Matabang ang aking pagtawa ng tingnan ko siyang muli.

Tumayo ako at inakbayan siya. "I'm still your Boss!", paalala ko sa kanya.

Isang matalim na titig ang iginanti niya sa akin. "Alam ko yan pero kapag binasag mo ang code ng clan at bumaligtad ka kay Boss, babalian talaga kita ng mga buto sa katawan hanggang sa malumpo ka!"

"Xander relax! I've gotta fix what Ive messed up.", ngumiti ako.

Umakbay na rin siya sa akin.

Tama. Dapat ko ng kalimutan si Hailey. Dahil sa umpisa pa lang, alam ko na ang katotohanang malayong mangyari na suklian ng babae ang nararamdaman ko sa kanya. Hunter and Hailey, they belong together. And me being left behind. Alone. Always alone...

ANG KANINA lang na liwanag ng kalangitan ay nabalutan na ngayon mamula-mulang kulay palatandaan na malapit ng dumilim. Bumaba na ako sa aking sasakyan. Pumasok ako sa Elle Moiselle Bar matapos kong ipakita ang card ko sa bouncer.

Sumalubong agad sa akin ang neon lights, electronic music, at ang mga na walang humpay sa pagsayaw. The music was blasting, most of the people drinking, and the already drunken ones swaying on the dancefloor.

What I wanted is a time off. Natatawa ako sa aking sarili dahil daig ko pa ang iniwan ng nobya kahit wala naman talaga. Bakit nga ba ako naririto? Aaahh, to get away from everything. My feelings, my jealousy, and all I wanted now was to concentrate on nothing but work and enjoyment.

Humingi ako ng alak sa bartender. I just needed a damn break from all this shits happening in my life.

Iniusad ko ang aking paningin sa mestisang bangus na nakatingin sa akin di kalayuan sa inuupuan kong stroll. Ngumiti ito ng ubod ng tamis. Ngumisi ako. This kind of woman who's sly, flirting just wanted me to buy her a drink. Inirapan ko siya nang lagukin ko ang alak na hawak ko. Agad ko namang naramdaman ang mainit na likido sa aking lalamunan.

Sinenyasan ko ang bartender na bigyan ng alak bang babaeng tumabi sa akin. Halos mapabuga ako ng hangin sa aking baga ng kindatan pa ako nito. Nang pasadahan ko ang kanyang katawan, well I must say, she's hot and sexy. Ngunit ang ngiwi sa aking labi ay diretso nang makita ang halos suot ng mga babae sa bar. Edgy dark makeup, maiiksing dress, stilettos na pagkataas-taas. Way to cliché. Umiling ako. It didn't work on me.

Lalong tumalim ang titig ko sa babae nang tuluyan na nga itong tumabi sa akin. Nakuha pa nga nitong paglaruan ang buhok ko sa pamamagitan ng pagikot-ikot nito sa ilang hibla ng aking buhok gamit ang daliri nito. Agad kong hinila ang kamay niya at marahas na inalis sa buhok ko.

"If you want martini I'll buy you dinks but that doesn't mean I allowed you to flirt with me, woman."

"So you're playing hard to get. I like it.", ininom nito ang martini nainilapag ng bartender sa wooden stoll.

Hinayaan ko na lang siya. Ayaw kong makipagtalo sa babaeng ito dahil wala akong ganang sayangin ang oras ko para sa walang kwentang usapin. I was immune on those little tricks girls did. The dancing, the smiling, and flirting. Dahil alam nilang Sylverio ako. They just want me for my money.

Tila wala na siyang naririnig pa sa mga sinasabi ng babaeng katabi ko. Ang atensyon ko ay nakatuon sa mga taong hayok sa pagsasayaw sa dancefloor. Para iyong dagat ng tao, so many people, no fresh air left. Napaisip tuloy ako paano nila nakukuhang sumayaw on that steam and temperature.

Ang mga neon lights ay papalit-palit ng kulay na sadyang nakakahilo sa bawat kutitap non. The electronic music was giving the extra motivation, a bonus rhythm to the ones on stage. Sumasabay pa sa ingay ng musika ang malakas na hiyawan ng mga tao.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now