CHAPTER 27: Jana's Journal part 3

Start from the beginning
                                    

Kinakabahan ako sa magiging resulta. Nakikita ko si Mama na sobrang nag-aalala na sa akin. I checked my phone and browse through the pictures.

Tinignan ko ang mga pictures namin ni Kier. Then I decided I will fight for him no matter what. Kahit ano pa'ng nangyayari sa akin, lalaban ako para sa kanya.

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik kami sa ospital para malaman ang resulta.

Sa loob ng isang linggo naging madalas ang mga masamang nararamdaman ko. Naging busy si Kier sa pag-aaral kaya hindi niya pa rin nalaman ang mga nangyayari sa akin. Alam ko kasing isasakripisyo niya ang pagaaral niya para sa akin. Ayaw kong mangyari ‘yon. Kaya ko ito, para sa kanya.

If you’re reading this my love. I’m sorry. I know you think that I fought this alone, but I didn’t. You are always with me. Inside my heart and mind.

“Mrs. Harper. We were able to analyse the result of your daughter’s CT scan and it turns out that this is a very serious case and we have to act on it as soon as possible,” sambit ng Doctor sa amin ni Mama.

“So what’s happening to her Doc?” Nag-aalalang tanong ni Mama.

“We have detected a tumor on her brain, and its cancer cells has spread throughout her body.”

Bumuntong hininga ang Doctor at muling nagsalita, “I am sorry to tell you Mrs. Harper, but your daughter have a Brain Cancer and it’s going through stage 3 and 4 rapidly. This is the first time we saw this kind of fast spreading cancer. I am sorry but this is something we can’t treat here in our country.”

Nagulat si Mama sa narinig mula sa Doctor, “C-Cancer?! Doc baka nagkakamali lang kayo?! We are willing to do the test again and again. Hindi naman 100% accurate ang mga test ‘di ba?”

Natulala ako, ramdam na namutla, at hindi nakapagsalita. Kinakabahan ako. Ano'ng mangyayari sa akin? Cancer? Ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang tumanda kasama si Kier. Oh God please no!

“I’m sorry Mrs. Harper, we are definitely sure about the condition of your daughter.  It’s hard for me to tell you this but she doesn’t have much time left. The fast growth of her cancer cells is really rare. I say maybe within a year if this is not treated,” siryosong paliwanag ni Doc sa amin.

“I recommend going abroad to treat her condition. There are facilities in other countries like America that may treat her or prolong her life," dagdag pa niya.

Bumaling sa akin si Doc, "Lakasan mo ang loob mo, hija. Lumaban ka para sa sarili mo at para sa mga mahal mo sa buhay.”

“Oh no my baby!” humagulgol sa pag-iyak si Mama at niyakap niya ako nang mahigpit. “Jana anak, hindi ka mamatay, okay! Lalaban tayo! Hindi mo iiwan si Mama ‘di ba? Si Kier at si Pogi they need you. Please anak kakayanin natin ito. Gagawin ko ang lahat para sa’yo!”

“Ma ayaw ko po'ng mamatay. Ayoko po mawala kay Kier. Please po," pabulong ko kay Mama dahil parang wala na akong lakas na tanggapin ang lahat. Agad na tumulo ang luha sa aking mga mata habang pasan ang bigat ng aking damdamin.

“Hindi anak. Please don’t say that. We’ll get through this. Kung kailangan ko kausapin ang Papa mo para makapunta tayo ng America, gagawin ko! Gagaling ka Jana!"

Hindi tumigil sa pagbuhos ang mga luha ni Mama.

Sinabi ko kay Mama na ayaw kong malaman ni Kier ang lahat, not until he's finished with the BAR exam. I came up with a plan on how to keep it as a secret. Naintindihan naman ni Mama kung bakit.

Kinabukasan ay pinapunta ko si Kier sa bahay namin.

Nasa kwarto ko lang kami ng araw na iyon. Nakahiga kami at nakayakap ako sa kanya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now