Chapter 7 - Moments

5.9K 155 8
                                    

Chapter 7 – Moments

Maaga akong nagising dahil sa pagyuyugyog ni Cyrene sa akin, kinusot ko ang mata ko at tiningnan siya. Para siyang uod na nilagyan ng suka, parang kiti-kiti! Kinunotan ko siya ng noo kaya naman bigla siyang nanghampas. Dito nga pala siya natulog sa amin.

Sobrang excited niya raw kasi para sa school trip namin. Malapit na kasi 'yon. At saka, inaya siya nung crush niyang si Gio na mag-bonding sa school trip. Medyo may tampo ako, edi ibig sabihin third wheel ako!

Pagkatapos naming maghanda ni Cyrene ay dumiretso kami sa local grocery store malapit sa amin. Kailangan din naming ng baon ano!

Inisa-isa na naming ang mga chichirya, mga marshmallow, at iba-ibang candy. Nagbibiruan kami ni Cyrene na tataba kami agad sa trip dahil sa dami naming pinamili nang bumangga ang aming cart sa isa pang cart.

"Sorry po." Sabi ko habang nakayuko.

"Dumb lousy bitch."

Bigla kong iniangat ang aking mukha. Those familiar set of orbs stared back at mine. Another soulless stare! Laking pasalamat ko na tinakpan ni Cyrene ang mga galos ko.

Tiningnan ako ni Blake mula ulo hanggang paa. Nakilala niya baa ko bilang basag-ulo? I hope not! Oh my god, he is going to make my life a living hell even more!

He sneered at me. As if he's amused to see me! Bakit ba siya dito naggrocery! Ang annoying, napaparanoid ako.

Iniliko na naming ang cart naming ni Cyrene and she gave me some meaningful look. Para bang nang-aasar. Don't tell me shiniship niya ako with Mr. Galit-sa-mundo? No no no!

Napansin ko ang ilang beses pang pagtunong ng notification ni Cyrene. Iritable, pinatay niya ang kanyang phone.

"Ano ba 'tong si Stephen, text nang text!"

Pasimple akong ngumiti, anong magagawa mo? Eh gusto ka niyan?

Araw na ng school trip!

Antok na antok ako habang naghihintay sa ibang estudyante. Hindi pa kami pinapasakay ng bus, kailangan daw muna mag-attendance. Isinuot ko ang aking earphones.

Ang pangit ng gising ko, sana walang kumausap sa akin. But reality played with me. May asungot na humila ng earphones ko at saka sumigaw ng hello.

"Lorene, good morning to you!" Ngiting-ngiting bati ni Skyler. Hindi ko na siya sinagot pa kaya naman ay lalo siyang nagdadaldal ng kung ano ano!

Lord, magpapakabait na ako please shut him up!

"Lorene, hey that's mean." Umakto si Skyler na nasaktan ang kanyang dibdib. Natawa naman si Cyrene sa akto niya. She even said I was too harsh. Whatever!

Maya-maya pa ay dumating sina Gio at Joaquin, ibinaling ko na lamang kay Cyrene ang aking atensyon. At ang gaga, nagti-twinkle ang mata! Weirdo talaga.

Nagkumustahan naman sina Skyler, Gio at Joaquin. Wow, close pala sila? Eh bakit parang bad shot si Skyler kay Blake?

"Hindi ka pa rin ba napapatawad, pre?" tanong ni Joaquin. Hindi ko narinig ang iba nilang pinag-usapan kaya hininaan ko na ang volume ng aking music. Chismosa eh.

Nagtinginan sila ng seryoso. Why so serious! Napatingin sa akin si Joaquin, parang nakaramdam na pinapakinggan ko sila. Napansin kong biglang iniba ni Joaquin ang topic.

Kaya naman nagtawanan sila. Ano ba kami ni Cyrene dito, display?

"Oh tama ng titig, baka maglaway ka na!" Biro ni Skyler at hinawakan ang baba ni Cyrene. Kailan pa sila naging close? Nainis si Cyrene at saka hinampas nang malakas si Skyler.

"Anak ng pucha naman, masakit! Gangster ka ba ha?" Hiyaw ni Skyler. Umirap si Cyrene at ako naman ay biglang napaayos ng upo.

Tanghali na nung nakarating kami sa resort na pagsstayan naming lahat.

