#9

608 15 2
                                    

Ang weird talaga ni Justin. Nasabi ni Kristal sa kanyang sarili.Minsan mabait, minsan naman parang halimaw.Sakay na sila ni Justin sa kotse Papuntang Enchanted Kingdom.

"Kristal, anong gusto mong kainin?" tanong ni Justin sa asawa." Gusto mo ba ng pizza?"

"Ah, Oo gusto ko nun!" Masayang sabi ni Kristal.

"Eh, kung kumain muna kaya tayo sa isang chinese Restaurant?"Ani Justin.

"Sige, masarap din ang noodles dun!" nakangiting sang-ayon ni Kristal sa asawa.

"Eh, kung Max fried chicken na lang kaya?"

"Ay tama ka masarap din dun!" tumago-tango pa si Kristal habang nakatitig sa asawa.

"Ano ka ba Kristal? Wala ka bang hindi nagugustuhan? Lahat na lang gusto mo!"

"Eh hindi naman ako mapili sa pagkain eh! Kasalanan ko ba kung gusto ko lahat ng sinasabi mo?" Sagot ni Kristal sa asawa.

"Ang takaw-takaw mo hindi ka naman tumataba!" Nakangusong tumingin si Justin sa asawa, tapos binalik na uli ang atensyon sa daan.

"Teka! malapit na ba tayo?" Tanong ni Kristal.

"Malapit na!" Sagot ni Justin.

Nakarating na sila sa Enchanted Kingdom.Naghahanap na si Justin ng mapapag parking ngan ng biglang tumunog ang celphone niya.Kinuha ni Justin ang earphone at nilagay sa tenga.

"Hello, O Vannessa ikaw pala!" Sagot ni Justin sa tumawag. Matamang nakikinig lang si Kristal kay Justin.

"Justin gusto ko ng mamatay!" Umiiyak si Vannesa sa kabilang linya.

"Wag mo ngang sabihin yan!" Saway ni Justin sa kausap.

"Puntahan mo ako ngayon, Kaylangan kita Justin" Ini off na ni Vannessa ang phone.

"Vannessa sandali!" Napasigaw si Justin, Kaya nagulat si Kristal. Nag dial si Justin sa phone niya ng number ni Vannessa ngunit hindi na niya macontact ang ex girlfriend niya.Kaya naihampas na lang niya ang mga kamay sa manobela.

"Justin may problema ba?" tanong ni Kristal sa asawa.

"Bumaba ka na, Pumasok ka na sa loob ng theme park. Mauna ka na, may pupuntahan lang ako.Babalikan na lang kita mamaya." Utos ni Justin sa asawa.

"Ha? Justin wag mo kong iwan dito!" Reklamo ni Kristal.

"Sige na mauna ka na sa loob, Promise babalik ako agad!" Pinaandar na ni Justin ang kotse.

Walang nagawa si Kristal kundi sundan na lang ng tingin ang papalayong kotse ng asawa.

"Pambihira talaga siya. Papano nya nagawang iwan ako dito?" Naaasar na bulong ni Kristal.

Nadatngan ni Justin na mag-isang umiinom sa mini bar sa loob ng Condo unit si Vannessa.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis!" Agad na sabi ni Vannessa kay Justin pagkakita dito.

"Ano bang problema?" Tanong nito sa Ex girlfriend.

"Wala lang! Gusto lang kitang makita." Nilagok ni Vannessa ang natitirang alak sa kanyang kopeta."Saka gusto din kitang maka-usap." dugtong pa niya.

"Tigilan mo na nga yan!" Inagaw ni Justin ang bote ng alak na hawak ng babae.Na noon ay balak sanang mag salin uli ng isa pang shot." Kape na lang ang inumin mo lasing ka na."

Hacienda Del FuegoWhere stories live. Discover now