Chapter 8

259 6 5
                                    

(Pasensya po kung natagalan sa pag-update. Medyo busy po sa school works dahil isa pa lang po akong hamak na estudyante. :))) Pagpasensyahan niyo na rin po kung medyo waley tong update na to. Pero sana suportahan niyo pa rin po itong fan fic na to. :) Salamat po.)

CHAPTER 8

Pinayagan ni Boss Vic si Sarah sa maiksing bakasyon na hiniling nito kapag natapos na ang first solo major concert nito. Reward niya na daw ito sa dalaga sa pagiging masipag nito sa nakaraang taon. Pagkatapos ng maiksing meeting kay Boss Vic ay dumiretso na sa band rehearsals niya ang dalaga.

Walang imikan sa loob ng saksakyan sina Sarah at John Lloyd habang nasa byahe.

Inabot pa sila ng malas ng maipit sila sa traffic.

Ilang beses na tiningnan ni Sarah ang kanyang relos, "Sana umusad na to. Kailangan makapag-rehears ng maaga dahil marami pa akong kailangan aralin na sayaw mamaya." Bulong ni Sarah

"Uhhmm Sars, sorry." Biglang sabi ni John Lloyd

"Sorry? Para saan?" Tanong ng dalaga na halatang iniiwasan ang tingin ng binata

"Sa hindi pagsabi sa'yo kung sino na ba talaga ako ngayon. Sa hindi pagsabi sa'yo ng lahat."

"Ok lang yun. Wala naman akong magagawa kung ayaw mong sabihin yun sa akin. Alam kong may mga personal kang desisyon at labas na ako doon."

"Balak ko naman talagang sabihin sa'yo kaso..."

"Kaso?"

"Kaso naghahanap lang ako ng tamang timing. Saka natakot kasi akong baka lalo ka lang magalit." Nakayukong sabi ng binata

Napalingon naman si Sarah sa binata, "Magalit? Paano ako magagalit sa taong nagbago ng buhay ko? Kung alam ko lang nung simula na ikaw pala nasa likod ng lahat ng ito, baka matagal na talaga kitang napatawad. Dapat nga magpasalamat ako sa'yo ng sobra sobra dahil ikaw yung naging daan para sa katuparan ng mga pangarap ko, para mabago yung buhay ko."

Lumiwanag ang mukha ng binata, "So am I forgiven already?"

"Wala ka namang nagawang mali eh." Nakangiting sagot ni Sarah na nagpangiti din sa binata

"Sars, bakit ang bait mo pa rin sa akin sa kabila nung mga ginawa ko sa'yo?" Seryosong tanong ng John Lloyd

"Kasi mahal kita. Mahal kita bilang kaibigan. At naniniwala ako na kahit anong gawing mali ng isang kaibigan, magagawa mo pa rin siyang mapatawad kasi mahal mo siya at naging mahalagang parte siya ng buhay mo. Ganun kasimple." Nakangiting tugon ng dalaga

"Kaibigan... lang?"

Tumango si Sarah, "Oo, mahal kita bilang kaibigan. Ayaw mo ba nun?"

Hindi man iyon ang inaasahan niyang sagot ay ngumiti na lang ang binata kay Sarah. Hinawakan ni John Lloyd ang kamay ng dalaga sabay tingin sa mga mata nito, "Salamat sa lahat. Sa pag-unawa, sa pagpapatawad at sa pagkakataong maging kaibigan mo ulit. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na hanggang ngayon, pagkalipas ng maraming taon, parte ka pa rin ng buhay ko at maswerte akong parte pa rin ako, kahit papaano, ng buhay mo."

----

"Hindi na. Dito na lang ako sa labas ng studio maghihintay. Ayaw ko namang maging uncomfortable ka habang nagrerehears ng mga kanta mo."

"Sige na Idan. Manood ka na, para masanay na rin ako na may 'boss' na nanonood sa akin." Hirit ni Sarah

"Boss ka dyan?"

"Boss ka naman talaga eh. Pamangkin ka ni Boss Vic eh."

"Adik!"

"Basta manood ka na lang dyan ah. Wag kang aalis."

Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)Where stories live. Discover now