Habang naglilibot ay bigla akong kinaladkad ng isang lalaki. Nakilala ko bigla ang lalaking ito, si Blake!

Nagpupumiglas na ako kasi ayokong sumama sa kanya! Masyado kaming malayo sa bahay, baka itapon niya ako bigla sa bangin!

"Saan mo ba ako dadalhin?!"

...

"Blake, ano ba nasasaktan ako!"

...

"Wow thanks! Kausap ko hangin!"

...

"Blake, masakit kasi! Bitawan mo na ako!"

Wala pa ring sagot! Ano ba naming resort 'to, wala ba silang staff?

Third Person's Point of View

Wala ng nagawa si Myrene at hinayaan na lang niyang kaladkarin siya ni Blake kung saanmang lupalop ng mundo.

Sa kabilang dako, si Cyrene dala dala na ang mga gamit ni Myrene. Kitang-kita ang hirap sa kanyang mga mata. Nakita ni Gio na nahihirapan si Cyrene kaya naman nilapita niya ito nang nakangiti.

"Tulungan na kita." Sabi ni Gio kay Cyrene at kinuha ang ilan pang gamit na buhat ni Cyrene. Nanlaki ang mga mata ni Cyrene at saka nahihiyang tumanggi!

Mom, I cannot! Ang cute talaga ng bebe ko! Isip-isip ni Cyrene. Ikaw ba naman alukin ng tulong ng mismong crush mo, hindi ka ba kikiligin? Habang patungo ang dalawa sa kwarto nan aka-assign kina Cyrene ay biglang nagsalita si Gio.

"Hinila na naman ni Prince ang bestfriend mo. Kawawa naman."

Nagtatakang tiningnan ni Cyrene si Gio. Ngumuso si Cyrene sa pagtataka. "Sinong Prince?"

Huumalakhak si Gio dahil sa nacutean siya babaeng kasama niya ngayon. Hindi niya maitatanggi kung paano siya naattract sa babaeng 'to.

"Prince ang first name ni Blake, ayaw niya lang ipagamit." Nakangiting sabi ni Gio, napansin din ng huli na umiwas ng tingin si Cyrene. Mahinang bumulong si Cyrene, Maging si Myrene may itinatago sa kanyang pangalan.

Sobrang awkward ng dalawa habang naglalakad, pero kahit wala sila masyadong pinag-uusapan, alam nila na pareho silang nabibingi sa kanilang nararamdaman. Mabigat ang bawat paghinga ni Cyrene sa kaba at kilig na pinagsama.

Kaya naman ay pagkarating nila sa assigned room ay parang binunutan ng tinik si Cyrene, Finally! Ngiting-ngiti si Cyrene na binuksan ang pinto at saka bumaling kay Gio.

"Uhm, hehe, dito na ako. Salamat, Gio." She tried so hard to sound normal, even if it doesn't help a lot.

"Magkatapat lang tayo ng room. So I'll see you more often?" Gio said.

Hindi nakapagsalita si Cyrene. Dream come true na! Hindi siya makapaniwala. Her crush is looking forward to their future bond! Ano ba!

Nagbigayan din ang dalawa ng kanilang cellphone number, para mas makapagusap kahit na nasa magkaibang rooms sila. Nagpaalam na rin si Gio at pumasok sa room na para sa kanila.

Pagkasara ng pinto ni Cyrene. Sumandal siya sa pinto, habang hawak ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. Napaisip pa siya kung narinig ito ni Gio? Nakakahiya kung ganoon.

After she collected herself, dali-dali siyang tumakbo patungo sa telepono na nakakonekta sa front desk!

Isang malumanay na boses ang sumagot kay Cyrene, "Yes, good afternoon po. Anything that concerns you?"

Nag-aalangang nagtanong si Cyrene, "Uh, soundproof po ba ang mga rooms?"

Kagat niya ang sariling labi, naghihintay ng magiging sagot.

"Yes ma'am," Hindi na pinatapos ni Cyrene ang babae sa kabilang linya at nagti-tili na sa room habang sinusuntok suntok ang unan sa kwarto. Labis ang kanyang kilig!

Natigil lamang ang kanyang pagtili nang pumasok si Myrene na tulala.

Bakit kaya? 

A Gangster's StoryWhere stories live. Discover now