Kabanata III: Supremo

216 3 6
                                    

A/n: JoanaJoaquin Oh 'eto na ang update. Sorry ngayon lang. Salamat sa pagbabasa at pagsuporta, isama mo na ang paghihintay. Haha.


Superintendent Daniel Frawll's PoV

I lit up my cigarrete as I leave Mika with Bonifacio. Hindi ko lang talaga kayang tumagal na tignan s'ya na parang walang alam sa mga nangyayari. Nakakagulo lalo ng lahat ng mga nasa utak ko eh. Papa'no n'ya nagagawang maging relax lang, kung sa bawat oras, minuto, at segundo, may nasisira sa kasaysayan? Wala ba s'yang alam sa mga nangyari noong araw na 'yon? Nandoon s'ya ah.

Talagang nainis ako nang malaman kong posibleng isa si Mika sa gumulo sa nakaraan. Ano bang makukuha n'ya sa mga ginagawa n'yang 'to? Ano bang makukuha nila sa pagkuha ng tao mula sa nakaraan, just to prove that time travelling is real? To be recognized?

Hindi ko man sigurado pa kung isa s'ya sa mga nagexperiment na 'yon, kase kung tutuusin ay pwede ring biktima lang s'ya, kailangan ko paring panigan ang isa na mas pinaniniwalaan ko.

Alam kong 'pag nasa gitna lang ako ng dalawang posibilidad na 'yan, mas mahihirapan akong malaman ang totoo.

Alin man si Mika sa dalawa, dapat ko parin s'yang imbestigahan, para makasigurado. Besides keeping my eye on her would secure her to those who really conduct the experiment, in case Mika is really a victim, so I think what I did is a good move.

Simula pa Police Officer ako, close ko na 'yang batang 'yan, itinuring ko s'yang parang anak ko, pero nung malaman kong isa s'ya sa mga sumira sa kasaysayan, nagiba na ang purpose ng pagiging close ko sakanya. Nakakasakal man pakinggan, lalo't hindi n'ya alam na ito talaga ang dahilan kung bakit ko s'ya binibigyan ng oras na parang pamilya ko, pero basta ang alam ko ito ang tama; Ang imbestigahan s'ya.

Sorry Mika, but I really need to observe and investigate you intently.

And when I say investigate intently it means to fully use my interrogation skills. Fully use of Interrogation skills that had become my style in order to prove that a suspect is guilty in a crime... kahit na hindi pa sigurado kung s'ya nga ang gumawa ng krimen.

Tinahak ko ang daan papunta sa sarili kong room kung saan ako palaging nagse-search, at naga-analyze ng mga impormasyong nakukuha ko sa mga kasong hawak ko. Nadoon rin ang monitor na nagpapakita ng nakukuhanan ng CCTV camera sa labas. Agad akong tumingin sa desk na nasa bandang gilid ng silid na punong puno ng mga papel na naglalaman ng iba't ibang impormasyon pagpasok ko. Isa isa ko uling tinignan lahat ng nakuha kong impormasyon sa kasong ini-report saamin ng mga Siegefried.

It's about someone who's missing in five days. I can tell that there's something strange in all the informations just by looking to the names written.

"Kiro Yalter huh? Pa-pa'nong ngayaring nagiba ang taong hinahanap ng mga Seigefried?" I think our loud as I puff my cigarette.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga 'yon habang nakaupo ako sa harap ng monitor ng CCTV para naman tignan 'yung dalawa sa labas.

Maya maya ay sumulyap ako sa monitor. Nakita kong parang close na 'tong dalawa. Pero, si Mika ang kumakain ng pagkain na ibinigay ko kay Bonifacio, habang nagke-kwento yata si Bonifacio. Mga ilang segundo ko pang pinanood 'yung ginagawa nila, until I've notice something after Mika said something, it's not that clear, but it looks like it.

Bonifacio laugh a little.

"Aba, ang bilis naman yata nilang magkapalagayan ng loob" Kahit ako ay napapangiti sa mga nakikita ko. Pagkatapos no'n ay nagsearch naman ako sa katabing computer ng monitor tungkol doon kay Andres.

A Twist In Time Travelling (Completed)Where stories live. Discover now