Kabanata IV: Si Supremo at ang Kasalukuyang Panahon

148 2 14
                                    

A/n: Tagalog alert! Halos buong kabanata ay nakasulat sa tagalog, dahil PoV ito ni Supremo. Pasensya na kung may mga maling grammar kahit tagalog na (Kung meron man.) May halong clue na rin pala ang kabanatang ito kung bakit ko ba s'ya pinamagatang "A TWIST in Time Travelling" inuunti-unti ko na ang pagre-reveal ng "twist" sa pagta-time travel ng mga bida natin.


Flashback

Tatlong Araw ang Nakararaan...

Andres Bonifacio's PoV

"Some kind of a test where in you try to bring a historical person to present, and sending a person in present to the past, in exchange of that historical person. As far as I remember, it happened last week, thursday"  tugon ni Ginoong Daniel sa tanong ni Mika.
Sa mga oras na inilagi ko rito kasama si Binibining Mika at Ginoong Daniel ay naninibago parin ang aking pandinig sa kanilang paraan ng pananalita. Akin namang nauunawaan ang mga ito, ngunit hindi ko ito nakasanayan. Ito marahil ang dahilan ng aking paninibago.
Mataman lang akong nakinig ng kanilang palitan ng salita.

"Wala akong matandaang kahit anong ginawa ko noong thursay,... no almost the whole week... Ah, nakakulong ako no'n sa Dapitan tapos..." wika ni Mika. Mababakas ang kanyang pagkalito. Lubhang nakababahala ang kanyang mga wini-wika, dahil alam kong hindi ganito ang pangkaraniwang pagkalito. Ang lahat ng kanyang nasasambit ay talagang magkakaibang bagay na walang mga pagkakapareho, kaya't hindi ito nakalilito basta basta, ngunit bakit s'ya nagkakaganito?

"Mika?" tawag ni Ginoong Daniel sa ngalan ni Mika. Makikita rin sakaniyang ekspresyon na siya ay naguguluhan gaya ko. Idinako kong muli ang aking tingin kay Binibining Mika, at sa oras na s'ya'y aking nasumpungan na patuoy paring naguguluhan habang nakapikit ang mga mata at sinusubukang makaalala, ay nakaramdam ako ng habag sa aking kalooban. Unti unti akong dinala ng aking mga paa sa kanyang harapan habang binabanggit ang kanyang ngalan, ngunit tila hindi n'ya ako napapansin.

"biglang isa sa mga batang tinuturuan ko---- hindi... IT ang course ko, pa'no ako magturo sa mga bata?... Uhm, kasama ko si Cro---Si---si... ah hindi, nakakulong ako no'n t-tapos kinunsulta ako para sa..." Iyan ay isa sa mga nasambit n'ya na nakakuha ng higit kong atensyon. Dahil sa oras na ito'y kanyang winika ay aking nakita ang isang imahe ng isang ginoong may suot na isang itim na sombrero,at  pormal na kasuotan sa katauhan ni Binibining Mika ng isang saglit.

" AHHH!! Tama na! Hindi ko maintindihan!" Mas lalo kong naaninag ang hitsura ng ginoong nakikita ko sa katauhan nito, ngunit bigla rin itong nawala.
Mas lalo pang tumindi ang bagabag sa aking damdamin, dahil sa habag na aking nararamdaman sa mga oras na ito. Mabilis kong sinalo si Binibining Mika nang mawalan ito ng malay tao. Sinubukan kong tawagin ng paulit ulit ang kanyang ngalan, ngunit hindi s'ya tumugon. "What the---- Is she a victim, rather than the conductor of that experiment?" Nilingon ko si Ginoong Daniel, dahil sa kanyang winika.
Bahagya akong nagtaka nang tila taliwas ang kanyang sinabi sa ibinibintang n'ya kay Binibining Mika kanina. "Ano ang ibig n'yong iparating, Ginoo?" tanong ko rito.

"Hindi mo ba nakita 'yun?" tanong nito. Hindi na ako sumagot at hinintay nalang ang kanyang pagpapatuloy. "Lumitaw sa kanyang katauhan si Doktor Jose Rizal"

Doktor Jose Rizal? Ito ba ay ang ginoong nakita ko kanina? Kung ito iyon, ibig sabihin ay kilala n'ya ang taong ito? Pamilyar din saakin ang ngalang iyon lalo sa apiliedo na tulad ng kay  Binibining Mika, ngunit hindi ko pa ito nakikita. Ang alam ko lang sakanya ay ang kanyang ngalan. Nabasa ko rin ang ngalang Jose Rizal sa isang kahon na naglalaman ng sulat (Author's Note: 'Yung monitor po 'yung tinutukoy n'ya.)

A Twist In Time Travelling (Completed)Where stories live. Discover now