#1

1.1K 17 2
                                    

Nasa loob ng kwarto niya si Kristal ng biglang sumigaw ang tita Martha niya.

"Kristal mag luto ka nagugutom kami!" kaya dali-daling bumaba ng hagdan si Kristal

"May binili akong karne lutuin mo ha." sabi nito kay Kristal at iniabot niya sa pamangkin ang plastick na may lamang karne ng baboy.

"Opo." sagot ni Kristal

"Bilisan mo mag luto ha! Gutom na kami." kinuha ni Kristal ang dalang plastick bag ng tyahin at tahimik na nag punta siya sa kusina.Wala na rin kase silang katulong kaya siya na ang gumagawa ng mga gawain sa mansion.

Matapos mag luto ay tinawag na niya ang kanyang tita Martha at pinsang si Lennita .Sumunod naman ang mag-ina sa kusina at nag-umpisa ng kumain." Pweh! ano ba naman ito? Pagkain ba ang tawag dito?" iniluwa ng tiya niya ang pagkain. "Eh pagkain ata ng aso itong niluto mo eh." reklamo pa ng tita Martha niya.

"Pasensya na po! hindi naman talaga ako sanay mag luto eh.Kase puro katulong namin ang gumagawa niyan dati." pangangatwiran ni Kristal.

"Aba at nangangatwiran ka pa ha!" akmang sasampalin ni Martha si Kristal pero lumaban ito.

"Sige subukan nyong saktan ako! dahil hindi ako mangingiming palayasin kayo dito.Pamamahay ko pa rin ito at may karapatan akong gawin yun." hinawakan ni Kristal ang kamay ng tyahin para hindi nito maituloy ang pananakit sa kanya.

"Ma, tama na nga yan! Sa labas na lang tayo kumain." Saway ni Lennita sa ina, at hinigit na niya ang kamay  nito at  lumabas na sila ng bahay.

"Kung hindi lang masamang pumatay ng tao, nilagyan ko na ng lason ang pag kain ng mag-inang yun," bulong ni Kristal sa sarili.

Bakit naman kase maaga siyang iniwan ng kanyang Papa at Mama.Himutok pa niya sa sarili at kinagat ang pang ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng kanyang luha.

Sakay naman ng kotse ang mag-ina para humanap ng restauran na makakainan. Ang kotseng sinasakyan nila ay pag-aari ng namatay na papa ni Kristal.

"Ma pwede ba wag mo ng masyadong inaaway si Kristal." mungkahi ni Lennita sa ina.Habang abala ito sa pagmamaneho ng sasakyan.

"Pano namang hindi ko gagawin yun, eh tatanga-tanga ang babaeng yun.Saka naiinis ako kapag nakikita siya,naalala ko kase ang swapang kong kapatid.Palibhasa paborito ng papa, kaya sa kanya ipinamana lahat ng ari-arian ng papa." reklamo pa ni Martha, at tila nag ngangalit ang ngipin pagkasabi noon.

"Eh, diba pinamanahan ka din naman ni Lolo, Kaya lang hindi mo iningatan, masyado ka kaseng naging sugapa sa  sugal." biglang itinigil ni Martha ang kotse at hinarap nito ang anak.

"Wag mo nga akong pangaralan ng ganyan ha! Anak lang kita at wala kang karapatang sermunan ako." nanggigigil na singhal nito sa anak.

"Wag kang magalit ma, tayo ang magkakampi dito, What I mean is, Kailangan mag bait-baitan tayo kay Kristal, habang pinaplano natin kung pano natin makukuha sa kanya yung kayamanang iniwan ng papa niya." Nag isip si Martha sa sinabi ni Lennita.

"Hmmmm!!   kahit papano pala, may utak ka rin ano? nakangiting sabi nito sa anak.

"Ikaw lang kase Ma, wala kang bilib sakin eh. Sige na mag drive ka na at ng makakain na tayo, kanina pa ako nagugutom eh."

Ibinaling na uli ni Martha ang pansin sa pag mamaneho.Hanggang makakita ng restaurant na pwede nilang kainan.Habang kumakain ay pinagplanuhan ng mag-ina kung pano nila makukuha ang kayamanan ni Kristal. Pag uwi ng nila ay nag  patake out pa sila ng  pagkain para kay Kristal.

Hacienda Del FuegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon