Kabanata IX: Ang Pagbalik

65 0 0
                                    

Mika Raynir's PoV

"Rishna?" gulat kong naitanong nang bumungad saakin si Rishna, pagbukas ko ng pinto. "Mika?" medyo nagulat din s'ya ng makita n'ya ako. Biglang nakuha ng atensyon ko na may kasama pala s'ya. Medyo nainis ako nang makilala kong si Supremo pala.

Akala ko ba, wala s'yang gusto kay Rishna? Ano nanamang meron at magkasama nanaman sila ngayon? Samantalang kanina hindi naman n'ya ako hinatid papunta dito kila Superintendent, tapos may oras s'ya para samahan si Rishna papunta rito? Hay. Ako kaya ang nilikigawan n'ya 'no!

Nakakatampo ah. "'Wag kang magisip ng kung ano tungkol sa'ming dalawa. Nagkataon lang na pupunta rin pala s'ya rito, kaya nagsabay na kami" sabi ni Supremo saakin. Hala, pa'no n'ya nalaman na may iniisip ako tungkol sakanilang dalawa? Masyado ba akong halata? "Kung makabintang ka ah. Hindi ko kaya kayo pinagiisipan ng kahit ano..." pagdepensa ko, kahit na tama naman s'ya.

"Hehe, ayiiiee, oo nga pala, kayo na 'di ba? Nabalitaan ko lang sa mga schoolmates natin" hinampas ako ni Rishna sa balikat at nagpatuloy sa sinasabi n'ya. "Congrats ah. Ang swerte mo dyan sa bookworm mong boyfriend"

Pakiramdam ko nagkulay kamatis ang mukha ko nang sabihin ni Rishna 'yan. Kung kanino man n'ya nakuha 'yang balitang 'yan, masyado s'yang advance! Nililigawan palang kaya ako! "O-oy! H-hindi ko pa s'ya boyfried" pagtatama ko. Parang lalo lang 'ata akong namula nang makita kong palihim na napangiti si Supremo. "Sus! Bakit, ayaw mo bang maging boyfried s'ya?" tanong ni Rishna. "H-ha?" Nakakainis! Pulang pula na siguro 'yung mukha ko ngayon. Ano ba kaseng nakain nito ni Rishna, at parang tuwang tuwa pa s'yang nagkakaganito ako, at ayaw pa tumigil kakaasar. "Pfft, tama na nga, kinikilig ka na eh..." sabi ni Rishna. Ang akala ko, titigil na s'ya, dahil sa sinabi n'ya, pero... "Pero, seryoso, doon din naman tuloy n'yong dalawa, kaya 'wag mo na akong i-tama" dagdag n'ya pa.

Nahampas ko na tuloy s'ya, dahil sa mga pinagsasasabi n'ya. At sa wakas, dahil doon, natigil na s'ya. "Haha, ayyiiee Sorry ah, ang cute-cute n'yo kaseng dalawa para sa isa't isa..." sabi n'ya pa ulit. "He!" pagpigil ko sakanya sa pangaasar. "Haha, oh sige na. Pwede na ba kaming pumasok?" tanong ni Rishna. Pumayag naman ako, at pinatuloy na sila sa loob.

"Ano nga palang dahilan at pumunta ka dito?" tanong ko kay Rishna. Tinignan ko si future dad, para tignan kung mukha bang s'ya ang nagpapunta doon kay Rishna, pero mukhang hindi s'ya, kase naghihintay lang s'ya ng sagot nito sa tanong ko. Nang maitanong ko ang katanungang 'yan, pakiramdam ko bumigat ang atmosphere, dahil parang lahat sila sumeryoso.

"Uhm, tungkol kase kay Kiro... Alam kong baka nasabi na sa'yo ni Superintendent, pero... gusto kong tumulong na mabalik sa ayos ang lahat... Sorry hindi ko s'ya nagawng pigilan" sagot ni Rishma

Ahh, kaya pala ganito ang pakiramdam ah.

"Kung gano'n, dalhin mo s'ya dito, at pagpaliwanagin kung ano ba talagang gusto n'yang gawin no'ng ginawa n'ya 'yung experiment na 'yon, at bakit ganito ang naging epekto ng ginawa n'ya" agad na sabi ni future dad sa oras na makaupo kaming lahat. Ikinagulat naman ito ni Rishna. "P-po? Agad?" gulat na tanong ni Rishna. "Gusto mong tumulong,'di ba? Ikaw lang ang makakagawa n'yan, kaya gawin mo na" seryosong sabi ni future dad. Hala s'ya. Ganito ba si Superintendent sa time na pulis s'ya at hindi manliligaw ni mama? Nakakatakot s'ya.

"O-Opo... so, ikaw po pala talaga 'yung nandoon sa library kung nasaan naming ginawa ang experiment?" sabi ni Rishna.

"Oo, ako... At ngayon gusto ko nang iayos lahat, kaya gawin mo na ang panigagawa ko" sabi kaagad ni Superintendent at tinignan ng seryoso sa mata si Rishna. Agad namang sinunod iyon ni Rishna at tinawagan si Cro—Kiro.

A Twist In Time Travelling (Completed)Where stories live. Discover now