Chapter 16: Tagaytay

0 0 0
                                    


Jake

Badtrip na badtrip ako ngayon habang nakatingin sa mga classmate kong to.

Ang sarap nilang pagsusuntukin isa-isa para naman tumahimik sila sa kaingayan nila.

Puro nalang usap. Usap dito usap dun.

Mabuti sana kung maganda yung pinag-uusapan nila eh

Kaso hindi!

Pano ba naman kasi ganito yun

*flashback*

"Good morning"

Nagising ako sa ingay nang mga classmate ko dahil sa pagbati nila sa prof namin

Natutulog kasi ako. Kasi nga wala lang. Tinatamad lang ako. Wala naman akong makakausap dito

Wala naman akong katabi sa likod tanging 'siya' lang

Kaso wala siya ngayon dito eh

Kasama siguro si bitch

Yah bitch. I don't use beautiful names to those who scurrilous me

"Ok let's proceed to our topic. We will have a chirtmas party"

Lahat naman natuwa. Tss. Parang mga bata. Hindi na uso yung christmas party noh.

"Listen!" Tumahimik naman ang lahat

"Ok. This is the twist. The christmas party will be held on saturday at tagaytay. Magtatagal ng tatlong araw at eto pa. Sa pangatlong araw at huli magkakaroon naman ng christmas ball"

Tss. Yun lang pala eh.

Akala ko naman kung ano

Ayokong sumal---

"Listen guys. This will serve as your final exam. Kaya kung ako sa inyo sasali na ko para hindi na ko. Dahil sinasabi ko sa inyo mas mahirap dito yung ipapagagawa ko sa inyo and for sure hindi niyo magugustuhan
So kung sino man ang sasali. Magpalista na dito"

I think i don't have a choice. Ayokong mahirapan sa finals.

*end of flashback*

Agad naman nagsipuntahan sa harap yung mga classmates ko para magpalista kay president

Nung wala na masyadong tao tsaka lang ako tumayo

Pero bago ko pa masabi yung pangalan ko. May nauna nang nagsabi nito

"Jake"

Napatingin naman ako sa pintuan

"What's happening??"

Napalit naman yung tingin ko sa babaeng kasama niya

Lumapit naman yung babae sa pres namin kaya ngayon magkatabi na kami

"We're going to have a christmas party in tagaytay for three days"

"Really?" Sabi niya habang masayang masaya.

Tss. Isip bata.

"Yup. Then when the last day came, we are going to have a christmas ball. So you better write your name here and get your partner as soon as possible para hindi kayo maagawan"

Napatingin naman ako kay pres.

Kahit wala siyang ibig sabihin sa huli niyang sinabi. Natamaan ako

Inaamin ko, natamaan talaga ako

Napatingin naman sakin yung babae pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na naglista ng pangalan ko. Inagaw niya lang sakin bigla yung ballpen pero wala akong pakialam. Ang mahalaga mailista ko yung pangalan ko

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon