My Fangirling Story

52 5 0
                                    

Princess And I days... That time, I am already a Grade 5 student. Too young to idolize the young actor and actress. Too young to shout, "I love you, Daniel Padilla!", Im too young to clear this special feeling inside my heart. I studied in a public school so may palitan. Nagkataong panghapon ako at gabi ang uwi ko. 2012, that was a year na umiiral ang KathNiel. KathNiel Tshirt, ID laces, notebooks... Everything! I was so confused like, "Ha? Anong meron? Sino sila?" Wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari. Ang kilala ko lang teen noon ay si Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Christopher Martin and so on. By the way, I am a Kapuso back then, seriously. Ganito. I grew up na Kapamilya talaga, Cartoon Network madalas, pero nasira yung TV namin so naging GMA.  Kaya lahat ng artista doon, halos kilala ko na. Then sakto, that time, unexpectedly, nakabili ng bagong TV. Umabot pa ng 3 years bago mapalitan. Everyday, I mean, every night, my Mother always watching news. Pero ang naaabutan ko talaga ay PAI. May isang episode akong napanood na tumulala talaga ako. Shit. Who's that girl? She looks so familiar! Talagang tinititigan ko. Meron talaga syang kamukha eh! Dumating sa point na nabebrainstorm na ako. Curious talaga ako. Tapos I think may replay yata ng Super Inggo dun sa Channel 23. Inaabangan ko talaga yun mula noon pa. Talagang gustong gusto ko nun si Maya! Si Maya... Maya... Naalala ko yung mukha nung babae sa palabas. SYA NA PALA YUN! SYA NA SI MAYA! Imbes na Mikay ang itawag ko, Maya ang madalas. Talagang nababaliw na ako kay Kathryn noon. I admit, Gino's a handsome guy. Yeah. His hairstyle, his outfit, his gestures... Badboy look! Mula noon, wala na, mas maaga na akong umuuwi. Nababaliw na sa PAI. Then biglang lumabas yung trailer ng Got To Believe. Doon ko nalaman yung mga pangalan nila. Yes. Pangalan at mukha lang nila ang alam ko. Naiinis ako kasi gandang ganda ako kay Kathryn pero hindi ko masabi. One time, nanonood ako ng Got To Believe. Ngiting ngiti ako kapag nagpapatawa, nag-aasaran sila Chichay at Joaquin. Pero nung naabutan ako ni Mama na tawang tawa sa mukha ni Daniel, sabi nya: "Nababaliw ka na dyan. Crush mo no?" Then pinatungan pa ni Daddy, "Pangit naman yan. Mas pogi pa ako dyan eh!" Syempre sa edad kong yun nalungkot ako. Iba ang ibig sabihin ng crush sakin at takot akong magkacrush. Ayaw ko. Kapag kasi may nakakaalam nun, kinakalat tapos nang-aasar. Baka lalo nila akong asarin kapag sinabi kong crush ko si Daniel Padilla. Eh karamihan ng classmates ko, ang mga crush nila mga kapwa classmates ko din or schoolmate. So lalo akong nahiya. Hindi ako umaamin. Lagi nalang akong humihindi. Kahit si Kathryn, hindi ko masabing girl crush ko rin. Wala eh.

Dumating yung time na gumulo lalo yung pamilya ko though wala nang mas gugulo pa dito. Araw araw talaga may rambulan sa bahay. Lalong nawala ako sa focus sa fangirling life ko. Ang nasa isip ko lang noon is mag-aral nang mag-aral, magkaroon ng top, intindihin yung kapatid ko at tindahan namin tapos awatin ang mga magulang ko sa away nila. Masaya ang kabataan ko pero nagiging tragic kapag nagsasama yung parents ko. Everyday umiiyak ako. Until I became a highschool student. Grade 7 ako nun. Yung pamilya ko, nasira nang tuluyan. We're sepparated. Pero magkakasama kaming mag-iina. Medyo umayos ang buhay ko. Sa room, lagi akong tulala tapos walang pakialam sa mundo until my classmates caught my attention. Nagkukumpulan sila sa gilid ko. They're talking about Kath and Dj. Sino ba sila? Tapos may naririnig pa akong bal daw? Hala? Syempre poorita ako. Walang phone. Nakikinig lang ako sa kanila. Kinikilig sila. Nagtatatalon. Ang saya saya nila. Ako? Nakatingin lang. Months passed, nagkaroon ang ng phone pero wala namang silbi kahit touchscreen dahil walang kalaman laman. Mukha ng mga kaklase't pinsan ko ang nasa gallery. Puro games. Ang boring kaya iniiwan ko minsan sa bahay. At dahil improving ako that time, nilabas ko na ang best ko para magkaroon ng kaibigan. Oo, medyo nagiging papansin ako dati dahil wala talagang lumalapit sa akin. Ginamit ko yung talent ko sa pag-aayos ng buhok. Biglang nagsidami sila. Okay lang. Back to normal. Eh kaso nasanay sila. One of my daily model ay yung classmate kong KNF. Super fan sya. Richkid kaya naka-Iphone. Eh anong magagawa ko diba? Tuwing tinatalian ko sya, sumisilip ako sa phone nya. Si Kathryn tapos si Daniel ang wallpaper. Yung gallery nya, puno ng KathNiel. Tapos minsan nagpapatugtog sya ng mga kanta ni Daniel. Inggit na inggit ako. Hindi ko na napigilan. Matapos kong mag-ayos ng buhok nya, nilabas ko yung phone ko. Sabi ko, "Beh, papasa naman ako ng pictures nila Kathryn pati ni Daniel. Pati na rin mga kanta." Nagulat sya sakin. Sabi nya, "Bakit, Via? KathNiel ka rin?" Nagulat ako. "Anong KathNiel?" tanong ko. Sumagot sya. Sabi nya yun nga daw sila Kathryn tapos si Daniel. Ignoranteng ignorante ako kapag katabi sya. Pinasahan nya nga ako. Sabi ko kung pwedeng lahatin nya, okay lang. Buti pumayag. Tapos simula noon, linggo linggo nagpapapasa ako ng mga pictures sa kanya hanggang sa nag-full storage na yung phone ko. Umabot na ng 1k yung mga pictures nila. Pero pasikreto yun. Hindi ko pinapakita yun sa nanay ko. Ako lang ang may alam. Silent fan ako kung tawagin. Tapos yung KNF na yun, naglabas ng mga KathNiel stuffs nya. Magazines, ID lace, Albums tapos mga printed pictures ng KathNiel. Hanggang tingin lang ako. Hindi ko rin pwedeng hawakan dahil hindi kami sobrang close nun. Sabi ko, bakit ganun? Bakit parang hindi ako matatawag na fan?

KathNiels ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon