So, why did she ran away? 

---

+Minzy's Point of View+ 

Kakausapin ko sana si Dark ng maayos tungkol sa nangyari earlier kaso may narinig akong napakanakakairitang boses. And you guessed it, si Fionelle ang nagmamay-ari ng boses na iyon. I don't know why but I really hate her the first time I saw her. Siya ang dahilan kung bakit sira lagi ang araw ko, tch. Hindi ko alam kung bakit siya ang Queen ng Black Guild. 

I should be the one in that position. 

Wait, kung iniisip niyo na may gusto ako kay Dark, a big NO. Deserve ko lamang ang position na iyon dahil napakalaking sakripisyo na ang nagawa ko para sa grupo. I risked my life just to be in the position where I am now, being the secretary of Black Guild. At bigla nalang siyang darating at magiging Queen nalang. That's fvcking insane! Isa yan sa dahilan kung bakit masama ang loob ko kay Dark. 

"Believe me Dark! SHE IS SCARY!" rinig ko ang humahagulgol na si Fionelle. Tch, halatang peke ang iyak, hindi marunong umarte ang leche. 

Pero sino bang tinutukoy niya? 

"Nagbago ang kulay ng mata niya! I SWEAR! NAGDILIM ANG KULAY NETO OR WHATEVER! BASTA NAGBAGO!" 

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. She's crazy, walang tao na nababago ang kulay ng mata. Gagawa na nga lang ng storya yung hindi pa kapani-paniwala. 

"Nababaliw ka na ba Fionelle? That's crazy talk! No one can do that kind of thing!" bulyaw ni Dark sa kanya 

"Meron! At siya iyon! Believe me, she's dangerous. So if I were you, stay away from that bitch!" giit pa niya at napairap na lang ako. Sino ba kase ang pinag-uusapan nila? 

"Don't ever call Elle a bitch. Because you're the one who's acting like a desperate bitch here. Who's the bitch now?" 

Mas lalong lumakas ang paghagulgol niya kaya't mas lalo kong gustong matawa. Mukha siyang asong naulol sa ginagawa niya. Bakit? Wala lang. Mukha naman talagang aso yan eh. 

So si Elle pala ang pinag-uusapan nila? Hmm, interesting. Kung ganun lang rin ay wala akong kakampihan sa kanilang dalawa. Fionelle's a bitch while Elle's a kriminal. 

"Aish what's with all the commotion about?" parehas silang napatingin sa pagpasok ng magandang si ako. Tinignan naman ako ng masama ni Fionelle 

"What? Kakausapin ko lang si Dark. Hindi lang ikaw ang may karapatang kausapin siya darling." nakangisi kong sabi at mas lalong sumama ang tingin niya 

"Leave Fionelle. Wala na tayong dapat pang pag-usapan." 

Napakuyom ang kanyang kamay habang dahan-dahang tumayo. Hinarap naman niya si Dark at nagsalita 

"Pagsisisihan mo 'to Darkvon. Darating ang araw na marerealize mong niloloko ka lang ng Elle na yan!" may diin niyang sabi at lumabas. At ang binangga pa talaga ako, bastos talaga. 

Napahawak si Dark sa sentido niya at napasandal sa swivel chair. Nang malansin niyang nandito pa ako ay tinignan niya ako ng masama

"What do you want?" walang emosyon niyang tanong 

"Gusto lang kita kausapin about earlier." kalmado kong sabi sa kanya. 

Honestly, hindi ako galit. Sadyang nagulat lang ako at nanghihinayang sa efforts na nasayang namin. We were all sure that Elle is the one who killed Geneva. But in just a snap, she's no longer the suspect, in Dark's eyes. 

BloodNight AcademyWhere stories live. Discover now