Kabanata 8

2.1M 55.1K 28K
                                    

[Kabanata 8]

Oplan Tigil Kasal!

FIRST, para mailigtas si Juanito, kailangan hindi matuloy ang kasal. Ang isa sa mga paraan para matigil ito ay kailangang maging close si Juanito at Helena. Mukhang hindi naman ako mahihirapan dahil pareho silang may feelings sa isa't isa.

Second, kailangan ko maka-isip ng idadahilan kay Don Alejandro at Don Mariano para hindi na nila ipagpilitan pa ang arrange marriage na 'to. Kaya lang, wala pa akong maisip.

"Malalim na ang gabi. Bakit hindi ka pa natutulog?" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Josefina. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto at ngayon ay sinisilip niya ang sinusulat ko sa diary.

Agad kong sinara ang diary, "Aking nabasa ang pangalan ni Juanito. Ano ang isinulat mo tungkol sa kaniya?" kantyaw ni Josefina saka sinagi ako.

"W-wala. Wala namang nakasulat na pangalan niya rito. Bakit ko naman gagawin 'yon?" pagtanggi ko. Inilagay ko na sa drawer ang diary saka humiga sa kama. Tumango-tango na lang si Josefina pero nakangisi pa rin siya. "O'siya, paniniwalaan ko ang iyong sinabi" saad niya, bakas sa mukha niya na pinagdududahan niya ang sinabi ko.

Nagtaklob na lang ako ng kumot. Pinatay na niya ang sindi ng lampara saka lumabas ng kwarto.


KINABUKASAN, pinatawag ako ni Doña Soledad sa silid-aklatan ng bahay. Hindi naman ako naligaw dahil naisama na ako roon ni lola Carmina. Naabutan ko si Doña Soledad na abala sa pagpapatong-patong ng mga libro sa mesa.

Ngumiti siya sa'kin nang makita ako, "Iyo na bang natapos ang lahat ng aklat na binabasa mo, anak?" tanong niya. Napalunok na lang ako, ano bang pinagbabasa ni Carmelita? Hindi naman ako mahilig magbasa ng libro.

"Opo?" sagot ko, maging ako ay hindi siguardo sa sinabi ko. "Siya nga pala, ang mga aklat na ito ay mula sa iyong tiya Rosario, para sa iyo raw ang lahat ng ito" ngiti niya, napatulala ako sa mga librong nakapatong sa mesa. Ang kakapal. Ang daming libro, at dahil diyan, ang dami ring problema. Paano ka babasahin 'yan? Halos nakasulat sa wikang Kastila ang mga librong iyon.

"Ikaw ba ay hindi nagagalak, Carmelita?" natauhan ako sa tanong ni Doña Soledad. Napansin niya siguro na namomoblema na ako kung anong sasabihin ko sa oras na may magtanong kung nabasa ko na ba mga librong iyan.

Ngumiti na lang ako kahit pilit, pinagpapawisan na naman ako. "Ang saya-saya ko po talaga" ngiti ko. Kulang na lang ay bigyan ako ng jacket ni Doña Soledad.

Nagsimula siyang humakbang papalapit sa'kin, nararamdaman ko na may sasabihin na naman siya na tanging si Carmelita lang ang makakasagot. Kailangan ko nang um-exit dito.

"Ah. Ina, pupuntahan ko lang po si tiya Rosario para magpasalamat" paalam ko. Nagtaka naman ang hitsura ni Doña Soledad.

"Ngunit nasa Laguna ang iyong tiya Rosario, pinadala niya lang ito rito. Iyo na bang nakaligtaan?" muli akong napalunok.

"A-ang ibig ko pong sabihin, susulatan ko po siya. Babalik na po ako sa kwarto ko" ramdam ko ang pawis na tumutulo ngayon sa noo ko. Ngumiti nang malumanay si Doña Soledad, "Marapat lamang na ipaabot mo sa kaniya ang iyong pasasalamat. Huwag mo ring kaligtaang pasalamatan ang Panginoon sa mga biyayang ipinagkakaloob niya sa iyo"


KINAGABIHAN, habang nag-hahapunan kami, nagpaalam ako kay Don Alejandro na pupunta ako sa bahay nila Juanito pero hindi siya pumayag dahil gabi na. Gabi na rin kasi siya umuwi kaya hindi ako nakapagpaalam agad. Hindi pa naman din uso ang cellphone ngayon, tinext ko na lang sana si Don Alejandro kanina para maaga akong nakaalis.

Nakahiga na ako ngayon sa kama at tulala sa kisame. Naiinip na ako, eight o'clock pa lang ng gabi pero oras na ng pagtulog. Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Theresita.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Where stories live. Discover now