Chapter Thirty-Three

Start from the beginning
                                    

"S-Sino ka?" tanong ko. Naguguluhan, natatakot, nagtataka. Halong-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Taehyung." sagot niya. "Kim Taehyung."

"K-Kim... Taehyung?" naguguluhang tanong ko. Siya si...

"Kaibigan ka ni Jimin?"

Tumango ito bilang sagot. Blangko yung mukha niya pero bakas pa rin yung kalungkutan niya at pangungulila.

"A-Anong kailangan mo sa 'kin?" tanong ko pa.

"Noona, binabalaan kita." sagot niya. Anong binabalaan niya ako? May kasalanan ba ako? Kung meron, ano na naman yun?

Aish. Naguguluhan na talaga ako.

"The tiger is hunting for the deer. Please, be careful. Protect the deer from the tiger, noona. Don't let the tiger touch the deer. If possible, kill that wild animal."

Ha? Ano daw?

"Teka... 'Di ko maintindihan yang mga pinagsasabi mo. Bakit ko poprotektahan yung deer? Wala naman tayo sa jungle. Okay lang kung ako si Tarzan baka maprotektahan ko pa pero hindi eh." sagot ko.

Tinignan niya lang ako. Sabi ko nga, di na ko magjojoke :D

"'Di ko alam mga pinagsasabi mo, Taehyung." sabi ko.

"Soon, maiintindihan mo rin, noona. Please, pag-isipan mong mabuti." sagot niya.

"Tutungo na 'ko."

"T-Teka!" tawag ko sa kanya na ngayo'y unti unti na siyang nawawala sa kadiliman.

"Taehyung!"

"TAEHYUNG!"

---

Hindi ko alam kung tao ba yung tinutukoy niya na tiger at deer pero may kutob ako na tao talaga yun.

Tinignan ko si Jimin. Maraming katanungan ang gumugulo sa isip ko ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya na napanaginipan ko si Taehyung pero hindi. 'Di muna. Gusto kong solusyunan 'tong pinapahiwatig ng kaibigan niya. Ayokong ma-stress pa siya. Ang dami na niyang pinagdaanan.

"Gwaenchanha?" tanong niya at hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi maiyak sa harapan niya.

Ayokong ayoko na mag-alala siya sa 'kin.

"Nan gwaechanha." sagot ko.

---

2 years ago.

[Jimin's POV]

Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung hindi na kami mag-usap ni Shinah. Ewan ko kung break na ba talaga kami. Nalulungkot pa rin ako at grabe yung sakit na naramdaman ko nung pinili niya si Taehyung kesa sa akin.

Speaking of Taehyung, my best friend, hindi na rin siya masyadong nakikipag-usap sa 'kin. Lumipat na rin siya ng ibang kwarto at ngayo'y kadormmate ko na si Yoongi hyung saka madalas akong binibisita ni Jungkook at siya na ang palagi kong nakakasama araw-araw aside kay Yoongi hyung.

Yung dating samahan namin ni Taehyung, yun na yung samahan namin ni Jungkook. Pero namimiss ko na siya. Siya pa rin naman ang best friend ko simula nung high school namin.

"Jimin?" tawag sa 'kin ni Yoongi hyung. Kasalukuyan kaming nagtutulungan na iimpake yung mga gamit niya dahil magbabakasyon lang daw siya sa Daegu ng ilang linggo at babalik siya dito sa Seoul pero titira na muna siya dun sa apartment niya.

"Bakit hyung?" tanong ko sa kanya.

"Pinapatawag tayo ni Seokjin hyung. Baba na daw muna tayo at kumain na muna sa canteen." sagot niya.

Natapos na pala ang school year at nagsasummer vacation kami ngayon. Di na muna siguro ako uuwi sa Busan baka sapakin ako ni appa kasi dapat pagkabalik ko dun graduate na ako ng college.

"Sige hyung."

