Chapter 35: Wasted

3.9K 85 2
                                    

Kristom's POV

Napangiti ako ng mapait ng makita syang tumakbo palayo sakin. masakit palang makita na yung taong mahal mo at patuloy mong minamahal ay naglalakad palayo sayo. Nakatayo parin ako dito hanggang ngayon. I just don't have enough strength to walk without anyone to support me.
But I guess this is reality. Wala na kami ni Purple, wala nang tutulong saking umusad at umalis sa nakaraan, I think i'll be forever stuck in the past.

Napangiti uli ako ng mapait dahil sa natatanaw ko. Purple is laughing with Ace. Kung hindi ko lang sana sya sinaktan edi sana ako yung nasa tabi nya ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako at umalis na mula sa kinatatayuan ko. I won't let you go Purple. I won't.

Purple's POV

Mabilis na lumipas ang oras, pauwi na ako ngayon at hindi muna sumabay sakin si Ace. Bibisitahin nya kasi ang Arena ngayon, He's still the emperor after all.

Naglalakad ako palabas ng Dangerose Academy nang may tumawag sakin. Napangiwi ako dahil sa nakita ko sa screen ko.

(Kristom Calling...)

Wala ba talaga syang balak tigilan ako?! ugh! He's being immature and unreasonable!

Imbis na sagutin ay ibinaba ko ang tawag. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang may tumawag muli sakin. It's Kristom again!

Napabuntong hininga ako dahil sa kakulitan nya. Istorbo talaga!  Pinatay ko muli ang tawag, maging ang phone ko ay pinatay ko na din.
For sure kukulitin nya lang ako ng kukulitin.

Nakarating ako sa parking lot ng matiwasay kaya napagdesisyunan ko nang buksan uli ang cellphone ko. Siguro naman tumigil na yon.

Napangiwi uli ako ng makita kung ilan ang misscall nya sakin

(100 Misscall)
(50 Messages)

Aish! Bakit ba nya ako patuloy na kinukulit? Sa pagkakaaalala ko
Kausap ko lang sya kanina and yet mukang gusto nya uli na kausapin ko sya?! Hindi nagtagal ay muling nag-ingay ang cellphone ko. Tanginaa!

I think I should really answer his call this time. Pinindot ko ang answer button at itinapat sa tenga ko

"What?!" Bungad ko sakanya

Maingay na musika ang nadidinig ko sa background nya. Nasaan kaya sya?

"Hello? uhm sorry po miss! kasi po tong lalaki sa counter, nakatulog na po dito sa bar namin. Kayo po ang tinawagan ko kasi po nakalagay sa Contacts nya na Girlfriend ka nya."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng taong kausap ko. Girlfriend?Bumuntong hininga muna ako saka sinagot ang lalaki.

"Anong Bar yan? I'll go there right now, ako nang bahala sakanya." ako

"Lovex bar po mam."

"Sige, I'm on my way."

(END CALL)

Ano bang balak nya sa buhay nya? Ako napeperwisyo e!

-

Pagkapasok ko sa bar na sinasabi nya ay nagtinginan lahat ng tao sakin.  Sino ba namang hindi magtataka kung may pumasok na nakauniform dito diba? Kristom is really getting in my nerves!

Nilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang lalaking nakaupo sa counter at nakadukdok ang mukha.

Likod palang ay kilala ko na. Kristom.

Sa harap nya ay makikita ang isang lalaking hindi alam kung anong gagawin. Maybe, he's the one that called me.

Napailing ako mula sa kinatatayuan ko. iinom inom hindi naman pala kaya!

Agad akong lumapit sakanila at tinanong ang lalaki

"Hi ako yung tinawagan mo kanina. My name is Violet, ano bang nangyari sakanya?" ako

"Eh mam kasi, kanina po nung pagkadating nya dito, nagorder agad sya ng alak. Sabi nya po yung pinakamalakas. Nagwala po sya kaya no choice ako kundi sundin nalang sya." nahihiyang sagot ng bartender

Napabuntong hininga ako.

"Nakapagbayad na ba sya?"

"Yes po."

