CHAPTER 26: Jana's Journal part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

“My love kamusta studies mo?” Tanong ko kay Kier.

“Heto pahirap na ng pahirap. Masakit na nga sa ulo minsan eh.”

“Amm..” Yumuko ako at nalungkot. “B-baka dahil sa akin kaya nahihirapan ka na?”

“Jana naman. Why are you saying that?”

“Kasi hati na ‘yong oras mo. Dati kasi noong wala pa ako sa buhay mo, buong oras mo ay nasa pag aaral.” Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. “Kier, please tell me kapag kailangan mo ng time a. Ayaw ko sana na ma-compromise ang pag aaral mo dahil sa akin. I can give you time kapag kailangan mo.”

Tinanggal niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at siya naman ang humawak sa kamay ko.

“Jana my love, dati kaya ko ginusto mag lawyer is just to fulfil my grandpa’s dying wish. But now I’ve found you. I’ve found my goal in life. Sa'yo ako kumukuha ng lakas para malagpasan lahat. You gave me a reason, my love. A reason for everything. Please don’t ever, ever say, that you are becoming a hindrance ‘cause you are my destination in this road.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Deep inside ang saya saya ko.

I really don’t regret meeting him by chance.

Ilang saglit pa ay ‘di namin namalayan na gabi na pala. Pag kasama talaga namin ang isa’t isa tila humihinto ang oras.

Bigla namang tumugtog ang theme song namin sa buong Yacht.  Tumayo siya at inialok ang kamay niya sa akin.

“Pwede ba kitang maisayaw my Queen? Like a dancing Queen?”

“Ikaw talaga may halo pang biro,”  pabiro ko siyang pinalo sa braso.

Humawak ako sa kamay niya at tumayo rin. Kahit maraming nakakakita, kahit hindi namin solo ang buong lugar, at kahit nakakahiya, marahan akong isinayaw ni Kier.

Nakayakap kami sa isa’t isa habang sumasayaw sa saliw ng tugtuging My Everything by 98 Degrees.

(Now Playing: My Everything by 98 Degrees)

The loneliness of nights alone

The search for strength to carry on

My every hope had seemed to die

My eyes had no more tears to cry

Then like the sun shining up from above

You surrounded me with your endless love

And all the things I couldn’t see are now so clear to me

You are my everything

Nothing your love won’t bring

My life is yours alone

The only love I’ve ever known

Your spirit pulls me through

When nothing else will do

Every night I pray on bended knee

That you will always be my everything

The song goes on and on as we dance through it.

It feels like seeing a thousand butterflies and warm December nights.

Pakiramdam ko lumulutang kami habang sumasayaw. Pakiramdam ko walang ibang tao kung hindi kami lang. Madilim ang paligid at siya lang ang ilaw.

Sana hindi na ito matapos.

Bumulong sa akin si Kier habang kami ay sumasayaw. “Huwag mo akong iiwan ah. Hindi ko kakayanin.”

“Not until my last breath, my love. While this heart beats, with its every beat, it will only be for you.”

Pagkatapos naming sumayaw, muli kaming naupo ni Kier.

“Are you okay, my love?” Tanong sa akin ni Kier at hinawakan niya ulit ang mga kamay ko.

“Yap!” Sagot ko at nginitian ko siya.

“Masaya ka ba ngayon?” Tanong niya ulit.

“Oo naman Kier. Sobrang saya. Salamat my love.”

“May gusto nga pala akong sabihin at ibigay sa'yo,” humigpit ang hawak niya sa kamay ko but not to the point that it hurts.

“Jana...” Tinitigan niya ako nang may sincerity sa kanyang mga mata.

“I promise to love you and do everything for you. I promise to work on our relationship so that one day we could get married. I promise to protect you and take care of you. I promise to understand you and everything that you do. I promise that not a day goes by that I won’t love you. I will love you every day and night. I promise to be your man. I promise that you will be the whole reason of everything I do.”

“Jana my love...” He went through his pocket and bring out a white gold ring with our birthstones on it. A violet Amethyst and a pink Tourmaline.

“Please accept this ring as a symbol of the promises I made for you. As a symbol of my love for you. As a symbol and remembrance that you are my destined goal.”

Hindi ko napigilang lumuha dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko. I didn’t expect na mararanasan ko ito. Dati napapanood ko lang sa TV or nababasa sa libro, but here it is. He’s really the most amazing man.

Ngumiti ako at hindi nakapag salita. Tumango lang ako ng tumango para ipaalam sa kanya na tinatanggap ko ang mga pangako niya. Iniabot ko sa kanya ang kaliwang kamay ko para maisuot ang singsing. He gently put it on my ring finger and it really feels like I have the world with him.

Saktong sakto sa daliri ko. This night is really perfect.

“Kier...” Tumayo ako at tumayo din siya. “Mahal na mahal kita. Thank you.” Naiyak ako nang sobra. Tears of joy. Nag uumapaw na kasiyahan.

Agad ko siyang niyakap at binigyan ng halik sa labi. Halos buhatin niya pa ako sa diin ng halik namin. Nagpalakpakan naman ang mga tao kaya't naawat kami at nginitian namin sila.

Bumulong sa akin si Kier habang tumatawa, “Akala siguro nila nag propose na ako. Well, mas matindi kaya dito magiging proposal ko.”

“Ikaw talaga,” bulong ko sa kanya.

“I love you Jana.”

“I love you more Kier.”

Natapos ang araw na iyon. Pero para sa akin hindi. Habang buhay kong maaalala ang pinaka special na araw na iyon. Habang buhay kong maaalala ang mga pangako niya. Habang buhay ko siyang mamahalin.

My Love,

Thank you for making feel like a Queen. Not just that day, but everyday since you came. I’m sorry but I can’t help it, all the memories are fading away. The only thing that makes me remember you is our pictures together and this journal. Please forgive me for what I’ve done. I may be too far away from you but every time you’ll close your eyes you will see me, deep inside you I will always be there. Whenever you're lonely or sad you can read this over and over again. I want you to know that my heart will always remember you. My love will always find its way to you. I love you.

-Jana

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon