Chapter 4: 3 Bastards

6.9K 156 5
                                    

Purple's POV

Andito na kami sa room namin ngayon at lahat ng magiging kaklase namin sa taong ito ay tinitingnan at pinagbubulungan kami. Ang iba ay sinasabing magaling daw kami pero panget habang ang iba naman ay sinasabing okay na maging panget atleast malakas. Fan at Haters lang ang peg? Tingin ko sa ngayon, mukhang mas madami parin kaming haters dahil nga sa itsura namin. Mga tao talaga , tsk.

Kasalukuyang nagpapakilala si Scarlet na halatang halata ang pagkabadmood dahil sa kunot na noo at masamang tingin. What happened to her?

"Hi. Reddiana Brand is the name. Red nalang para sainyo."

Tatalikod na sana siya ngunit may isang studyante na nagtaas ng kamay. Tinaasan nya ng kilay ang lalaki na agad ding nagtanong. Akala ko ay mas sasama pa ang mood nya, ang kaso lang, sa halip na mairita ay ngumisi sya. Kilala ko si Scarlet, Kapag ganyan ang ngisi nyan, ibig sabihin, may balak syang masama.

"Anong tipo mo sa mga lalake? May type din naman kahit mga nerd diba?"

"Well I specifically like boys who's gentleman and respectful. Hindi katulad noong blonde sa likod na napaka sama ng ugali. And yes, pangit man kami, we still have a type. Babae parin naman ang mga nerds. Hindi ko naman planong pakasalan nalang ang mga libro."

Dahil sa sinabi niya ay nagsimulang magbulong-bulungan ang lahat, I wonder why.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at nakita ang isang lalaking blonde na masama ang tingin kay Scarlet. Si Scarlet naman ay may ngiting tagumpay habang nakatingin ding mapangasar kay Mr.Blonde na medyo chinito. Ano kayang ganap nitong dalawa? May nangyari kaya kanina?

"Si Jacob ba ang tinutukoy nya?"

"Siguro, Sya lang naman ang blonde dito eh."

"Di na ako magdidisagree pa girl, totoo naman yung sinabi niya eh."

"Oo nga, ilang beses ko na siyang sinubukang lapitan. Hindi naman niya ako pinapansin! Arogante!"

"Gaga! paano ka mapapansin? Ang panget mo kaya."

"Ouch."

Natawa ako sa bulungan nila. Grabe naman maka-panget ang isang yun. Kung panget na sila nyan, kamusta naman ang itsura namin ngayon? Maligno?

"Ehem." Tiningnan namin ang professor na ngayon ay nakaismid na sa tagal ng intro ni Scarlet. Mukhang kanina pa ata gusto sumingit.

"Next Please." Makahulugang sabi nya.

Sunod na tumayo si Feusha, Sya kasi ang susunod sa upuan ni Scar.

"Hi! My name is Ferusha Smithlan. At kung tatanungin nyo din ako kung anong tipo ko sa lalaki, I want guys who knows how to respect girl's privacy. Hindi katulad noong isa dyan na nagbabasa pa ata ng FHM."

Tiningnan naming lahat ang isang lalaki sa likod na nagbabasa nga ng Woman's Magazine katulad ng sabi ni Feusha. Bakit parang ang dami naman atang nangyari sakanila noong naliligo ako? Mabilis na namula ang lalaki at defensive na umatras.

"Hindi kita binosohan nerd ha! Hindi talaga!"

Bumalik ang tingin ng lahat kay Feusha. Mukha na nga kaming nanoood ng volleyball game dahil sa palipat lipat na tingin.

"Wala naman akong sinasabing binosohan mo ko. Guilty huh? Pervert Asshole."

Ngumiti siya ng matamis dito at saka umupo sa tabi ko. I laughed. Kawawa naman ang lalaking yon. Si Feusha pa kasi ang sinubukan.

Poisonous Rose ( S I G N E D ) Where stories live. Discover now