Chapter 41

1K 21 0
                                    

Retrograde | Chapter 41

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa kwarto ni Zeph. Mahimbing siyang natutulog sa kama habang ingat na ingat akong naglakad papunta sa cabinet niya. Maingat ko iyong binuksan para hanapin ang kailangan ko.

Hinanap ko ang medicine kit na baka kailanganin ko mamaya. "Gotcha," bulong ko sa aking sarili nang makita iyon. Bumalik ang tingin ko kay Zeph, tulog pa rin naman siya. Tumayo na ako at nagmadaling lumabas.

I took my car with me, I revved the engine before driving out. Kailangan kong bilisan dahil baka makahalata sila. As much as possible, mas gusto kong makauwi bago sila magising. Binilisan ko pa ang pagmamaneho.

Papunta ako ngayon sa Alfonso. Mag-babaka sakaling nandoon siya. Ang sabi niya, doon ko raw siya hanapin kapag nawawala siya. Exactly what I'm doing right now. Hindi ko alam kung nawala na ba siya sa katinuan at hindi siya nagpa-ospital sa lala ng sugat niya kanina.

Dire-diretso lang ulit ako papasok dahil wala pa rin namang pake yung guard. This time, kabisado ko na kung saan yung bahay niya. I took a quick glance outside, mukha pa ring walang tao. Pumarada na ako at lumabas ng sasakyan.

The gate is still locked and I was left without a choice. Inakyat ko na naman yung gate at tumakbo papunta sa pinto. Pinihit ko ang door knob, nakabukas lang din iyon. I didn't bother opening the lights.

Tatakbo sana ako paakyat nang maalala kong baka wala siya roon, sa halip ay hinanap ko ang pinto ng basement. Tahimik akong bumaba habang pinapakiramdaman ang paligid. It's quite chilly in here.

I gasped when I saw him quietly sitting on the billiards table. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, atleast I found him. And he's not dead nor is there any blood gushing on the floor. Nakayuko lang siya habang binebendahan ang may sugat niyang braso.

"Sander," malumanay kong tawag, kapit na kapit ang pareho kong kamay sa gabay ng hagdan. He stopped momentarily. Iniangat niya ang kanyang ulo para tumingin sa akin. "A-are you o-okay?" I asked while stuttering.

"Do I look okay?" Di naging mataray o masungit ang tono ng boses niya. Monotone, walang reaksyon. "No, you don't," matapat kong sagot.

Bumaba ako ng tuluyan at nilapitan siya. Iniwas niya agad ang kanyang sarili. Why is he being so distant suddenly? "Bakit ka ba nandito? Alis na," pagtataboy niya at tinapunan ako ng tingin.

Alis na? Really, San?

"I went here to check on you, kaya syempre bakit ako aalis?" And I refuse to leave! Tignan mo nga yung itsura niya, he looks like a hot mess! Ang dami nyang pasa tapos may sugat pa siya. Lagi ko nalang siyang naabutang ganito tuwing pumupunta ako rito.

"Cause you're not wanted."

Umirap ako, "Stop pushing people away." Tumalikod ako at iniangat ang aking sarili para umupo rin sa pool table. Maingat kong inabot ang may sugat niyang braso. Napadaing siya sa sakit. Unti-unti kong tinanggal ang benda para tignan iyon. Malalim ang sugat niya, considering na ang tulis nung bakal na humiwa sa kanya. Tsk, mukhang di pa rin na-sterilize ang sugat.

"Dyan ka lang, may kukunin lang ako," paalala ko at tumakbo pabalik sa kotse. Dapat kasi kanina ko pa kinuha 'tong medicine kit pero di kasi ako sigurado kung nandito ba siya. Nang makuha ko iyon ay mabilis akong bumalik sa baba.

Tumabi ulit ako sa kanya at nilapag ang kit sa pool table. Pinaharap ko siya sa akin para tignan pa ng mabuti ang sugat. Hindi na iyon nagdudugo kaya mas kita na ang lalim nito. I unzipped the kit and took all the necessary things I would need.

Binawi agad ni Sander ang kamay niya nang makita ang mga nilabas ko. I raised a brow, "What? You think that will heal on it's own?" pagalit ko. Tinatanggihan niya pa kasi, gusto niya atang mamatay dahil dito.

Retrograde (Completed)Where stories live. Discover now