"Kasimpula mo na itong kamatis."

Sa sinabi nito lalo tuloy nag-init ang pisngi ko. Naman eh, bakit kasi biglang ngapa-pop si Hunter sa utak ko? Bigla ko na lang siyang naiisip at nakuha ko pang ikumpara sa kapatid niya.

"Sorry.", hinging-paumanhin ko.

Inirapan niya ako saka umiling-iling. Baka iniisip niyang nababaliw ako. He doesn't respond... Ano pa ba ang aasahan kong sagot sa katulad ni Lennox na robot at bihirang ngumiti?

"Ngumingiti ka na lang diyan mag-isa . Tapos bigla kang bubusangot. Lahat na ata ng emoticons nilagay mo diyan sa mukha mo. Weirdo.", he said without even trying to whisper it himself.

"Excuse me? Emoticons? Weirdo?", tanong ko feeling offended.

"Weirdo.", ulit niya pang talaga habang umiling-iling.

What a meanie!

Ngumiwi ako. Kanina lang tinawag niya akong bird brain ngayon naman emoticon na weirdo. Ang sakit sa bangs ang panlalait ng lalaking ito. Of course saan pa ba nagmana kundi sa Kuya nito.

Kinuha niya ang mga items na nasa listahan saka dire-diretsong inilagay sa cart. Matapos ay nagsimula na itong maglakad palayo upang hanapin ang ibang bibilhin na nasa listahan.

He starts to drop the grocery supplies as he drops it in the cart na hindi man lang tinitingan ang price tag basta na lang lagay ng lagay. Hindi ata marunong magtipid ang lalaking ito.

Magkano na kaya ang presyo ng mga iyon? Bago pa sumabog ang cart ay inagaw ko na iyon sa kanya subalit nkipaglaban naman ng hilahan si Lennox. Ngunit sa pagkakataong iyon ay mahigpit ang pagkakahawak ko sa cat handle kaya kusa na itong sumuko.

"Thank you sa pagtulong mo pero wala ka bang bibilhin?"

"Nag-go-grocery din ako. Bakit, ano bang ginagawa mo kapag pumunta ka ng Supermarket? Tatambay?", he turns around and he walks away from me.

Ang harsh niya!

Matapos ang isang oras nagtungo na ako sa counter upang makipila sa mga nagbabayad na mamimili to wait for my turn. Nasa likod ko naman si Lennox habang hawak yung basket na naglalaman ng mga pinamili nito.

I paid for everything and it cost thousands since that cyborg guy put a lot of items in my cart. Buti na lamang at hindi nagkulang ang parang hawak ko.

Bumuntung-hininga ako nang makita ang apat na karton at dalawang plastic na resulta na pagkahaba-habang listahan ni Hunter. Now, paano ko ngayon ito bubuhatin?

Tatawag na sana ako ng taxi ng huminto ang blue jaguar sa harapan ko. Bumaba mula roon si Lennox saka nito unti-unting binuhat ang mga kahon at plastics ng grocery at inilagay iyon sa likuran ng sasakyan niya.

When he finished I see from the corners of his eyes looking at me. Nahuli niya bang pinagmamasdan ko siya?

"Sasakay ka ba o are you still going to check me out, stalker?"

"S-Sabi ko nga.", I stuttered.

Bubuksan ko sana yung pintuan ng sasakyan niya ng unahan niya ako para gawin yon. Napa-atras pa ako dahil aksidenteng tumama ang daliri niya sa kamay ko. We both blush. God, this is awkward.

"Thank you.", I scoffed.

Tumango lang siya. Nang nasa loob na ako, tinungo niya yung kabilang side ng sasakyan sa driver seat saka pumasok na rin sa loob. Pinaandar na nito ang ignition as he drive on the driveway with silence suffocate us.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now