Bumaba na kami at sabay na tumungo sa canteen. Pagkadating namin doon ay nandun na sila Seokjin hyung... at si Taehyung.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo saka siya ngumiti sa 'kin pero umiwas agad siya ng tingin.

Hanggang ngayon pa rin ba Taehyung? Siya pa rin yung mahal mo? Si Shinah?

---

Kinaladkad ko si Taehyung papunta dito sa rooftop pagkatapos naming kumain ng almusal. Nagpaalam na ako kay Yoongi hyung na kakausapin ko lang si Taetae at siya na munang bahalang mag-impake sa mga gamit niya.

Tinabig agad ni Taehyung yung kamay ko nang makapunta sa kami sa rooftop at tinignan niya ko with his infamous poker face.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" cold niyang tanong.

"Pwede bang magkaayos na tayo, Taetae? Pwede ba?" tanong ko. Napaismid siya sa tanong ko.

"Magkaayos? 'Di ko alam." sagot niya. Aba.

"Taehyung naman. Dahil ba 'to kay Shinah? Mas mahalaga ba si Shinah kesa sa akin?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ko ng ilang segundo saka sumagot.

"Mahalaga kayong pareho sa akin pero nung dahil sa ginawa mo kay Shinah, nagalit ako sa'yo. 'Di mo ba yun naintindihan?" sagot niya.

Alam kong galit siya sa akin pero ayokong gaganituhin niya ako na para bang wala kaming pinagsamahan.

"Alam mo bang galit na galit si Shinah sa'yo? Pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal niya kahit galit siya sa'yo? Na mas pinili ka niya kesa sa akin?" sambit niya.

Mas pinili ako kesa sa kanya? Paano? Diba siya yung pinili ni Shinah?

"Oo. Tama ka ng narinig. Mas pinili ka niya kesa sa akin dahil mahal ka niya at isa lang naman akong kaibigan para sa kanya na pwede niyang sandalan, iyakan, at andyan lagi para sa kanya. At ikaw 'tong g*go na niloko siya at sinaktan, ikaw pa rin tong mas lamang." dagdag niya pa at umismid.

"Kung hahanapin mo siya ngayon, wag mo nang hanapin kasi magmomove on na siya."

Tinignan ko siya ulit. 'Di ko namang sinabing hahanapin ko siya ngayon.

Kaya nga diba hinayaan ko na lang siya na magkagusto kay Shinah kasi mas bet ko siya kesa sa sarili ko dahil hindi ko kayang ibigay yung gustong pagmamahal ni Shinah kasi isa akong g*go at si Taehyung ang nararapat para sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya saka umiwas ng tingin.

"Umuwi na muna siya sa Busan at pipiliting kalimutan ka. Kaya please, wag mo na siyang guluhin kung gusto mo pang bumalik yung samahan natin." sagot niya.

Tinignan ko siya ulit at nginitian bago sumagot.

"Wag kang mag-alala, Tae. Hindi ko na siya guguluhin pa. Gusto kong alagaan mo siya para sa akin at gusto kong magkaayos na tayo at bumalik na yung pagkakaibigan natin dahil ayokong ganito tayo dahil lang sa isang babae."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dundundunduuuun~

Sorry for the very lame update. T.T Bastos ng Wattpad pinalitan yung genre nito >:( Horror nga 'to diba saka fanfiction din grrr. Kaya pala hindi na ako nakakareceive ng notifs galing sa mga loyal readers ng Patient 95 at mga bagong readers kasi pinalitan ito into fanfiction.

Kaya tayo nasasaktan kasi pinipilit natin yung sarili sa bagay na hindi dapat at nakalaan na yun sa iba. HAHAHAHA.

Well, anyways, please keep supporting me T.T I need strength and jams from my loyal readers~ T.T

Don't forget to vote, comment, share, and follow me guys hehehe. Love lots and happy new year :*

~Author Angel-nim

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now