#8

631 9 4
                                    

Naglilinis si Kristal ng bahay ng may nag doorbell sa gate.Lumabas siya para tingnan kung sino ang dumating.

"Ano pong kaylangan nila?" tanong ni Kristal sa lalaking nakatayo sa labas ng gate nila.

"Ako po si Pedring, Family driver ng mga Madrigal. Ma'am Kristal pinapasundo po kayo ni Madam yung Mommy ni Justin." Sabi ng lalaki na mukhang nasa edad kwarenta na.

"Mommy ni Justin?" Nagulat si Kristal sa narinig. Halos one month na rin kase silang magkasama ni Justin pero hindi man lang nabanggit sa kanya ng asawa na may Pamilya pa pala ito.

"Opo, nasa Batangas po sila at pinapasundo po niya kayo. Bilin po ni Madam na wag daw akong uuwi ng hindi kayo kasama." Sagot ng lalaki. Saglit na nag-isip si Kristal bago nagsalita.

"Sige, hintayin mo ako ha, magpapalit lang ako ng damit." Umakyat si Kristal sa kwarto niya at nagpalit ng damit.Noon ay wala si Justin sa bahay kaya hindi na nakapag paalam si Kristal sa asawa.

Matapos mag bihis ay bumaba na si Kristal at isinara ang mga bintana at pinto ng bahay. Sumakay siya ng kotse. Mga 30 minutes pagkaalis ni Kristal ay umuwi naman ng bahay si Justin hinanap niya si Kristal sa buong bahay ngunit hindi niya makita ang asawa. Kaya tinawagan niya ito sa phone.

"HELLO KRISTAL! NASAAN KA BA HA?" Pasigaw na tanong nito sa asawa.

"Bakit ka ba sumisigaw ha?" pabulong na sagot ni Kristal sa asawa, noon ay nasa loob pa rin siya ng kotse at bumebyahe papuntang Batangas.

"Bakit kase iniwan mo itong bahay, ang dumi-dumi.Alam mo naman na ayoko sa lahat yung maduming bahay." Paasik pa ring sagot ni Justin."Nasaan ka ba ha?"

"Papunta ako ng Batangas, Mamaya ko na lang lilinisin yan pagbalik ko." Sagot ni Kristal.

"Ha? Bakit anong gagawin mo dyan?" Kinakabahang tanong ni Justin.

"Pinasundo ako ng Mommy mo." Sagot ni Kristal.

"Ano?" Gulat na sagot ni Justin."Bakit daw?"

"Ewan ko!" Ani Kristal.

"Hintayin mo ako, pupuntahan kita dyan.Wag kang magkakamali ng sagot sa mga tanong nila ha." Agad na ibinaba ni Justin ang phone.Lumabas siya ng bahay at sumakay ng kotse.Pupuntahan niya si Kristal sa Batangas.

Pumasok  ang kotseng sinasakyan ni Kristal sa isang bukas na gate na kulay green.Tumambad sa kanyang paningin ang isang eleganteng bahay na moderno ang pagkakayari. May malawak itong garden na puno ng iba't ibang uri ng mga halaman. Humanga si Kristal sa ganda ng mga bulaklak.Meron ding isang katamtamang laki ng swimming pool.

Tumigil ang kotse ng tumapat ito sa harap ng malaking pintuan ng bahay.Naghihintay doon ang isng ginang na tingin ni Kristal ay nasa 45 years old. Bumaba ang driver at pinagbuksan si Kristal ng pintuan ng sasakyan.Agad namang bumaba si Kristal.

"Nandito na po siya Ma'am." Sabi ng driver kay Misis Madrigal.

"Salamat sa pagdating mo hija." Nakangiting bungad ng babae kay Kristal."Ako ang Mommy ni Justin." Pagpapakilala nito kay Kristal.

"Ako naman po si Kristal." Kinuha nito ang kanang kamay ng ginang at nilagay sa kanyang noo.Nag mano siya sa Babae tanda ng pag galang.

"Halika na, hinihintay ka na nila." Hinawakan ng ginang si Kristal sa kamay at inakay papunta sa loob ng bahay.

Nadatngan niya ang  ilang kabataan na nagkakatuwaan.Ipinakilala sa kanya ng mommy ni Justin ang  mga taong nasa loob ng bahay. Nalaman niya na mga pinsan ni Justin ang ilang kabataang naroon.Nakilala niya ang kambal na si Carla at Sandra at ang kapatid nilang si  Lance.Mukha namang  mababait silang lahat."Ang ganda mo naman ate, Kristal!" Sabi ng nakangiting si Sandra.

Hacienda Del FuegoWhere stories live. Discover now