"Okay you can go now, I'll take care of him." ngumiti ako ng pilit sakanya bago sya umalis

Sakit talaga sa ulo tong lalaking toh!naman oh! Pinatong ko ang kamay nya sa balikat ko saka sya inalalayan sa bewang, medyo mabigat sya pero okay lang naman.

Agad ko syang sinakay sa bigbike ko, nilagay ko sya sa likod ko bago ako sumakay sa harap.

Niyakap ko ang kamay nya sa bewang ko. Wala ng oras para maginarte pa! ayoko namang iwan sya dito. kahit papano may parte parin sya sa buhay ko.

Sinimulan ko na ang pagbyahe. sa Rose Mansion ko muna sya dadalhin, Naramdaman ko ang bahagya nyang paggalaw sa likod ko.

"My love, please come back to me.."

So that's the reason why he get drunk huh?  napangiti ako dahil sa sinabi nya. Kung ganun lang sana kadali, baka napatawad ko na sya. But still alam kong hindi ko sya kayang mahalin kung alam ko sa sarili ko na hindi ko pa sya tuluyang napapatawad. I don't want to do reckless decision for now. What I can only do now is to hope that he'll move on from me.

I already have Ace and I love him, I know hindi pa ganun kalalim ang pagmamahal ko sakanya but I also know that I will get to that point when time passed by. He's very important to me.

Humigpit ang yakap nya sakin kasabay ng pagbilis ng pagpapatakbo ko. If only I could remove the pain and agony in his heart. I'll surely do my best to make him happy, but I know I cant. We're not meant to be, We dont fit each other.

*ROSE MANSION*

Nang makarating kami sa Rose mansion ay inalis ko ang kamay nyang nakapulupot sakin. Inalalayan ko syang bumaba saka isinukbit ang kamay nya sa balikat.

Inalalayan ko sya hanggang sa kwarto ko, nakasalubong ko pa nga si Pink pero sabi ko sakanya na ieexplain ko nalang mamaya. Nagtataka man ay pinabayaan nya ako.

Hiniga ko si Kristom sa kama.

Bahagya akong natigilan ng tawagin nya uli ang pangalan ko, how I wished that I can help him to move on from me. Hinawi ko ang buhok nya na nakatakip sa mukha nya.
Natuyo na ang luha sa mukha nya.

Lumabas muna ako sa kwarto at nagtungo sa kusina. Naghanda ako ng mainit na tubig at kumuha din muna ako ng tshirt galing sa maleta ni Ace.

Bumalik ako ng kwarto na may hawak ng tubig, shirt at twalya.

I can't leave him like that anyway, mukang magkakalagnat pa sya dahil sa unti-unting pag-init ng katawan nya.

Hay Kristom, ano bang ginagawa mo sa sarili mo? nawala lang ako
kung ano-ano ng nangyari sa buhay mo.

Unti-unti kong tinaas ang mga braso nya, inalis ko ng tahimik ang shirt nya. Kinuha ko ang twalya at nilublob sa maligamgam na tubig, pinigaan at maingat na pinahid sa katawan nya.

Marahan kong hinawakan ang kamay nya, I cleaned him silently. Nang matapos ay sinuot ko ang damit ni Ace sakanya. Bahagyang gumalaw ang kamay nya nang makita kong may tatoo sa pulsuhan nya. Dahil sa curiosity ay kinuha ko ang pulso nya at tiningnan ang tatoo. kelan pa sya nagpatatoo nito?

Namula ang mukha ko ng makita ang nakalagay sa pulso nya.

Kristom ♥ Purple

Naiiling na binitawan ko ang kamay nya, Is he really that serious about me? Mahal ba talaga nya ako? baka naman pakitang tao lang uli toh? di kaya niloloko nya ako uli? argh!pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko dahil sa kaiisip! same as my heart, pakiramdam ko pati puso ko sasabog na din dahil sa bilis ng tibok nito.

Bago umalis ay hinalikan ko muna sya sa noo. sinulyapan ko sya ng huling beses bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Damn these man, feeling ko tuloy nagtataksil ako kay Ace! Don't let your guard down Purple!

XOXO

Poisonous Rose ( S I G N E D ) Where stories live. Discover now