Me: No, I think she's with other guy when I saw her.

Yules: Alright.

Me: Thanks!

Yules: No prob, gorgeous J

So tama nga hula ko. Iisang lalaki. Kasama ni Ana 'yong lalaking huling nakasama ni Marian. Agad kong chinat si Josh para naman alamin 'yong kotse. Sana coincidence lang ang lahat ng 'to dahil pagnagktaon, hindi ko alam ang gagawin ko. Murder 'to. Mabigat. Nakakatakot.

Me: Josh, u saw Marian in a red car with that stranger, right?

Josh: Yeah

Me: Did u remember what car is it?

Josh: Honda civic.

Me: Do u remember the plate number?

Josh: Not quite, but I remember the numbers.

Me: What's the number?

Josh: 438

Natulala ako sa cellphone ko. Sht.

"Ura, ano'ng sabi ng pinsan niya?" tanong ko kay Ura na nakatutok na rin sa cellphone niya.

"Wala pa raw sa bahay, e," sagot naman ni Ura.

"Tinawagan na ba nila?" tanong ko pa.

"Tumawag daw si Ana na makikitulog sa kaibigan niya."

"Sinong kaibigan?" tanong ko ulit.

"Wait, I'll text him again."

Nakatingin sa akin si Ginger na may pag-alala sa mukha niya. Pinause na rin niya 'yong pinapanood niyang movie. "What's wrong, Maru?"

Huminga ako ng malalim. "Minsan talaga ayokong ilabas pagka-detective ko kasi kung ano-ano na lang natutuklasan ko, e."

"Bakit? Ano'ng nalaman mo?" tanong sa akin ni Ura.

Muli akong tumingin sa messenger ko. Sa chat ko kila Yules at Josh. "I just confirmed na 'yong huling kasama ni Marian sa The Box ay 'yong lalaki rin na nakita kong kasama ni Ana."

Naka-ilang kurap pa si Ginger at tila hindi niya ma-sink-in sa utak niya ang mga sinabi ko. Hindi agad naka-imik si Ura sapagkat ibang usapan na 'to. Kahit ako, kinikilabutan sa mga nalalaman ko. Pero alam kong hindi lang ako sa kuwartong 'to ang nakakaisip na may kinalaman 'yong lalaking 'yon sa pagkamatay ni Marian.

"Wait, how did you know?" tanong sa akin ni Ginger at tila hindi pa makapaniwala sa new discovery ko.

"I told you, I saw her earlier. Sa parking lot ng school. Ang sweet pa nila no'ng guy, e. Kitang-kita ng mata ko na sumakay siya do'n sa pulang kotse na 'yon. Tinandaan ko plate number para sigurado. Naalala ko ka kasi 'yong usapan sa gc," paliwanag ko kay Ginger.

"What's this? May kinalaman si Ana dito?" tanong pa ni Ginger.

"We're still not sure about that. Kahit 'yong lalaki, malay ba natin na hook up lang 'yon ni Marian that night. Unless we have evidence..." sagot naman ni Ura.

Natahimik ako sa puwesto ko. "Or..."

Muling napatingin sa akin 'yong dalawa. "Ana is the next victim."

Walang umimik. Walang nagsalita. Nag-excuse na lang si Ura na tatawagan niya si Joseph para ipahanap na si Ana. Sana... sana mahanap siya. Dahil hindi na naman ako makakatulog ngayong gabi sa kakaisip sa babaeng 'yon. Ligtas ba siya? Napapikit na lang ako ng mariin. Sana... sana ligtas siya. Sana wala nga talagang kinalaman 'yong lalaking 'yon sa pagpatay kay Marian.

Strings and Chains (The Frey, #1)Where stories live. Discover now