Prologue

9 2 0
                                    


Naranasan niyo na bang masaktan?

Naranasan niyo na bang maiwan ng taong pinakamamahal niyo???

Pwes kung naranasan niyo na yang mga yan

Tama kayo ng kwentong babasahin.

Hindi ko alam kung bakit may mga taong mangangako tapos hindi naman talaga nila alam kung kaya nilang tuparin dahil in the first place hindi nila hawak ang panahon at ang future.

Hindi naman talaga nila alam kung anong mangyayare sa mga susunod pang araw.

Kaya yung mga nangangako diyan lalong lalo na yung mga nagsasabi na hindi kita iiwan.

Tss. Kung ako sayo ititikom ko nalang yang bibig ko.

Dahil sabi nga promises are meant to be broken

Hindi ako bitter o kung ano mang tawag niyo dun

Sadyang may bagay lang na totoo at ayaw lang ipasok ng mga tao sa utak nila dahil the truth hurts nga naman talaga.

Lahat may hangganan

Lahat may katapusan

Lahat nagbabago dahil walang permanente sa mundo

Lahat pwedeng mawala

At lahat pwedeng mang iwan.

Stay. Salitang madaling hilingin pero mahirap gawin.

Lalo na't kung hindi naman ikaw ang mahal

☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆

Ako nga pala si jake kyla monteverde at usually ang tawag nila sakin Jake.

Hindi ako friendly, madaldal, maikli rin ang pasensya ko at hindi rin ako mabait.

Sa una palang halata mo na sa pagmumukha ko. Dahil lagi akong naka poker face at nakasalubong lagi ang kilay.

Likas na sakin na katakutan ng mga studyante. Ni hindi nga nila ako kayang kausapin dahil unang una ayoko sa kanila

Lalo na yung mga babaeng madaming kolorete sa mukha yung mga babaeng todo kung mag make up na akala mo naman araw araw silang nasa beauty contest.

Ayoko na magsasasama sa mga babaeng mahaharot at madadaldal dahil maiirita lang ako baka masigawan ko lang sila O di kaya mapahiya sa ibang tao

Ayoko rin makipag usap sa mga taong hindi naman alam ang mga sinasabi o mga nonsense na bagay.

Nakakasayang sa oras

Ayoko rin sa mga lalaki. Dahil sa panahon ngayon lahat na yata ng lalaki ay papansin

At mga babae na easy to get na akala mo makasagot sa lalaki kilalang kilala na nila ito.

Akala mo facebook na inaadd kalang kilala mo na agad.

Mga lalaking makakita lang ng maganda e liligawan na nila

Sa makatuwid

Nag-iisa lang ako

Wala akong kaibigan

Loner kung baga

Bakit????

Ayoko magkaroon ng mga tao sa buhay ko dahil alam kung iiwan lang din nila ako.

Ayoko maranasan ang masaktan

Ayoko paasahin ng mga taong mamahalin ko at magiging parte ng buhay ko

Ayoko na ulit masaktan

Ayoko na ulit maiwanan

Dahil kung tatanungin niyo ko

Sobrang sakit

Kaya kung naranasan niyo na yan.

Halikayo welcome na welcome kayo sa story kung to.

StayWhere stories live. Discover now