Chapter 2: Partners

5 0 1
                                    

Alex

Ewan ko ba kung bakit ako ngiting ngiting pumasok dito sa school. Para lang akong tanga. Baka asarin pa ko ng mga kumag na yun eh.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyare kagabi. Ahhaha.

Natutuwa talaga akong pagtripan yung babaeng yun eh. Masyado kasi siyang seryoso sa buhay

At nakakatuwa siya pag nagagalit.

Nakakagulat lang kasi parang hindi siya natatamaan ng Charm ko.

Pansin ko kasing iba siya sa mga babaeng nasa paligid ko. Ni hindi nga niya ako tinitingan sa mata eh ni kinakausap.

Ang totoo niyan. Ayoko talaga sa mga babaeng papansin.

Seriously? Hindi nila kailangan gumawa ng kung ano ano para mapansin sila ng isang lalaki. Ibinababa lang nila yung sarili nila.

"Oh bat ganyan mukha mo? Ayus nga! Mukha ka ng gagong ngiting ngiti jan!"

-_-

"Fuck you!" Nilagpasan ko lang at umupo sa bakanteng upuan na nasa gilid ng TV.

Honestly ayaw ko talagang pumasok.

Gusto kong matulog nalang ng maghapon sa bahay kaysa nasa school na to. Kaso may pumipigil sakin para umabsent at hindi ko alam yun. Nakakagago lang

Hindi ko pala nasabi sa inyo kami yung may ari ng school nato. Not totally na kami dahil sa magulang namin na business partners din.

Pero bago ang lahat. Nakalimutan kong magpakilala, i'm Alexandrei Kurt Gomez at tawag nilang lahat sakin ay Alex. Simple as that. Wala nang pwedeng idagdag. At ayun nga someday isa na ko sa mamahala ng mga businesses namin. Kahit ayoko man wala naman akong magagawa. Rules namin yun. Mas maganda sana kung ako mismo kakayod para sa sarili ko. Hay.

Aaminin ko na malaki talaga tong school na to. Halos lahat ng matataas o nakakaangat sa buhay ay pwede mo ditong makita.

"Bro? Nakita ko yung babaeng patay na patay sayo na nakahiga sa lupa kagabi ah. Nung dumaan ako sa may bandang likod nitong school"

Eh? Bakit naman hihiga yun dun eh ang arte arte nun. Sa sobrang arte nakakainis na

"Kasama niya yung tropa niya" pahabol pa niya

"Huh? Bakit?" Tanong ko

"Mukhang nakipag away nanaman eh. At kung sino man yung nakaaway niya. Bilib ako dun. Putcha! Tulog na tulog eh. "

Nakipag-away? Sino naman kaya yun?

Hindi ko rin pala nasabi sa inyo na hindi alam ng lahat na kami yung may-ari ng school. I mean anak ng may ari nito. Pero someday kami na rin magmamanage.

At wala din naman kasi kaming balak ipaalam sa kanila kung sino talaga kami yung mga nakakataas lang dito ang mga nakakaalam dun like professors and etc.

Ayaw namin ng masyadong attention. It sucks.

Nakakainis na din minsan.

Napatingin naman ako nung biglang sumigaw si Storm habang dumudungaw sa bintana

Hindi pa pala napapakilala yung mga kaibigan ko.

Storm Daniel Cruz

Siya yung tipo ng makulit. As in. Gagawin niya lahat ng gusto niya na parang ako lang ang pagkakaiba nga lang mabait siya ako hindi, madaldal siya sobra

Mahilig yan sobra sa Adventure. Kahit ano sinusubukan na parang walang kapaguran sa buhay

Reddick Garcia

StayWhere stories live. Discover now