Chapter 50

1.4K 16 0
                                    

Retrograde | Chapter 50

December 24. It's Christmas eve.

Naghahanda sila Mama ng pang-noche buena. Mula pa noong isang araw ay abala na siya sa pag-iimbita ng mga tao. Kaming dalawa lang kasi ang nandito sa bahay, bukod pa kay Manang. Kaya gusto niya ay marami nalang bisita para kahit papaano ay maging masaya naman ang aming pasko.

Ang sabi niya rin ay marami naman kaming kailangang ipagpasalamat ngayong taon. It's truly one hell of a rollercoaster ride. So many ups and downs.

Bumaba na ako para salubungin ang mga taong parating. Sila yung mga early birds, medyo maaga pa kasi pero nandito na sila. Isa na roon si Sierra, ang new year's resolution nya raw kasi ay ang pagiging maagap sa mga ganitong mga events.

"Merry Christmas Eve!" bati niya at tumakbo papunta sa akin. Niyakap nya ako,"No pun intended intended!"

Tumawa nalang ako at dinala na sya sa may kusina. Malamang ay gusto nya ring batiin si Mama. Lumapit sya kay Mama at nag-beso. "Maligayang pasko, Tita! Ang sarap ng handa nyo ah," asar nya at tinignan ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa.

"Merry Christmas din, Sierra. Sabihin mo rin sa Mommy at Daddy mo merry christmas from our family."

"Ofcourse, Tita! And by the way, ang plano ko kasi ay dalhin itong si Eve sa Edinburgh. Vacation lang po this January. Okay lang ba?" Nagulat ako sa paalam nya, ni hindi niya nga yan nabanggit sa akin tapos sasabihin nya agad kay Mama. Ngumiti lang si Mama, "Oo naman. Magenjoy kayo dun!"

Excited na tumili-tili si Sierra, eh ako nga dapat itong sobrang thrilled. I just chuckled and nodded. Gaya ng inaasahan, nauna na syang umupo sa may lamesa. Kanina nya pa atang plinano na kumain.

"Everee!" tawag ng isang pamilyar na boses. Nagmadali akong lumingon at nakita si Ate na nasa may pintuan. She was with my brother-in-law and my super cute nephew. Nagmadali akong salubungin sila, niyakap ko si Ate. "Ate how are you?"

Nasabi na nila sa amin na ngayon nga raw ang uwi nila rito. Sayang nga at wala si Papa, kumpleto na sana yung pamilya namin. Nothing much has changed, she's still really petite and blooming. "I'm good! Ikaw? We've got a lot of catching up to do," she said.

Isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa akin. Siguro ay binalita na sa kanya ang ilang mga detalye pero gusto nyang malaman ang buong kwento. I agree, that's such a long story to tell. "I'm better than ever, Ate. And hi, Toby!" bati ko sa aking pamangkin.

He giggled and tried to hug my leg. Lumuhod ako para lumebel sa kanya. I ruffled his curly hair, mana kasi ito sa Daddy nya. "I have an amazing gift for you. Are you excited?" I asked. His cheekbones reddened in delight as he obediently nodded.

Tumayo na muli ako para batiin ang aking brother-in-law. Sumugod na rin dito si Mama at nagkamustahan sila. Dala niya agad ang malaki nyang regalo para kay Tobi. Hinayaan ko na silang mag-usap at sinalubong nalang ang iba pang guests.

"Trin you came!" bati ko nang makita si Trin na kakapasok lang sa gate. Nginitian nya ako at binigyan pa ng regalo. Nag-abala pa talaga sya. "Oo naman Eve! Na-miss kaya kita. Tsaka nangako ako eh. Saglit nga lang ako, alam mo na, may handaan din sa bahay."

"Sige lang. I missed you too. Kamusta sa ER?" Namiss ko rin kahit papano ang pagtratrabaho ko roon. Naaalala kong sya lagi ang aking kausap sa may triage desk. "Ayun, bruhilds pa rin si Ma'am Sheen. At si Lou, grabe, nag-resign!" balita nya.

"She did?" gulat kong tanong. She just nodded, "Nung nag-usap kami, ang sabi nya ay magfo-focus muna raw sya sa kasal. Isa pa, ayaw nya na raw sa ER. Ewan ko ba! Basta!"

Retrograde (Completed)Where stories live. Discover now