, but nonetheless you are great dancer. Ikaw na talaga ang sing-and-dance queen ng ASAP, or should I say ng Pinas." Nakangiting sabi ni Teacher G

Lalo namang nahiya si Sarah sa narinig, "Naku jusko po, marami pa po akong kailangan matutunan at marami pa po akong kakaining bigas para lang po maabot yung sinasabi niyo. Wala pa po kasi ako sa kalingkingan ng iba pang magagaling na artists. Pero salamat po Teacher G sa pag-appreciate ng talent ko. Salamat po talaga sa pagtityaga niyo sa akin."

Naputol lang ang pag-uusap ng dalawa ng lapitan sila ng iba pang ASAP artists.

"Ikaw na talaga Sars! Sing and dance mala-Beyonce! Ikaw na talaga!" Manghang-mangha na sabi ni Nikki sabay beso kay Sarah

"You really are my favorite popstar! Ang galing galing mo talaga!" Dagdag ni Anne

"Hala, lalo tuloy akong na-pressure dahil sa inyo." Kinakabahang sabi ni Sarah

"Wag kang ma-pressure, magaling ka naman talaga eh. At alam kong mas gagaling ka pa kapag actual performance na." Sabi ni Rayver

"Ayiiiieee! Pinapalakas niya loob ni Sarah! Knight in shining armor lang ang peg Rayver?" Pang-aasar ni Iya

"Naku, tigilan niyo nga yang si Rayver. Saka may iba na yang nililigawan, di'ba?" Sabay tingin sa binata

Napahawak sa batok si Rayver, "Actually, wala nga eh. May hinihintay kasi akong babae eh. Kapag ready na siya, saka ko siya liligawan." Sagot ng binata

"Ayun naman pala eh! Ikaw lang pala ang hinihintay Sars!" Hirit ni Maja

"Payagan mo na kasi Sars. Wala namang nagbabawal sa'yo na magkaroon ka ng boyfriend di'ba? Unless..." Singit ni Yeng

"Ano ba kayo? Nakakahiya kay Ray, sa harap niya pa talaga natin yan pag-uusapan? Saka wag kang magpadala sa panunukso ng mga yan Rayver, pinagtitripan lang tayo ng mga yan." Seryosong sabi ni Sarah

Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon