Chapter 5

250 5 4
                                    

CHAPTER 5

"Ako ba ang gagawa ng paraan para magkita o magkausap man lang kami?"

"Malay ko. Pero kung gustong gusto mo na siyang kausapin, then make the first move."

Napakagat na lang sa labi si Sarah, "Siya tong may atraso, dapat siya ang maunang lumapit."

"Eh di antayin mong siya ang gumawa ng first move, pero yun lang hindi natin alam kung kailan niya balak gawin yun." Sabi ni Juday. Tanging buntong hininga lang ang sinagot sa kanya ng kapatid

----

Kahit na may bumabagabag sa kanyang isip ay todo perform pa rin si Sarah sa opening. Hindi naman lingid sa alam ng lahat na si Sarah talaga ang inaabangan ng mga tao tuwing linggo. Ang mga performance niya kasi ang tumatatak sa mga tao.

Pagkatapos ng opening ay may spiel si Sarah. Kasama niya sa spiel sina Anne, Iya, Rayver, Matteo at John Lloyd. Kabado si Sarah ng malaman niyang makakasama niya sa spiel si John Lloyd pero inisip niya na lang na magpaka-professional para hindi maapektuhan ang kanyang trabaho.

Pag-akyat pa lang ni Sarah sa stage ay todo hiyawan na ang mga tao. Nginitian at kinawayan muna sila ng dalaga, "Good afternoon po. Nagustuhan niyo po ba yung opening?" Tanong nito sa studio audience

"Yes!" Na may kasamang hiyawan ang sagot ng audience

"Salamat po! Talagang pinaghirapan po namin iyon para sa inyo." Nakangiting sabi ni Sarah

Muling naghiyawan ang tao ng sabay na umakyat sa stage sina Anne, Iya at John Lloyd. Nagbeso muna kay Sarah ang dalawang babae, "Sarah, meet John Lloyd. John Lloyd, si Sarah."

Nagkatitigan muna ang dalawa bago nagsalita si John Lloyd, "Uhmmm, actually we already know each other. We are, uhmmm, schoolmates from elementary to high school."

"Really? Wow! Akalain mo nga naman. Such a small world." Reaksyon ni Anne

Nagkakailangan man pero nagbeso rin sina Sarah at John Lloyd, "Kamusta?" Tanong ni Sarah

"I'm good. Ikaw?"

"Ok din lang ako." Maiksing sagot ni Sarah

"Sarah..." Bulong ni John Lloyd

Sasamantalahin na sana ni John Lloyd ang pagkakataon para makausap ang dalaga nang biglang maghiyawan ulit ang audience. Umakyat na pala sa stage ang mga nalilink kay Sarah.

"Oh, dapat katabi ng manok ko si Sarah." Hirit ni Iya habang itinatabi kay Sarah si Rayver. Naghiyawan naman sa kilig ang mga tao

Hindi naman nagpaawat si Anne, "Hindi pwedeng manok mo lang, dapat manok ko din katabi ni Sarah." At muling naghiyawan ang audience

Bigla namang nagsalita si Sarah, "Hala? Ano to? Sabong? May pa-manok-manok pa kayong nalalaman!" Natatawang hirit ni Sarah na ikinatawa rin ng lahat

"Sarah, nakuha mo ba yung bulaklak?" Bulong ni Rayver sa dalaga

Tumango si Sarah

"Sorry kung hindi ako ang personal na nagbigay, naipit kasi ako sa dressing room eh." Paliwanag ni Rayver

Nginitian lang siya ni Sarah, "Ano ka ba? Ok lang yun noh. Saka dapat nga hindi mo na ako binibigyan ng bulaklak kasi wala namang okasyon saka hindi mo na dapat gawin yun kasi nga ano..."

"I know, pero alam ko namang hindi ka pa ready. Naghihintay lang naman ako eh." Seryosong sabi ng binata

"Pero Ray..."

"I know na maliit yung chance na ako yung sagutin mo sa dami naming gustong manligaw sa'yo, pero please give ma a chance to prove myself to you. Maiparamdam ko lang sa'yo kung gaano kita kamahal, ok na sa akin." Tila pagmamakaawa ni Rayver

Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon