Pagkakakilala'y mahiwaga,Tila isang laro ng tadhana
Sa t'wing ika'y kasama, kakaibang ligaya ang nadarama
Sa bawat araw na lumilipas, ang nadarama'y di kumukupasBawat birong binibitawan,Tila nauuwi sa totohanan
At sa mga salitang matatamis, tibok ng puso ko'y bumibilis
Walang ibang bukambibig, kundi ang laman ng pusong umiibig.Ako'y hindi na nababahala, sana'y 'wag sayangin ang binigay kong tiwala.Hindi ko alam kung hanggang sa'n 'to, Ang alam ko ika'y mahal ko
Dahil sa araw araw na lumilipas,ang nadarama'y di kumukupasMinsa'y biglang nagagalit,hindi ko alam kung bakit. Tuloy ang salitang matatamis, tila napapalitan ng inis.Ang mga salita'y mapapait, dahilan kung bakit ang puso ko'y napupunit.
Luha saking mga mata'y di mapigilan, wala akong maintindihan. Kung wala nang kahihinatnan, bakit pa ako lumalaban? Kahit masakit sa nararamdaman, pipilitin kong may kahinatnan.
Dahil ang pagkakakilala'y mahiwaga, na isang laro ng tadhana. Walang may alam kung hanggang saan o hanggang kailan.
Pero sa bawat salitang matatamis ang puso ko'y bumibilis. Kaya't sa bawat araw na lumilipas ang nadarama'y di kumukupas.-A
BINABASA MO ANG
The Other Side
PoetryNo one can understand me unless they've learned to read me well.