Prologue

31 3 0
                                    

Hindi mapigilan ni Laila, ang ina ni Harriet ang pag-iyak or more like ang paghagulgol sa asawa nito, hindi dahil sa sobrang pagluluksa sa pagkamatay nito kundi sa sobrang inis na iniwan sila na baon sa utang dahil sa pagiging sugalero nito. Naiiling na pinagmamasdan ni Harriet ang ina na namamaga ang mata na akala mo'y kinagat ng pukyutan. "Pwede ng pang PAMA's." bulong ng dalaga sa sarili.

"Hayop ka Ernesto! Kung magpamana ka nalang, ba't kailangang utang pa? Letse kang matanda ka! Nagsisisi akong pinatulan kitang gago ka! " pagmumura ng ina nito habang pinagsasampal ang litrato ng namatay na asawa, kakamatay lang kasi nito dahil sa sakit sa atay at baga, mahilig uminom at manigarilyo e. At kakalibing lang nito kanina, hindi naman pwedeng mag-eskandalo si Laila habang inililibing ang asawa kaya pasimpleng hampas lang sya sa kabaong nito kanina para kunwari ay di nya matanggap na iniwan na sila. Kaya ngayon, lahat ng galit nito ay ibinuhos nya sa loob ng kanilang marupok na bahay.

"Hay nako nay, sabi ko na sa'yo, walang kwenta ang hukluban na iyon. Puro perwisyo lang ang dala, palibhasa anak ng kamalasan ang matandang kulugod na iyon. " wika pa nito na maslalong ikinaiyak ng ina.

Dahil sa pagkawala nito, sila ngayon ang naiwan upang bayaran ang naiwang mana ng matanda--ang utang nila sa grupo ng sindikato na pinangakuan ng kaniyang ama-amahan na babayaran, e ngayon, saan ang pangako? Ayon at nakalibing at inaamag ng uod sa lupa. Saan naman sila hahanap ng tatlong milyong piso? e ni isang kusing ay wala sila, mas mahirap pa sila sa asong gala ngayon. Nadamay pa ang inipon ni Harriet sa coffee shop na pinagtatrabahuhan dahil sa pag-papalibing. Hindi naman sana sila maghihirap, kaso umabot sa punto na nagkakamalas-malas ang ama-mahan nya sa pagsusugal kaya nabaon sila sa utang.

"Sana inilibing nalang natin sya sa likod ng bulok nyang bahay, may pera pa sana tayo upang bumalik sa probinsya. Atleast doon maraming pagkain sa paligid, kaysa dito, ni talbos ng kalabasa ipinagkakait." wika ni Harriet habang sinusuklayan ang kanyang buhok na sobrang tigas dahil wala syang pambili ng conditioner.

"Hayan mo na anak, atleast kahit gaano pa natin sya murahin ay tahimik na syang nakabaon sa ikinailaliman ng lupa kung saan sya nababagay. " nanggagalaiting wika ni Laila. Napangiting naiiling si Hazel, ang 14 years old half-sister ni Harriet. Mukhang wala lang naman sa bata ang nangyari sa ama, dahil puro hinanakit lang ang dala ng ama sakanya.

"Hays badtrip talaga, paano ba iyan inay. Aalis muna ako, may trabaho pa ako e, half day lang ang paalam ko, ganoon din si Hazel. Saka ihahatid ko pa siya sa paaralan . " pagpapaalam nito sa ina at humalik sa pisngi,

"Osya, at ako rin ay maglalako na ng gulay para naman magkapera tayo kahit papaano. " wika ng ina at nagpunas ng luha at sipon, she crumpled the picture and threw it on the trashcan.

"Sige nay, basta wag ka masyadong magpapagod. Matanda ka na rin, ayaw ko pang sumunod ka sa hinayupak na iyon. " nakangiwing wika ni Harriet at isinukbit ang kanyang fake Jansport bag pack na halos magutay na.

"Ako rin anak, ayaw ko pang makasalubong ang walanghiyang iyon sa impyerno. " wika nito.

"Nanay talaga, sige, aalis na po kami." wika ni Hazel at humalik rin sa pisngi ng ina. "Bye mga anak, mag-iingat kayo. " wika ng ina at nagkanya-kanya na silang alisan ng bahay.

Habang naglalakad ang magkapatid ay biglang nagtanong si Hazel, "Ate, paano na yan? Malaki ang utang natin, saan tayo kukuha ng pambayad? " malungkot na tanong nito. Tumigil sa paglalakad si Harriet at hinarap ang kapatid, hinawakan nya ito sa magkabilang balikat.

"Hahanap ng paraan si ate, tiwala lang at makakaraos rin tayo. Pulubi na nga mas mamumulubi pa ba tayo? Kaya ikaw, mag-aral ka ng mabuti para hindi mo maranasan ang kahirapan sa pagdating ng panahon. " wika ni Harriet sa kapatid na ikinatango nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Venture: Hunk In Tie Series VIWhere stories live. Discover now