Kabanata VIII: Ang Tungkol sa Eksperimento

67 1 0
                                    

Pagkalipas ng dalawang buwan...

Superintendent Daniel Frawll's PoV

"Pinaglololoko mo ba ako ha Superintendent Daniel? Sinong maniniwala sa report mo? Nagtime travel itong Crosser Seigefried at dahil sa isang mali ng nagexperiment na si Kiro Yalter, matapos magtime travel nitong Seigeried ay naapektohan ang mundo natin at nakilala na ngayon si Yalter bilang Seigefried. At ano pa 'yon?... na Dahil din do'n ano?" iritang tanong sa'kin ni Director Dalewood.

Ba't ko pa nga ba pinasa 'yung report? Alam ko namang hindi sila maniniwala eh. Wala rin naman akong maasahan sa hawak kong division. Ang lumalabas daw sa ginagawa nilang paghahanap ay posibleng ki-nidnap, o kaya naglayas. Ayoko namang magpasa ng report na gano'n tapos kapag pinaliwanag namin sa mga Yalter sasabihin nila wala kaming kwenta, ilang buwan na, pero hindi parin naming nakikita si Yalter, tapos ke-kwestyonin kami kung mga pulis ba talaga kami at kung ginagawa ba talaga naming ang trabaho namin. Hay.

Siguro nga sapat na 'yang dahilan para maglakas loob akong magpasa ng report tungkol sa time travelling na totoo naman at hindi haka-haka lang. Kaya lang, mahirap paniwalaan. Kahit naman kase ako, hindi ko akalaing posible talaga ang pagta-time travel... Tignan mo ngayon, dalawang tao ang nagpatunay na totoo 'yon... Ay, may kalahati pa pala. Una, si Seigefried, pangalawa si Supremo, at pangatlo, na 'yung kalahati, ay si Rizal na mukhang ala-ala lang ang nakarating kay Mika mula sa taong 1800 hanggang ngayon.

"Dahil do'n nagiba ang hinahanap nating tao. Imbis na si Crosser Seigefried, naging si Kiro Yalter. Naapektohan din ng nasabing pagta-time travel ang lahat, kaya pati 'yung mga nakalap kong impormasyon na tungkol sa pagkawala ni Seigefried ay napalitan lahat ng Yalter. Gano'n din ang nagyari sa memorya ng lahat maliban saamin nila Kiro Yalter, na s'yang kinikilalang Crosser ngayon, at si Rishna Dreighvon" sagot ko sa iritang tanong ni Director habang pinipilit ang sarili kong kumalma. "Tss... Sasabihing posibleng kidnap" sabi ni Director at iniabot sa'kin 'yung ginawa kong report. "'Eto, itapon mo" utos nito.

Doon na nga ako naubusan ng pasensya, kaya pagkuha ko ng report ko ay inis kong tinapon 'yon dito sa Director's Office, kaya nagkalat 'yung papel sa sahig. "Pulis tayo dito Director Dalewood, William. Tungkulin nating alamin ang totoo at hulihin ang may sala, hindi para pagtakpan ang tama at magbulag-bulagan sa totoo... Wala na palang silbi ngayon ang mga eye witness intel, na sa kasong 'to ay ako.. Tss" inis na huli kong sabi bago ako lumabas ng Office at ibalibag 'yung pinto.

Alam ko namang mahirap paniwalaan, pero sana manlang inalam muna talaga nila kung posible ba talaga ang time travelling. Ayokong ayoko sa lahat 'yung ganito, 'yung maka-gawa lang ng report ng kulang sa imbestigasyon.

Tss, sa tingin ko kailangan ko talagang dalhin 'yong si Yalter, pata s'ya na mismo ang magpaliwanag ng lahat sakanila, para lang maniwala na sila.
Dumeretso ako ng Office ko at naupo muna doon, para makapagpalamig. Ilang minuto palang 'ata akong nakaupo doon nung may kumatok sa pinto ng Office at naistorbo ako.
"Pasok" sabi ko. "Superintendent Frawll... " pagbabanggit ni Senior Superintendent Xen, ang namamahala sa imbestigasyon, ng pangalan ko, pagpasok na pagpasok n'ya. "Hindi ko 'to gusto, pero ang Director na kase ang nagutos kaya.,... Tinatatanggal na kita sa imbestigasyong 'to, kaya bawal kang magsagawa ng kahit na anong imbestigasyon kasama ng iba o ng ikaw lang mismo. Pasensya na utos lang ng nakatataas... so, wala ka munang pagkakaabalahan ngayon" pagpapatuloy n'ya. Nang makaramdam s'yang nainis ako sa balitang sinabi n'ya ay nagmadali s'yang lumabas ng office.

Pagkalabas n'ya ay napahampas nalang ako ng kamay ko sa kahoy na mesang kaharap ko. "Kainis"

-------

"Oh kuya Daniel, ba't ang aga n'yo ata ngayon?" pagbungad saakin ni Mika, pagpasok na pagpasok ko ng pinto ng bahay. "Wala na akong gagawin eh, kaya umuwi nalang agad ako" sagot ko. Ewan ko kung nagtunog inis parin ako nang sabihin ko 'yon. "Ba't ka nga pala nandito?" tanong ko kay Mika at tumabi sakanya doon sa sofa.

A Twist In Time Travelling (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon