Chapter 4: Jalex

0 0 0
                                    

Jake

"Ano ba?! Kanina ka pa ha! mAkakatikim ka na talaga sakin eh!" Angal ko sa lalaking katabi ko.

Punyeta kasi! Kanina pa kasi to eh! Kaninang pagkapasok ko pa.

Eh pano kasi lumipas ang week na isa lang talaga ang practice namin. Ni wala nga kaming plano. Ngayon bahala na kung anong maisipan. Ngayon yung time na ipeperform yung task na binigay samin nung nakaraan. At ako? Nagdala ako ng sarili kong gitara hindi na ko nagsabi sa kanya. Bahala siya jan. Pero eto siya, may dala ring gitara. Parehas pa kami ng kulay. Black

At eto nga. Simula nung pumasok ako kanina pa to nanghahawak ng kamay at nangungulit.

"Jake? kInakabahan talaga ako. Tingnan mo oh kanina pa nanginginig yung kamay ko" hinawakan niya naman yung kamay ko. Ulit. Ugh! If i know nananantsing lang yan. Siya? Kakabahan? Asa. Tsaka diba sabi niya pinapatingin niya lang yung kamay niya hindi sinabing hawakan, wala namang mata yung kamay eh. Bobo talaga! Nasan ba utak nito?!

"Tumigil ka nga jan! Makakatikim ka talaga sakin! Hahampas ko to sayo tingnan mo lang!"

Kanina pa kasi kami pinagtitinginan ng mga estudyante dito eh. Papansin lang ata to eh tapos sinabi pa niya na kinakabahan daw siya? Tss.

And i'm perfectly sure na paglabas na paglabas ko palang dito or maybe hindi pa ko nakakalabas dito eh may masabi na tong mga haliparot na to sakin eh. Or worst hagisan nila ako ng itlog or kamatis sa harap habang kumakanta dahil sa "panlalandi" sa prince charming nila. -_-

"Hindi na nga eh. Inaasar ka lang eh! Masyado ka kasing seryoso masyado jan. Tss. Kaya ka pumapangit eh" bulong niya sa huli pero tama lang para marinig ko.

"Ano?! Ikaw!" Piningot ko nga yung tenga niya habang siya sakit na sakit sa ginagawa ko.

Napahinto lang kami nung may magsalita sa harap

"Ehem" napaayos tuloy ako ng upo. Inisnaban ko lang tong katabi ko. I hate this guy! Gago na papansin pa!

"So ladies and gentlemen. So, here we are witnessing the performance of this section. Showing their talents to us. So now may i present to you our first performers, the Infinite two!!!. Please give them around of applause!!!"

Nagpalakpakan naman yung mga tao. Na nagbigay sakin ng kaba. Hay i hate this! Ayoko talaga ng ganito. Aish. ayoko nang kumakanta sa harapan lalo na sa maraming tao. I used to do that but not this time.

Hindi ko pala nasabi sa inyo na pang-lima kami sa magpeperform. Pano ba naman kasi pabida talaga tong lalaking to eh. Sinabi kanina, huwag bubunot ng number hangga't wala yung partner sa side mo pero itong isang to bobo talaga hindi nakakaintindi bumunot pa rin. Ewan ko kung saan gawa utak nito. -_- actually first dapat talaga kami at kung tatanungin niyo ko mas gusto ko yun para matapos na to lahat. Pero ito siya kanina nangharot pa talaga para lang mapagpalit yung number namin sa kanila. I don't get him.

Nagsimula na yung pagkanta nilang dalawa. Maganda naman. Parehas silang babae at parehas din ng damit. Edi sila na. Tss. honestly i don't know them, all i know is they're my classmates.

♩♪♬ "i'm scared to death now that i'm losing you. I'm scared to death knowin' i can't get through. I'm scared to death leaving this so lonely life without you, oh baby i'm scared to death"♪♪♪

That song. Was my favorite song back then.

oh holy crap!

"Oh san ka pupunta? Dito ka lang, di pa nga tapos yung kanta nila eh. Ganda kaya. That's one of my favorite song" hay. Ang kulit talaga ng lalaking to. Ang dami rin naming similarities pagdating sa mga kanta. Sabagay mukha naman kasi talaga siyang singer kasi ang ganda ng boses niya. I wonder kung nagvoice lesson ba siya dati or sumasali sa mga contest.

StayWhere stories live. Discover now